Coco Martin admits crush on Maja Salvador, but insists they’re just friends

"Dahil sa napakahusay niyang aktres, napag-iisipan tuloy kami na baka kami na nga. Basta sa ngayon, wala pa naman, purong trabaho lang talaga at magkaibigan kami," says Coco Martin about Minsan Lang Kita Iibigin leading lady Maja Salvador.


Sa pagtatambal nila sa ABS-CBN primetime series na Minsan Lang Kita Iibigin, lumalawak ang fans ng Coco Martin-Maja Salvador tandem.

Bukod sa powerhouse cast at mahusay na pagkakaganap ng mga artistang kasama sa show, ang chemistry ng tambalang Coco-Maja ang isa sa inaabangan sa nasabing teleserye.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Coco sa One Big Show ng Boardwalk last June 18, Saturday, sa Araneta Coliseum, very thankful ang aktor sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang tambalan ni Maja.

Hinihiling nga ng iba na sana raw ay mauwi sa totohanan ang tambalan nila, kahit matagal nang bulung-bulungan ang espesyal na relasyon nito kay Matteo Guidicelli

"Sabi ko nga, proseso," umpisa ni Coco.

"Pangalawang soap na namin ito, pero dito, mas naging close kami ni Maja sa soap na ito.

"Dahil sa napakahusay niyang aktres, napag-iisipan tuloy kami na baka kami na nga.

"Basta sa ngayon, wala pa naman, purong trabaho lang talaga at magkaibigan kami."

Unang nagkasama sina Coco at Maja sa afternoon soap na Nagsimula Sa Puso.

Hindi naman itinatago ni Coco na crush niya si Maja dahil sa magagandang katangian nito.

"Wala namang hindi magkakagusto dun dahil sa sobrang bait niya.

"Sobrang okay, sobrang professional na tao," papuri ng aktor sa kapareha.

MAJA-MATTEO RUMOR. May balitang sina Maja at Matteo Guidicelli na raw, pero itinatago lang daw nila ito sa tao.

Tinanong ng PEP si Coco kung aware ba siya rito at isa ba ito sa rason kung bakit hindi niya maligawan ang kapareha kahit crush niya ito.

"May naririnig akong ganun," sabi niya.

"Pero kung totoo nga, wala namang problema, trabaho lang naman ito.

"Hindi naman kasi si Maja ang magsasabi sa akin nito.

"At kung saka-sakali, let’s say nanliligaw nga si Matteo, magpapasantabi ako kung saka-sakaling liligawan ko si Maja."

Ayon sa aktor, wala siyang lovelife ngayon dahil alam niyang sa hectic ng schedule niya ay hindi rin niya mabibigyan ng oras ang karelasyon kung saka-sakali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVIE WITH JUDY ANN. Isang pelikula sana ang gagawin ni Coco kasama si Judy Ann Santos para Star Cinema, ang Love Will Lead You Back, pero hindi ito napili na maging entry sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa halip ay ang pelikula ni Juday with her real-life husband Ryan Agoncillo ang nakasama sa MMFF, ang My HouseHusband.

"Malungkot, pero hindi naman kami nag-e-expect," sambit ni Coco.

"Basta ako, ang wish ko sana matuloy pa rin na magkatrabaho kami ni Ms. Judy Ann Santos.

"Sobrang excited ako sa movie na yun.

"Hindi pa natatapos dun coz I’m sure pag nagawa namin yun, isa yun sa pelikula na ipagmamalaki ko."

"Hindi ko alam ang rason kung bakit hindi siya nakapasok, pero sana matuloy. Sana huwag magkaroon ng aberya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN