Andrei Felix surprised about Jennylyn Mercado being linked to Luis Manzano, but wishes them well

"I think the most important thing is maging busy ka with the help of your friends, family. Siyempre, kailangan mo ring tanggalin ’yong sama ng loob kung mayroon man," says Andrei Felix about overcoming a heartbreak.


Hindi umano inaasahan ng TV personality na si Andrei Felix ang balitang nagde-date na ang dati niyang girlfriend na si Jennylyn Mercado at dating kapwa VJ sa MYX na si Luis Manzano.

"Alam mo nagulat din ako," sabi pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng bago niyang programa na Dream Date kagabi, Hunyo 22, sa Dolce Superclub, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Dagdag pang kuwento ni Drei, "Kapag tinatanong nga nila ako, [sinasabi ko], ’Hindi ko alam.’

"’Yon nga, hindi ko na rin talaga alam kung ano ang nangyayari and everything. Kasi nga, sobrang nakatutok ako sa work--sa Umagang Kay Ganda, dito sa Dream Date, at may travel show pang parating. Ayaw ko munang pangunahan ang lahat.

"Basta sa ngayon naka-focus ako at naka-stick ako sa trabaho lang. Nagulat lang din talaga ako."

Ayon kay Drei, na naging emosyonal umano sa pagkakahiwalay nila ni Jennylyn (CLICK HERE to read related article), naging magkaibigan naman sila ng dati niyang girlfriend kahit wala na silang relasyon.

Gayundin, masaya daw siya para kina Jennylyn at Luis.

"Wala akong masabi. I heard they’re happy," sabi ni Drei. "As long as they’re happy... Kumbaga, ’tapos na ’yon, e. Matagal nang tapos ’yon.

"I’m friends with Luis.

"You know, he’s been very, very good to me noong nasa MYX pa ako. He’s giving me advice and tips on hosting.

"And Luis is one of my idols and isa sa mga tumulong sa akin.

"Well, Jen and I are friends."

"I’VE MOVED ON." Aminado si Drei na ang paghihiwalay nila ni Jennylyn ay isa sa mga pinakamahirap na breakups para sa kanya.

Ani Drei, "Kasi, kapag mahal mo ang isang tao, kahit sino naman, e, kapag naging part siya ng buhay mo, kapag nawala na, sobrang [mahirap]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit tulad nang sinabi niya, ’tapos na ang issue sa kanila ni Jennylyn at nakapag-move on na raw siya mula rito.

Paano naman ito ginawa ni Drei?

Sabi niya, "I think the most important thing is maging busy ka with the help of your friends, family.

"Siyempre, kailangan mo ring tanggalin ’yong sama ng loob kung mayroon man. Sa akin, wala.

"Ngayon, kailangan happy lang, thankful, magpasalamat ka sa Diyos sa mga blessings."

Nakatulong din daw sa kanya ang pagiging subsob sa trabaho. Pati ang mga kasamahan niya sa morning show na Umagang Kay Ganda at naging daan para mapabilis ang kanyang paglimot.

KEEPING AN OPEN MIND. Bihira sa isang celebrity na lalaki na marinig na nagkukuwento tungkol sa kanyang lovelife. Pero para kay Drei, mas mabuti nang sagutin nang maayos ang mga tinatanong ng media tungkol sa kanya kaysa laging nagtatago.

"You know what, you just have to keep an open mind," sabi pa ni Drei sa PEP.

"Ako, I wanted to keep quiet for a time.

"There was a time na kahit noon I want to keep a private life.

"But I think, you can only keep it quiet for a time, e. Kumbaga, lalabas at lalabas talaga, you just have to face the truth.

"You have to face the questions. Kasi, if I don’t answer your questions eventually, you will still ask these questions.

"For me, why keep quiet?

"I mean, I won’t go out there and say, ’O, ganito ang nangyari.’

"Ako, hihintayin ko lang na may magtanong. Ngayong tinanong ninyo ako, gusto ko lang sagutin nang maayos."

Sa ngayon, hindi pa handa si Drei na pumasok muli sa isang relasyon. Mas gusto raw niya ngayon na makakilala ng mga bagong kaibigan.

"Right now, I’m in the state where I just want to meet a lot of people," sabi ni Drei.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just want to enjoy, [go on] dates.

"Gusto ko ’yong friendship... Alam mo ’yong friendship, kahit mag-break kayo, friends pa rin kayo. ’Yong friendship as the base foundation will be the best start."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN