Vice Ganda reveals his special friendship with Jon Avila

"Si Jon, iba ang friendship namin. Sa BBM, mag-status lang ako ng sad face, tatawag na ’yan. Bothered siya. ’O, Beh, what’s wrong?’" says Vice Ganda about hunk Jon Avila.


May kasabihan na kapag successful ang career ng isang tao ay hindi successful ang lovelife.

Pero tila "exception to the rule" ang comedian na si Vice Ganda.

"Successful naman. Masaya naman ang lovelife ko. Masaya naman ang puso ko, promise," sabi ni Vice sa live interview sa kanya ni Toni Gonzaga last Sunday, June 19, sa The Buzz.

JON AVILA. Diretsahang binanggit ni Toni ang pangalan ng nali-link kay Vice ngayon. Dahil ba kay Jon Avila kaya masaya ang lovelife niya?

"Kung maka-namedrop ka naman diyan din, e!" natatawang sagot ng comedian.

Ayon naman kay Toni, huwag daw itong maarte at nasa VTR daw yun.

Hirit naman ni Vice na natatawa, "O, e, bakit?"

Pero inamin ni Vice na magkasama sila ni Jon noong Sabado ng gabi, June 18. Sinamahan daw siya ni Jon nang nagpa-tattoo siya ng star sa kanyang right wrist.

Kaya biro ni Toni, ano ba yun, may "his and her" na tattoo na sila? Kung star si Vice, moon ba ang kay Jon?

Paliwanag naman ni Vice, "Hindi, kahapon kasi nag-tweet lang ako na I’m thinking of having a new tattoo.

"Kasi, wala rin lang akong magawa, bagot na bagot ako kahapon.

"Tapos, sabi niya [Jon], ’Tara, sama ko.’

"Alam naman niyang gusto kong magpa-tattoo. Kaya sabi niya, ’Tara, sama ako.’

"E, alam niya pala ang tattoo, yung Republic.

"Kasi, nag-tweet din ang Republic Tattoo na gusto raw nila akong tattoo-an. Sponsor nila ako.

"Tapos, nandoon na. Noong sinamahan niya ako, nagpapa-tattoo na ako.

"Sabi niya, ’Sige, mauna ka na muna.’ Tapos, pinapanood niya lang ako.

"Pagkatapos ko, ’O, ikaw na.’ Sabi niya, ’Bukas na lang ako.’

"Hindi siya nagpa-tattoo, madaya!"

Bukod sa pagpapa-tattoo, kasama rin ni Vice si Jon nagpunta sa birthday ni Rufa Mae Quinto, at madalas din daw itong magpunta sa bahay ng komedyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero natatawang itinanggi ni Vice ang huli.

"Hindi siya nagpupunta sa bahay ko. Charotera ka! Palaka ka!

"Hindi pa siya nakakapunta ng bahay ko!" sabi ni Vice.

So, saan nanggaling yung VTR na nagpupunta ng bahay niya si Jon?

Paliwanag naman ni Vice, "May kaibigan siya na nakatira rin sa same building kunsaan siya umuuwi.

"Tapos, nagkakasabay lang kami sa elevator."

Ayon kay Toni, hindi siya naniniwala kay Vice.

Sabi naman ni Vice, "Ano ba ’yan, wala talaga. Nakakahiya!"

E, sino ang madalas niyang ka-text ngayon?

"Madalas? Marami.

"Si Jon, madalas kong ka-text.

"Lately, madalas ko siyang katsikahan, kasi pareho kaming bagot."

Last year pa sila nali-link ni Jon?

"Last year ko pa nili-link ang sarili ko sa kanya. Ako ang nagli-link!" natatawang sabi ni Vice.

Maraming na-link sa kanya last year, pero ang nanatiling kaibigan niya ay si Jon. Bakit?

"Kasi, in fairness, lahat naman sila nanatiling kaibigan ko. Pero yung closeness talaga namin ni Jon...

"Namumuo ang mga kasinungalingan sa lalamunan ko!" natatawang biro ni Vice dahil sa pag-ubo.

"Ang kati ng lalamunan ko, may mga buhok-buhok. Nagpagupit kasi ako sa dressing room!

"E, di ba, kapag wala ka naman sa parlor, hindi natatanggal ang mga buhok-buhok?"

Patuloy niya, "Si Jon kasi, iba siya talaga.

"Kaya noong isang araw, nag-emote ako.

"Sinabi ko sa kanya na, ’Ngayon ko talaga napatunayan na iba ang friendship nating dalawa.’

"Kasi, ang dami kong naging katsikahan sa Showtime.

"Pero after ng Showtime, nang matanggal na, dumiskonek.

"Tapos, kapag makikita ko sa mga events-events, parang hindi na ako kilala.

"Si Jon, iba ang friendship namin.

"Sa BBM, mag-status lang ako ng sad face, tatawag na ’yan. Bothered siya. ’O, Beh, what’s wrong?’"

Lalong nagkabiruan sina Vice at Toni dahil sa tawag na "Beh" ni Jon kay Vice.

NEIL ETHERIDGE. Kuwento naman ni Toni, noong shoot daw nila ng "Lupang Hinirang" ay magkasama raw sila ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumating daw ang Azkals, ang mga miyembro ng Philippine football team. At madalas daw ang punta kay Vice ng player na si Neil Etheridge.

Sabi naman ni Vice, "Hindi, madalas lang siyang pumunta ng house!"

Ayon pa kay Toni, ang kuwento raw ay nilapitan daw ni Neil si Vice at kinuha ang number nito at nagbi-BBM sila.

"E, alam mo naman na pala lahat!" natatawang sabi naman ni Vice kay Toni.

Pero paliwanag ng comedian, "Hindi, ano, sa Twitter lang din ’yan.

"Isang beses, nanonood siya [Neil] ng Showtime, so nag-thank you rin ako.

"Tapos, nagkita rin kami sa party ni P-chi [Rufa Mae Quinto]. Slight tsikahan lang sa party ni P-chi.

"Hindi ko matsika nang matagal si Neil, kasi nagagalit si Jon!

"Charoz! Joke lang!" natatawang sabi niya.

Dugtong pa ni Vice, "E, di ba, yung ’Lupang Hinirang,’ yung may ganung kembot tayo, di ba?

"Ang Azkals, sila yung nag- recite ng Panatang Makabayan.

"Nag-tweet ulit siya [Neil], ’I was trying to get hold of you... I just wanna say hi, sorry.’

"Noong nag-tweet ako, puro Neil Etheridge na ang laman ng tweet ko! Sabi ko, ’Anong nangyari?

"Yun pala, nabasa na ng mga followers ko.

"Tapos, nag-tweet siya sa akin.

"Sabi ko kay Anne [Curtis], ’Ano ba ang magandang reply?’

"Siyempre dapat tama ang English.

"Sabi ko lang, ’Yeah, I saw you a while ago. If you’re still here, you can visit the Showtime studio. The madlang people will have fun to see you there.’"

Yun daw yung time na bumisita ang Azkals sa Showtime.

Sabi rin ni Vice, "Yun yung nag-tweet siya, ’Can I have your BBM?’ Kinuha yung BBM ko."

JON OR NEIL? Kung papamiliin siya, sino ang mas matimbang sa puso niya, si Neil o si Jon?

"Siyempre si Jon," mabilis na sagot ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"O, di ba, walang pagdadalawang-isip talaga?

"Hindi pa naman kami talaga ganoong magkaibigan ni Neil. Sa Twitter lang.

"Kami ni Jon, magkaibigan lang. Si Neil, magkakilala lang.

"Pero hindi pa kami [magkaibigan ni Neil].

"Ayokong mag-claim kasi nakakahiya naman, baka sabihin kung makapag-claim ako, e, hindi pa naman talaga."

Si Jon talaga ang ka-close niya?

"Si Jon, siya talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN