Maja Salvador denies report that she has a non-showbiz boyfriend

"Ang tsismis nga, di ba, may non-showbiz boyfriend na nga raw ako? Pero wala. At ipapaalam ko naman kung meron. Hindi ko idi-deny," says Maja Salvador.


Ang sexy ni Maja Salvador ngayon.

Ito ang napansin ng marami sa nakapanood ng kanyang dance number sa Star Awards For Movies held at the Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila last Tuesday, June 21.

Kasama niyang nag-perform sina Erich Gonzales, Pauleen Luna, Enchong Dee, Gab Valenciano, at Rodjun Cruz.

Sandaling panahon lang ang pagrehearse nila para sa nasabing production number dahil halos dalawang oras na lang ay magsisimula na ang awards night, pero nakatutuwang madali nilang nakabisado ang steps ng kanilang sayaw.

Matapos nito, kahit mabilisan lang, dahil kailangan na nilang magpa-makeup at magbihis agad ng kanilang costume, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ma-interview si Maja.

MMFF ENTRY. Naikuwento niya na bukod sa kanyang regular taping para sa primetime series na Minsan Lang Kitang Iibigin sa ABS-CBN, kasali rin daw siya sa cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Star Cinema na Love Will Lead You Back with Coco Martin and Judy Ann Santos.

Pero ang excitement niyang maumpisahan ang nasabing movie ay tila nabawasan nang mabanggit namin sa kanya na hindi na ito ang magiging entry ng Star Cinema para sa MMFF sa taong ito.

"Hindi po natin alam," aniya. "Wala pa naman pong nasabi sa amin ang Star Cinema tungkol diyan."

Pero nagsu-shoot na sila?

"Sa July pa po mag-i-start.

"Tapos ’yong Thelma, ipapalabas na po sa September," sabi ni Maja tungkol sa isa pa niyang pelikula.

MINSAN LANG KITA IIBIGIN. Nabanggit din ni Maja na sa umpisa raw ay nahirapan siya sa taping ng Minsan Lang Kitang Iibigin. Pero kalaunan ay nakapag-adjust din daw siya.

"Mahirap noong una. Kasi may action, hindi lang drama.

"Pero ngayon kasi, ’yong mga rebelde, nasa Manila na. Sa city na sila, so magaan-gaan na ’yong taping namin.

"Kung ’yong mga emosyon naman sa mga eksena ang pag-uusapan, mahirap pa rin ’yong mga ginagawa namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dahil mabibigat na artista ’yong kasama ko," saad niya.

ADMIRERS. Kumusta naman ang lovelife niya?

"Ako po? Maraming nagti-text. Maraming tumatawag," sagot ni Maja.

Pero wala pang nagwawagi sa puso niya?

"Wala pa. Wala pa talagang nagwawagi!" sabay tawa niya

Sa dami ng admirers at suitors na balitang umaaligid nga sa kanya, imposibleng wala siyang magustuhan? O siguro may nakakaangat na sa mga ito para sa puso niya?

"May umaangat. May bumababa!" natawa na namang biro ng dalaga.

"Nakakaloka nga dahil ang chika, meron daw akong non-showbiz boyfriend!

"Ano ba ’yon? Wala po akong non-showbiz boyfriend!"

COCO MARTIN. Wala siyang non-showbiz boyfriend dahil artistang gaya rin niya ang inspirasyon ngayon? Hindi nga ba maingay ang balitang nililigawan siya ng kasamahan niya sa Minsan Lang Kitang Iibigin na si Coco Martin?

Ano nga ba ang chance ng aktor sa puso niya?

"Chance ni Coco? Depende po iyon sa kanya. Hindi ko pa po alam!" tawa na naman niya.

Pero may balita ring ninakawan daw siya ng halik ni Coco. Totoo ba yun?

"Ay, true!" pagkumpirma ni Maja.

"Pero as ano naman ’yon, as Krista and Alexander."

Ito ang mga pangalan ng characters nila sa Minsan Lang Kitang Iibigin.

"Kasi parang nag-mall show kami, hindi as Coco Martin and Maja Salvador, kundi bilang mga characters nga namin do’n sa series.

"At siyempre, dahil sa sobrang nadadala ka dahil ang mga tawag sa ’yo ng tao during the mall show, ’Krista... Alexander.’ Gano’n.

"E, siyempre bilang grabe ang suporta nila, tapos sobrang nag-enjoy kami, nadala na kami sa lahat ng mga pangyayari."

Pero mas gugustuhin ba niya ang non-showbiz na boyfriend kung sakaling mag-decide na siyang sagutin ang sinuman sa mga nanliligaw sa kanya ngayon? O, okey lang na artista rin, gaya ng ng inili-link sa kanya na co-star niyang si Coco?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ang tsismis nga, di ba, may non-showbiz boyfriend na nga raw ako? Pero wala.

"At ipapaalam ko naman kung meron. Hindi ko idi-deny," sabi ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN