Snooky Serna apologizes to Maricel Soriano for revealing her "engagement"

"I know na in the past, talagaging sinasabi ko ito—na magbabago na ako, I promise I’m mature na, you know. Parang sirang plaka na, e. Nakakatawa na, e. At natatawa na rin ako sa sarili ko. But siguro, I came to a point... na para bang I found it ridiculous na kung magpa-promise ako ulit, tapos puputulin ko naman, hindi ko naman gagawin, I’ll break my promise. And this time kasi, I’m so proud..." says Snooky Serna.<


Kahit napapabalitang naghihikahos siya ngayon at maraming problema, mukha namang masaya and at peace si Snooky Serna nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Snooky was one of the presenters sa katatapos na PMPC 27th Star Awards for Movies held at the Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Hotel Manila sa Pasay City last Tuesday, June 21.

Naikuwento nga ni Snooky sa PEP kung gaano siya ka-excited sa muling pagbabalik-sigla ng kanyang acting career.

Kasali siya sa cast ng TV remake ng pinagbidahan niyang pelikulang Blusang Itim noon na naging blockbuster sa takilya.

Si Kylie Padilla naman ang gumaganap ngayon bilang Jessa, karakter ng pangit na babaeng gumaganda kapag isinusuot ang mahiwagang itim na blusa.

Sa GMA-7 napapanood ang afternoon soap na ito.

"It’s been three years since I last appeared on TV," banggit ni Snooky.

Ang huling project niya sa TV ay ang Kaputol ng Isang Awit na ipinalabas din sa Kapuso network.

Patuloy niya, "Sa panahong hindi ako active sa pag-aartista, naging busy [ako] with business, my family, and with soul-searching.

"Until finally, with God’s grace, I found faith.

"So, after all that, siguro ngayon stable na ako.

"I feel that I’m ready to get out into the world, kumbaga.

"I feel honored na hindi nila ako nakalimutan na isama sa cast ng Blusang Itim at binigyan ng isang very special role.

"Matalinhaga ang papel ko doon!" bahagyang natawa pa niyang pahayag.

"Parang in a way, it’s giving respect to the original Jessa. At masaya ako dahil do’n."

As the actress who originally played the character of Jessa, nagbigay ba siya ng tips kay Kylie kung paano i-portray ang nasabing karakter?

"Yes," sagot ni Snooky.

"Alam mo, ang nakakatuwa pa nga, nahihiya ako, kumbaga na magdunung-dunungan at magbigay ng mga tips na hindi naman solicited.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang nakakatuwa, si Kylie mismo ang nagtatanong sa akin, ’Tita, paano ba si Jessa umarte kapag maganda siya?’

"She (Kylie) is very serious and professional in her work.

"So, ako naman, I’m so giving and open to her.

"Ina-appreciate ko ’yong mga gano’ng tao na... Sa mga kabataan ngayon natin sa showbiz, they take their job very seriously."

CHANGED IMAGE. Nakakatuwa rin na ngayon, tila wala ni anumang intriga o negative issues about Snooky’s work attitude.

Unlike before na talagang dala pa rin niya ang "pagong image" o kabagalan sa pagkilos at laging umanong late sa kanyang commitments na naging tatak na niya sa mahabang panahon.

"Ay naku, I’m so thankful — truthfully!" sambit niya.

"And I know na in the past, talagaging sinasabi ko ito—na magbabago na ako, I promise I’m mature na, you know.

"Parang sirang plaka na, e. Nakakatawa na, e. At natatawa na rin ako sa sarili ko.

"But siguro, I came to a point... na para bang I found it ridiculous na kung magpa-promise ako ulit, tapos puputulin ko naman, hindi ko naman gagawin, I’ll break my promise.

"And this time kasi, I’m so proud.

"And I hope na hindi naman ako mapapagalitan ng mga namamahala at mga namumuno, at ng aming Punong Ministro sa Iglesia [Ni Cristo].

"Pero nagpapasalamat po ako nang marami na kapatid na po ako ngayon ng Iglesia Ni Cristo.

"And talagang it really transformed my spirit... my person.

"And when you are transformed inside, everything will fall into place, e.

"’Yong kasipagan, dumarating na ’yan sa ’yo.

"’Yong sense of responsibility, dumarating na.

"’Yong mga priority sa buhay, naiiba."

Ano ang nakapagpa-trigger sa kanya na magpalit ng religion? At sino ang naka-influence o nakahimok sa kanya?

"Mahabang istorya," sagot ni Snooky.

"Kasi marami naman akong kaibigan sa press, marami akong kaibigan na non-showbiz na mga kapatid sa Iglesia. Even before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My manager, Mr. Mio Manansala and his wife are members of Iglesia. Mang-aawit [choir member] po siya.

"At marami pang iba sa mga kabigan ko ay kapatid sa Iglesia.

"So, noong araw pa, nakikita ko na ang good influence nila sa akin.

"At saka, hindi nila ipinu-push ’yong subject.

"Pero unti-unti, parang inaakay nila ako. Mini-misyon nila ako.

"Then I went through soul-searching nga.

"And they were so respectful of my decision naman na ako mismo sa sarili ko ang maka-realize kung ano ’yong tama. Kung ano ’yong totoo.

"And sa akin pong humble na opinyon, e, iyon po ang pagiging kasapi sa Iglesia Ni Cristo."

MARICEL SORIANO. Dahil balik-sigla na naman si Snooky sa pag-arte, balik din siya sa limelight ng mga intriga.

Ang latest na isyung pinag-uusapan nga ngayon ay siya raw ang nagbuko na ikakasal na si Maricel Soriano.

Magkasama sina Snooky at Maricel noon sa Regal Films at ilang pelikula na rin ang pinagsamahan nila.

"Hay!" natawa si Snooky.

"Alam n’yo, I’m so sorry, I will admit to the truth; ayokong mag-lie.

"Marya, nagsu-sorry ako talaga," mensahe niyang gustong iparating kay Maricel.

"Kung maling information, I’m really very sorry.

"Sis, I love you, I don’t mean to offend you or pangunahan ka.

"Nainsulto lang ako. Kasi I feel just sad and offended kapag ’yong mga ipinaparatang kay Maricel, na alam ko namang hindi mangyayari sa kanya. Never."

Ano ba ’yong tinutukoy niyang mga maling ipinararatang kay Marya?

"I would rather not talk about it," iwas ni Snooky.

"Kasi alam na natin kung ano iyon.

"Pero gusto ko lang sabihin na I’m very assured, kahit hindi kami nagkikita ni Maricel ngayon, lately from our mutual friends, I learned that she is in a good place.

"I mean she’s well, she’s the same Maricel Soriano—the Diamond Star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You know, everything is going fine in her life.

"Mabubulaga na ulit kayo kay Maricel.

"Alam mo ang wish ko rin, ang prayer ko, sana magkita rin kami ni Maricel.

"Gusto kong makausap siya nang personal. Kasi matagal-tagal na rin na hindi kami nagkita in person.

"Gusto ko siyang makita nang personal.

"And siguro to say sorry na rin. Dahil, di ba, parang pinangunahan ko siya?

"And at the same time, to ano, just to... Not check on her because I know she’s okay, e.

"But to ano lang... to bond with her."

Kilala si Maricel sa pagiging "Taray Queen." Paano kung tarayan at talakan siya nito dahil nga sa pambubuking niyang engaged na ito?

"Ay, hindi ako tatarayan no’n. Love ako no’n!" sagot naman ni Snooky.

ZERO LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife niya ngayon?

Matagal-tagal nang walang nali-link sa kanya ulit since she separated from her third relationship, businessman boyfriend na si Jun de Vera. Her ex-husbands include Ricardo Cepeda and Niño Mendoza.

"Ay naku, ang lovelife ko ngayon ay zero," sabi ng dating child star.

"But I’m very happy to be single; this is my choice.

"Hindi naman sa pagmamayabang, at the young age of 45, meron pa rin namang mga nanliligaw at umaaligid diyan.

"That flatters me so much.

"Kaya lang, wala na talaga sa puso ko ’yong ma-in love.

"At least at the moment, I’m very firm about it.

"I’m just very happy being a mother to my children.

"And having been given another chance by my brothers and sisters in showbiz... mga colleagues ko, mga pinagtatrabahuhan ko noong araw, like Channel 7, Mr. Gozon and family... na makapagtrabaho ulit at gawin ’yong isang bagay na gustung-gusto kong gawin.

"At iyon nga ay ang pag-aartista, pag-i-emote sa harap ng camera.

"At the same time, I’m just so happy being a part of Iglesia."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN