Multi-awarded actor Coco Martin overwhelmed by his win at the Star Awards for Movies

Coco Martin won the Best Movie Actor of the Year award for his performance in Noy.

"Gusto ko po sanang pasalamatan ang ABS-CBN at Star Cinema dahil sa pagtitiwalang binigay niyo sa akin at sa pelikulang ito."


Nagwagi muli ng Best Actor Award ang tinaguriang "Indie Film Prince" na si Coco Martin para sa kanyang pelikulang Noy.

Una niyang naging award para sa pelikulang ito noong 9th Gawad Tanglaw.

At sa pangalawang pagkakataon ay nakakuha siyang muli ng tropeyo sa 27th PMPC Star Awards for Movies, na ginanap noong June 21, Martes, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Hotel Manila sa Pasay City.

Ngunit hindi ito ang una niyang Best Actor Award sa PMPC Star Awards—ito ang kanyang ikalawang tropeyo.

Una siyang nanalo noong 2009 PMPC Star Awards for Television naman, para sa kanyang pagganap sa Tayong Dalawa.

Puno ng pasasalamat ang naging speech ng aktor noong gabing iyon.

"Lord… thank you so much sa lahat ng blessings."

"Maramin-maraming salamat Lord sa hindi matapus-tapos na recognition na dumarating sa buhay ko ngayon," dagdag ng aktor.

Pinasalamatan niya ang mga taong nagtiwala at nagtitiwala sa kanya.

"Gusto ko po sanang pasalamatan ang CineMedia at Star Cinema dahil sa pagtitiwalang binigay niyo sa akin at sa pelikulang ito.

"Gusto kong magpasalamat kay Ms. Charo Santos, kay Sir Deo Endrinal, kay Malou Santos, kay Julio Benitez, at…kay Ms. Tess Fuentes, maraming maraming salamat po, at ’yong direktor ko, kay Direk Dondon Santos. Maraming, maraming salamat po sa inyo.

"Thank you so much sa lahat po na nandito ngayon. Sa idol ko, Mr. Christopher de Leon. Thank you so much."

BEST ACTOR. Nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Coco pagkatapos ng awards night ukol sa kanyang muling pagkapanalo bilang Best Actor.

"Sobrang nao-overwhelm ako dahil hindi ko naman ine-expect na manalo.

"Basta ang alam ko ginagawa ko lang ng tama ang aking trabaho at masaya ako na tinatangkilik ito ng marami," saad niya.

Ito na ang 12th acting award ni Coco mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpapasalamat talaga ako kay Lord sa muling blessing na ibinigay niya sa akin. Para sa Kanya lahat ng natatanggap ko," sambit ng mahusay na aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN