Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

"Kaibigan mo, nagsusumbong sa ’yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano’n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n’yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan ’to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na ’yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

"Yun na nga lang, pagdating doon sa airport, nagulat ako," saad ni Marian.

Kung sinasabi niyang walang away na nangyari sa pagitan nila ni Heart, bakit may ganung insidente sa airport? Nagkaroon ba sila ng pagtatalo ni Heart?

"Walang away na nangyari, yun talaga ang totoo," diin ni Marian.

"Siguro misunderstanding ng magkaibigan.

"Pero sa nangyari do’n sa airport, parang hindi yata niya ako kaibigan.

"Parang nagulat lang ako na bakit nagkaroon ng ganun, e, pag-alis namin galing Laoag, maayos kaming lahat, masasaya kaming lahat.

"So, medyo nagulat lang din ako na pagdating ko ng airport, may mga ganung nangyari. Na kahit ako, parang na-shock ako na...

"Buti nandun si Lovi sa tabi ko para i-comfort niya ako sa mga nangyari... Alam n’yo na ’yon kung ano ang nangyari."

"WALANG AWAY NA NANGYARI." Wala bang ginawa si Heart pagkatapos ng insidente? Nagkausap na ba sila tungkol dito?

"Hindi, hindi kami nagkita, hindi kami nag-usap. Wala talaga.

"Yun ang point do’n, e, akala ko kasi maayos kami. Yun pala hindi para sa kanya.

"Nagulat lang din ako."

So, hindi na-settle ang isyu sa kanila bago umalis si Heart papuntang Brazil?

"Hindi, okay kami. Yun ang ipinu-point ko—maayos kami.

"Wala ngang issue, walang away na nangyari.

"Nagulat na lang ako na pagdating dito, ganun ang nangyari," saad ni Marian.

Masama ba ang loob niya? Na-trauma ba siya sa bodyguards, na sinasabing dala-dala ng mommy ni Heart nang sunduin nito ang anak sa airport?

"Next time, kung 15 ang dala nila, ako siguro mga isandaang bakla ang dadalhin ko para ipagtanggol ako!" medyo natatawa niyang sabi.

Pero ani Marian, "Kasi ang hirap din magbuhat ng sariling bangko na eto ang nangyari, ganito ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro itanong n’yo na lang ’yan sa mga cast—sorry, ha—sa cast na nandoon, mga crew na nandoon.

"Sila mismo ang magpapatunay kung ano talaga ang nangyari. Kung ano ang ginawa ko at kung ano ang ginawa nila."

Ano ang nararamdaman niya ngayon?

"Sa nangyari sa airport? Laking pasasalamat ko sa Diyos na pinalaki ako ng lola ko na may respeto sa nakatatanda sa akin," sagot ni Marian.

"HINDI KO INAASAHAN." Binanggit ni Marian kanina na tila nagkaroon sila ng "misunderstanding bilang magkaibigan" ni Heart. Kaya tinanong si Marian kung ano ang "misunderstanding" na nangyari sa kanila.

Aniya, "Eto talaga ang punto diyan, ha. Alam ni Lovi ’yan, wala talagang nangyari.

"At hindi ko lang alam kung bakit lumabas na may nangyari. Dun ako naguguluhan.

"Ang saya-saya naming nagsu-shooting do’n.

"Nag-bonding kami. Nakilala ko nang mabuti si Sweet, si P-chi, si Lovi, si Solenn bakla rin pala...

"Alam mo yung gano’n, na ang saya-saya namin, na bigla na lang nagkaroon ng ganoong isyu.

"Pagdating dito sa Manila, nangyari nga ’yong hindi ko inaasahan.

"Hindi lang ako, lahat kami na-shock talaga."

May kinalaman ba rito ang isyu na sinabihan daw siyang "bobita" at hindi raw siya marunong mag-Ingles?

"Hindi naman do’n nanggaling, e," sabi ni Marian.

"Hindi mo naman maku-control yung mga tao kung ano ang gusto nilang sabihin sa ’yo.

"Pero siguro kung nabalitaan n’yo ’yan, nabalitaan ko din ’yan, pero dinedma ko na lang.

"May mga gano’n talaga na nagsabi, isang fan niya [Heart] yata or whatever. Okay lang.

"Kasi ang importante sa akin, dapat maayos kaming dalawa.

"Na akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi.

"So, nakakapagtaka lang kung bakit nangyari ’yon, bakit nila ginawa sa akin ’yon."

THE AIRPORT INCIDENT. Pero ano nga ba talaga ang nangyari sa airport noong June 13?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami namang tao ang nandoon, pero siyempre naiintindihan ko naman sila kung wala silang masabi o wala sila talagang nakita.

"Pero ayoko na lang mag-focus sa isyu na ’yan, kung ano ang nangyari sa airport.

"Ang dami namang nakakita, so sila na lang yung magkuwento kung ano yung nakita nila doon."

Pero sinigawan ba talaga siya ng mommy ni Heart?

"Itanong n’yo na lang sa mga nakarinig at nakakita," maikling tugon ni Marian.

Pagkatapos nito ay biglang sumingit si Rufa Mae Quinto at nagpaliwanag tungkol sa sinasabing "bodyguards o kapulisan."

"Hindi ko alam, Marian, kung nasabi ko na sa ’yo... Basta ang alam ko noon, sabi niya [Heart], lima lang naman daw.

"So, kumbaga, kung naging 15, hindi na nila kilala ’yon..." aniya.

Sabi pa ni Rufa Mae, nakipag-picture lang daw yung ibang pulis sa kanila.

"Kaya dumami yung eksena. Naging todo-todo yung eksena!" natatawa pa niyang sabi.

Pero sumingit din si Lovi Poe at sinabing, "I’m sorry, I don’t mean to butt in, but I think it’s best na we don’t talk about it now because both parties are not here to defend themselves.

"So, I think na huwag nang pag-usapan..." pakiusap pa niya.

"HINDI MO KAWALAN." Kung matatandaan, si Marian ang nagkumbinsi kay Heart na tanggapin ang Temptation Island. Bago kasi magsimula ang pelikula ay nag-alangan si Heart na tanggapin ito dahil sa ilang maseselang eksena.

Pero kinausap siya ni Marian at sinabihan na huwag mag-alala dahil hindi siya pababayaan nito. At sa huli nga ay pumayag si Heart na gawin ang pelikula. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa nangyari, nagsisisi ba si Marian na kinumbinsi pa niya si Heart na gawin ang Temptation Island?

"Sa inyo na nanggaling ’yan, ako ang nagkumbinsi sa kanya na gawin niya ’to at inaalalayan ko siya," sabi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hanggang kaya ko siyang ipagtanggol kapag nagsusumbong siya sa akin, ginagawa ko ’yan.

"At walang nangyaring away at kung anumang sinasabi na nangyari sa amin do’n sa Ilocos.

"So, doon pa lang mapapatunayan n’yo na kung ano ang nangyayari dito at paano ang punto nito.

"So, pinagsisisihan na [kinumbinsi]? Nakakapang-ano lang, parang...

"Kasi akala ko kaibigan ko siya at walang nangyari sa amin, yun pala hindi.

"So, ’yon lang. Hindi ko kawalan," deklara niya.

Walang pagsisisi, pero merong konting panghihinayang?

"Wala, kasi ang hirap, e, parang... Si Lovi, siya [Heart], kaibigan mo, nagsusumbong sa ’yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano’n?"

Dito sa puntong ito ay hindi na napigilan ni Marian na mapaiyak.

"Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin...

"Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya...

"Alam ng lahat ng cast... Kapag may nangyayari sa set, kahit maliit na bagay, nalalaman ng lahat ng buong cast ’yan—staff, crew, director—pero bakit sila, wala silang alam?

"Ibig sabihin talaga, malinaw na walang nangyari.

"Yun nga lang, pagdating ng airport, may nangyaring ganun, na hindi ko rin maintindihan.

"At kahit isa man sa amin, walang maipaliwanag kung bakit nila ginawa ’yon," lahad niya.

Pero sa huli ay nagawa pa ring magbiro ni Marian.

"Sa set, natuto na ako... Magdadala ako ng mga isang daang bakla na bodyguards ko... Malalaki ang katawan, ha!" natatawa niyang sabi.

Pagkatapos ng presscon proper ay gusto pa sanang interbyuhin ng press si Marian para sa dagdag na pahayag, pero tumanggi na siya dahil tama na raw ang mga sinabi niya.

Nauna rin siyang umalis kasama ang manager niyang si Popoy Caritativo.

HEART’S TWEETS. Samantala, at press time ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Heart Evangelista at ng kanyang ina na si Mrs. Cecile Ongpauco tungkol sa isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayong gabi ay nag-tweet si Heart sa kanyang Twitter account bilang sagot sa mga pambabatikos na natatanggap ng kanyang ina.

Narito ang magkakasunod niyang tweets mga bandang 6:15 p.m.:

"why is it so unfair? too much.

"someone ...please do something if not i will have no choice.

"i may not be on the same page with mom 90% of the time but she is my mother so stop bashing her.if any lie is said...

"...with your info displayed then you will get what you deserve.sobra na po talaga.totally not fair anymore.this will be the last time...

"..i will tweet about this negative vibe.iam on vacation and having a nice time and all i ever wanted was to finally laugh since...

"...all i did was be silent and cry.tama na po.lets not be unfair.god bless and peace to all."

Mananatiling bukas ang PEP kung may nais pang ipahayag sina Heart at Mrs. Ongpauco kaugnay ng usapang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN