Janna Dominguez swears Mickey Ablan is not her boyfriend yet and she is still friends with Iwa Moto

"Okay kami, friends pa rin naman kami, ’tsaka parang ang pangit na pag-aawayan ninyo lalaki, di ba, tapos magkaibigan kayo, e, sisirain ninyo..." says Janna Dominguez about friend Iwa Moto.


Si Janna Dominguez ang sumalang sa "Don’t Lie to Me" segment ng Showbiz Central, hosted by John "Sweet" Lapus, last Sunday, June 19.

Balitang umali-aligid ang StarStruck alumnus na si Sef Cadayona kay Janna, at may nakakita pa raw na nagde-date sila ni Sef sa isang mall.

Kaya ang unang tanong ni Sweet kay Janna: Naging boyfriend ba niya si Sef?

"No" ang sagot ni Janna, at "Lie" ang naging resulta nito sa truth verifier machine.

"Hindi, pinagtitripan lang kita, gusto kitang makitang sumayaw!" ang tumatawang sinabi ni Janna kay Sweet.

Tulad ng alam ng lahat, bilang consequence, kapag "Lie" ang resulta sa truth verifier machine ay isang "buwis-buhay" na dance number ang palaging ginagawa ni Sweet sa segment na ito ng show.

Inamin naman ni Janna na naging boyfriend nga niya si Sef.

Seven months daw ang kanilang naging relasyon at magkaibigan pa rin daw sila hanggang ngayon.

"Okay na, okay na kami."

MICKEY ABLAN. Ang next question kay Janna ay kung boyfriend niya ngayon ang ex-boyfriend ni Iwa Moto na si Mickey Ablan.

"No!" ang sagot ni Janna at "Lie" na naman ang naging resulta nito sa truth verifier machine.

Ang paliwanag ni Janna, "Di ba, ang tanong kung boyfriend ko siya?

"Sabi ko, no, bakit lie? Hindi naman talaga kami, e."

Nililigawan ba siya ni Mickey ngayon?

"Pumunta siya sa bahay. Nakilala na niya yung tatay ko.

"Mas maganda yung pinupuntahan ka sa bahay kesa sa kalsada," sabi niya.

STILL FRIENDS WITH IWA. Sa isang interview, sinabi ni Janna na magkaibigan sila ni Iwa, na kahit noong araw pa ay nagkakasama sila sa events.

Pero usap-usapan ngayon ay hindi na raw sila magkaibigan.

Kaya ang pangatlong tanong kay Janna ay kung hindi na nga ba sila magkaibigan ni Iwa simula nang ma-link si Janna kay Mickey?

"No" ang sagot ni Janna, na ang ibig sabihin ay magkaibigan pa rin sila ni Iwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero "Lie" muli ang naging resulta nito sa truth verifier machine.

Ayon naman sa pahayag ni Janna, nito lamang June 8 ay nagkausap pa sila ni Iwa.

Dagdag niya, "Okay kami, friends pa rin naman kami, ’tsaka parang ang pangit na pag-aawayan ninyo lalaki, di ba, tapos magkaibigan kayo, e, sisirain ninyo..."

Break na raw sina Iwa at Mickey nang pumunta si Mickey sa bahay nina Janna.

"Oo, ’tsaka labas ako sa away nila," sabi pa ni Janna.

Sa pagte-text-an daw nila kamakailan, sinabi pa raw ni Iwa na mabait si Mickey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN