Solenn Heussaff prefers doing movies over teleseryes

"In this movie I was able to cry! Mahirap akong umiyak as I have nothing to cry over. Pero serious ang scene, lahat sila umiiyak, kaya napaiyak na rin ako. Even the staff, they also cried," says Solenn Heussaff about her cyring scene in Temptation Island.


Bago pa nagsimula ang grand presscon ng Temptation Island last Thursday, June 23, sa Mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City, nakausap na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa bida ng pelikula na si Solenn Heussaff.

Pumayag magpa-interview agad ang Filipino-French commercial model turned actress-singer dahil maaga raw kasi siyang aalis. May Santacruzan daw siyang pupuntahan sa Pampanga.

FOOT OPERATION. Inusisa ng PEP ang tweet niya tungkol sa "Foot operation on July 1. Curious to see the creature that my foot will give birth to."

Sinagot naman ito ng best friend niyang si Georgina Wilson ng: "I wanna be the ninang."

Makaka-attend ba siya sa premiere night ng Temptation Island sa SM Megamall Cinema 9 on July 3?

"I’m not sure, but I will try," nakangiting sagot ni Solenn.

Ang said foot injury ay nakuha pa ni Solenn nang sumali siya sa Survivor Philippines Celebrity Showdown.

Napabayaan niya ’yon kahit nakabalik na sila sa Pilipinas. Nang sumakit lang ay saka niya muling naipa-check-up at ang result nga ay kailangan itong operahan.

TEMPTATION ISLAND. Ang Temptation Island ang second movie niya pagkatapos ng debut movie niyang My Valentine Girls with Richard Gutierrez.

Nag-enjoy ba siyang gawin ang pelikulang ito?

"Yes, in this movie I was able to cry!" natatawa niyang kuwento.

"Mahirap akong umiyak as I have nothing to cry over.

"Pero serious ang scene, lahat sila umiiyak, kaya napaiyak na rin ako.

"Even the staff, they also cried."

Sampung beses na palang napanood ni Solenn ang original version ng Temptation Island na idinirek noon ni Joey Gosiengfiao, without knowing na gagawin pala niya ito at gagampanan niya ang role ni Pura K na unang ginampanan ni Bambi Arambulo.

Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa co-stars niyang kinabibilangan nina Marian Rivera, Rufa Mae Quinto, Heart Evangelista, Lovi Poe, Aljur Abrenica, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John Lapus?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya, bonding kaming lahat sa shooting sa Paoay, Ilocos Norte kahit ganoon kainit sa location, sa sand dunes.

"Feeling ko nga transvestite ako kasi ako ang pinakamataas among the girls!" natatawang wika ni Solenn.

"Si Marian, payat na maliit siya, ganoon din si Heart at si Rufa Mae. A little taller lang ako kay Lovi.

"Marian is fun to be with, ang bilis niyang sumagot sa mga tanong.

"Si Lovi is my dancing partner, kahit ngayon na nandito na kami sa Manila.

"Si Rufa Mae, I’ve known her before pa, bonding kami at madalas kaming mag-lunch together.

"Si Heart naman, noon ko pa siya friend.

"Si Sweet, lagi kaming may stand-up comedy sa island, para hindi namin mapansin ang init ng weather and the sun.

"Tom is like a brother to me, he’s cute, a mestizo.

"Aljur is more Filipino; si Mikael, chinito siya."

Kung sakaling ma-stranded siya sa isang island, sino sa kanila ang gusto niyang makasama? Kasama rin sa cast si Dennis Trillo na special guest sa movie.

"Hindi naman pwede si Sweet. Siguro si Aljur na lang," sagot ni Solenn.

"I think he knows what to do kung na-stranded kami at siguro he will listen to my orders.

"Si Tom, ayaw ko, madaldal siya, although masayahin siya.

"Si Dennis, super gwapo, tahimik na mukhang bad boy, he’s mysterious."


Ito rin ang dahilan kung bakit mas gusto niyang gumawa ng pelikula kesa teleserye.

"Sa movie kasi, mas shorter ang workdays than soaps, na nagti-taping kami for four to five months, like in Captain Barbell.

"Nag-leave muna ako sa taping when we were shooting in Ilocos Norte.

"I think I need more training for my next soap," saad niya.

NO TIME FOR BOYFRIEND. Kumusta naman ang lovelife niya?

"No time for boyfriend, for two years now," sagot ni Solenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sila ni Richard Gutierrez?

"No, friends lang kami talaga ni Richard. Ang ganda ng girlfriend niya ngayon!" pambubuking ni Solenn.

"Sobrang ganda niya, kamukha siya ni Georgina [Wilson, Richard’s ex-girlfriend].

"Kung lalaki ako, mai-in love din ako sa kanya."

Hindi ba siya naiinggit sa mga kaibigan niya na may boyfriends?

"Everyone needs love, but I’m very busy.

"When I’m with my friends with their boyfriends, I want to go home and hug someone. Or I’ll go abroad na lang!" natatawa niyang sabi.

Pero ani Solenn, "Ayaw ko naman ng boyfriend na pinakikialaman ako.

"Pag nanliligaw sila, mabait sila. After three months, magtatanong na sila ng ’Nasaan ka na?’

"Ayaw ko ng ganoon, kasi I can be trusted naman."

RECORDING CAREER. Ibinalita rin ni Solenn na tapos na siyang mag-record ng kanyang self-titled album from MCA Records.

"Matagal kong pinag-isipan kung ano ang title ng album.

"Finally it will come out on July 16 and I will have my concert on August 19 and August 26 at Teatrino in Greenhills.

"Pero uunahin ko muna ang promo ng Temptation Island," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN