Christopher de Leon considers Lifetime Achievement award from the Star Awards a "humbling experience"

Veteran actor Christopher de Leon is this year’s recipient of the Ulirang Artista Lifetime Achievement Award, given by the Philippine Movie Press Club (PMPC).


Special recognition ang ipinagkaloob kay Christopher de Leon, bilang Ulirang Artista Lifetime Achievement Award recipient, ng mga bumubuo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa ginanap na 27th Star Awards for Movies noong Martes, June 21, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Lalong naging special ang pagkilala sa aktor, direktor, public servant (senior board member ng Batangas province), at padre de pamilya sa pamamagitan ng masaya at makabuluhang tribute ng mga totoong nakakakilala at nagpapahalaga sa naging ambag ni Boyet sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Sa natatanging tribute ay tinaguriang "henyo sa pag-arte," "haligi ng industriya," at "nag-iisa" sa kanyang kategorya si Christopher de Leon.

Kasama niyang dumalo sa gabi ng parangal, in his honor, ang maybahay niyang si Sandy Andolong, isa ring respetadong aktres sa industriya.

Matapos ang pagpapakita ng interesanteng film clips mula sa mga eksena ng mahahalagang pelikula ng aktor ay ang pormal na paggagawad ng parangal sa Ulirang Artista awardee.

GUY & PIP. Onstage, ang nag-present ng parangal kay Boyet ay ang kanyang kaibigang aktor din na si Tirso Cruz III.

"Ako ang leading man, siya [Boyet] ang nakatuluyan," simula ni Pip, referring to Boyet’s first marriage to Nora Aunor with whom Boyet has a son, Kristoffer Ian.

"Nagkasama kami sa pelikulang Mahal Mo, Mahal Ko (1978) ng Regal Films. Magka-triangle kami ng ka-loveteam ko, na nakatuluyan niya ang superstar.

"Pareho naman naming nakapareha nang maraming beses ang kanyang pinakapaboritong leading lady—si Governor Vilma Santos."

Interestingly, sa paggagawad ng parangal kay Boyet bilang Ulirang Artista, ang lady producer nina Tirso, Nora, Vilma, at Boyet sa maraming pelikulang pinagtambalan (Guy & Pip, Vi & Boyet, Guy, Pip & Boyet movies) under Regal Films, ang siya namang recipient ng Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera—si Mother Lily Monteverde.

GOV. VI’S MESSAGE. Bumati rin through VTR ang favorite leading lady ni Boyet na si Governor Vilma Santos-Recto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Boyet, maraming salamat sa pagkakabigay mo ng iyong buong buhay at iyong buong husay sa pelikulang Pilipino," simula ng actress-politician.

"Yes, Boyet, congratulations [for a] well-deserved award!

"Alam ko na pinaghirapan mo nang matagal ’yan. Alam kong buhay mo ang ibinigay mo diyan. At pareho lang tayo...[we] never stop learning.

"Kahit na may prestigious awards tayo, bilang artista, we will never stop learning.

"At the same time, I’d like to remind you, public servant ka na rin ngayon.

"Hindi lang sa industriya ng pelikulang Pilipino ka may responsibilidad, kundi katulad ko, may responsibilidad ka na rin sa mga nangangailangan.

"So, once again, Boyet, congratulations!"

BOYET’S ACCEPTANCE SPEECH. Malaking bahagi ng naging acceptance speech ni Christopher ang naitala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal):

"This is a great honor... Aside from that, this is a humbling experience," simula ni Boyet.

"Thank you for this recognition. I am blessed that God gave me a career—a job that I love.

"Well, I love my work and I thank God for this, for the talent that He has given me...

"I’ve been in this business for 37 years already!

"And ito po ang nagtawid sa akin sa buhay, nagbantay sa aking mga anak and, you know, aside from that, gusto kong pasalamatan din ang aking pamilya—ang aking maybahay..."

Sinalubong ng malakas na palakpakan ang bahaging ito ng talumpati ng aktor, habang nakangiti sa kanyang pagkakaupo si Sandy.

Together, the showbiz couple shared more than a decade of marriage at mayroon silang limang supling—sina Rafael Sandino, 28; Miguel, 26; Gabriel, 21; Mariel, 18; and Mica, 15.

"At ang aking mga magulang na siyang naging gabay ko. They were my mentors, they taught me the tricks of the trade.

"For the information of the young guys, I come from a family of actors. My mother is Lilia Dizon and my dad si Gil de Leon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Former LVN stars of the 1950s ang mga magulang ni Boyet.

Ang dalawa naman niyang kapatid na babae, sina Pinky de Leon at Lara Melissa de Leon, ay mga kilalang aktres din.

"I am so happy also to be paired with great actors—especially Governor Vilma Santos, Nora Aunor, Hilda Koronel... Sandy Andolong and so many more.

"Also, I’ve worked with with all the great directors. From Gerry de Leon (Banaue), Lino Brocka (Tinimbang Ka Ngunit Kulang), Ishmael Bernal (Ikaw Ay Akin)... Of course, si Eddie Romero (Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?), all National Artists [for Film]."

In-acknowledge din ni Christopher ang presence noong gabing ’yon ni Joel Lamangan, na nagdirek ng kanyang award-winning performance sa Bulaklak Ng Maynila noong 1999.

Bahagi pa ng maikling anecdote na ibinihagi ng aktor ang kanyang lubusang pagtanggap sa Ulirang Artista Lifetime Achievement Award, na sa simula ay aminado siyang hindi niya masyadong batid ang buong kahulugan.

"Ano ba ang ibig sabihin talaga nito? Kasi, karamihan ng kumukuha ng mga ganyang award, medyo may edad na, di ba? Or, pumanaw na...

"But I’m so lucky to be awarded this recognition... to God be the glory!

"Thank you very much!" pagtatapos ng talumpati ni Christopher.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN