Jake Cuenca slams reports linking his name to Kim Chiu

After his two-year relationship with Melissa Ricks, Jake Cuenca says he’s not yet ready to fall in love again.


Si Kim Chiu nga ba ang babaeng itinatangi ng puso ni Jake Cuenca?

Nagsimula sa blind item hanggang sa tuluyan nang tinukoy na si Jake Cuenca ay nanliligaw daw ngayon kay Kim Chiu, na alam naman ng karamihan sa showbiz na malapit na kaibigan ni Melissa Ricks, and ex-girlfriend ng aktor.

Ang dating tuloy sa iba ay baka ginagamit lang daw ni Jake si Kim para pagselosin si Melissa.

Sa naganap na One Big Show para sa 20th anniversary ng Boardwalk last June 18 sa Araneta Coliseum, siniguro ni Jake na hindi siya nanliligaw kay Kim at wala sa hinagap niya na ligawan ito.

"Kim is a friend and I don’t see that in a showbiz way. Talaga namang walang ligawan sa amin ni Kim, medyo awkward yun. Tingin ko kay Kim, parang kapatid ko yun. Kaming tatlo nila Gerald, para kaming magkakapatid," ang panimula ng 24-year-old Filipino-Spanish celebrity.

Hindi niya raw iyon magagawa sa best friend niyang si Gerald Anderson, na nakasama niya sa dalawang teleserye ng ABS-CBN.

"Usapang lalake yun," aniya, bagamat tapos na ang relasyon nina Gerald at Kim. "Kahit ako naman, ma-o-awkward ako pag nangyari sa akin yun. Ang liit-liit ng mundo ng showbiz, pag ginawa ko yun, parang mas papaliitin ko pa.

"Kami talaga ni Gerald, si Coco [Martin], magkakapatid kami. Si Kim, parang kapatid ko ’yan. Yung pagmamahal ko sa kanya, bilang kaibigan. Ako, ayokong sirain ang pagkakaibigan namin."

Kinunsidera rin ba niya na kaibigan ni Melissa si Kim?

Ang mabilis nitong sagot: "’Wag na nating palakihin kasi yun na yun. I must admit, napakaganda ni Kim, sobrang bait pero di para ligawan ko siya. Gaya ng sinabi ko, usapang lalake na yun sa amin ni Gerald."

IF NOT KIM, IS IT BIANCA? Binigyang linaw din ni Jake sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang nanligaw daw siya kay Bianca Manalo, na isang co-host sa Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Kapamilya talent, "Bianca is very good to me, napakabait niya, napakaganda niyang babae at kahit naman sinong lalake, mabibighani kay Bianca, pero hindi ako nanligaw sa kanya. ’Wag na rin sana nating palakihin pa ito, ayokong magpasok o mandamay ng ibang tao lalo na may pinagdadaanan ako sa ngayon."

Sa tanong namin kung handa na ba siya for another relationship, ito ang naging sagot ni Jake:

"It’s not the right time for me to have a relationship. When it comes to my work, ang dami kong dapat asikasuhin, ang dami kong dapat gawin. If it will come, it come pero di pa siguro sa ngayon."

Pagkatapos ng In the Name of Love, where he played the fiancé of female lead Angel Locsin, may mga nakalinya nang project para kay Jake.

Ang kuwento ng binata, "Teleserye, mayroon namang pinaplano, I think nag-o-ocular na ang direktor namin. Siyempre, confidential pa pero okay na. I’ll let you know.

"I’ll also have a movie under Regal Films, it’s with Dennis Trillo and Lovi Poe."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN