Prince Stefan on gay rumors: "Hindi yun totoo!"

The 22-year-old Prince Stefan talks about his daring photos, indecent proposal, and gay rumors.

"Ang daming naninira sa akin, ang daming may ayaw sa akin, ganun talaga, e, hindi mo talaga mapi-please lahat," he says.


Sexy and serious!

Ito ang imaheng ipinapakilala ngayon ng StarStruck alumnus na si Prince Stefan, na kamakailan ay nagkaroon ng isang daring pictorial para sa isang showbiz magazine, kung saan nakasama niya ang iba pang Kapuso hunks.

Sa interview sa kanya ng Showbiz Central, napag-usapan ang madalas niyang pag-pose nang shirtless, at kung minsan pa nga ay hubo’t hubad.

Ang unang tanong ay tungkol sa mga daring pictures nitong kumakalat sa Internet. Bagamat aminado siya na may sobrang sexy na pictorial ito para sa ilang magazines, nilinaw niyang hindi lahat ng napo-post sa Internet ay siya.

Paliwanag niya, "May mga lumalabas na edited, like kumuha ng katawan na naked, tinanggal yung ulo ’tapos nilipat yung ulo ko.

"Kasi naman sa picture, naiba yung skin tone ng lower na body part ng lalaki na nakahubad dun sa ulo na dinikit.

"Kasi yung ulo na dinikit, dark, yung lower part na nakahubad na katawan is maputi.

"Hindi ko magagawa yun, and gusto ko lang i-clear na hindi ako yun."

Dahil sa madalas niyang pagpapakita ng kanyang katawan, may ilang seryosong indecent proposal na raw siyang natanggap.

"Like sa FaceBook, ang daming message na kung...ganito, ’Let’s have dinner,’ ’Let’s have...’ alam mo na, or indecent proposal.

"Feeling ko, lalaki na nakikitaan nila na gusto nila or good-looking or maganda katawan, feeling ko it’s natural na magkaroon ng indecent proposal," aniya.

Hindi man daw tumatanggap ng indecent proposals, may ilan naman daw nagsasabing madalas daw makita si Prince na lumalabas-labas na may kasamang bading.

May ilang espekulasyon pa sa mga online forum na kumukuwestiyon sa pagkalalaki ng dating Kapuso talent.

"Hindi yun totoo!" ang mabilis nitong pagkontra.

"Well, ah, there was a time na parang lagi kong nadidinig, ang dami kong nababasa. Well, hindi kasi lahat ng tao magugustuhan ka, e, you can’t please everybody.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I-let go mo na lang. Siyempre for a while, mahe-hurt ka.

"Well part yun ng trabaho mo, e. Basta this is me, well, this is Prince."

Pero hindi nito itinanggi na may mga kaibigan siyang bading at wala naman daw masama dito.

Ang kuwento ng Ilonggo celebrity, "Kasi may pinsan akong bading, may mga relatives akong ganun, na pag lumalabas kami nata-tabloid agad or nakikita ako with my friends or ganito.

"Feeling ko, hindi dapat masamain na pag bading hindi maging kaibigan kasi tao rin sila, e.

"Or sukatin yung pagkatao nila dahil ganun sila."

At sa gitna ng patuloy na pang-iintriga ng ilan kay Prince, ito lang ang sagot ng young hunk sa kanila.

"Ang daming naninira sa akin, ang daming may ayaw sa akin, ganun talaga, e, hindi mo talaga mapi-please lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN