John Lapus confirmed in cast of Hototay, but he’s out of Shake, Rattle and Roll 13

John Lapus explains the dish and the movie: "Hototay is a kind of a Japanese soup, na maraming sahog, so sa movie, Hototay means iba-ibang tao so parang ganun ang mangyayari. So it’s an ensemble movie, hindi ko ito launching, hindi lang ako ang bida."


Medyo tense si John "Sweet" Lapus nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Thursday, June 23, sa Imperial Palace Suites sa presscon ng Temptation Island, pelikula ng Regal Entertainment, Inc. at GMA Films na ipapalabas sa July 6.

Kakatapos lang kasi nilang mag-usap ng producer na si Mother Lily Monteverde nang umupo sa mesa namin para makipagtsikahan.

"Hindi ko alam kung sino nagsabi sa lola mo, akala niya siguro ang manager ko ay Viva [Films]. Sabi ko ’Mother, Star Magic ako.’

"Ang pinirmahan ko sa Viva ay two picture non-exclusive contract. Ang akala niya hindi ko na puwedeng gawin yung Hototay niya," pahayag ni Sweet.

Gaano katotoo na noong una ay ni hindi niya alam na kasama siya sa Hototay, ang entry ng Regal Entertainment, Inc. sa Metro Manila Film Festival sa December?

"Hindi ko talaga alam. I was surprised!

"Kasi reporter yung unang nagsabi sa akin, may nag-congratulate sa akin sa entry ko daw sa MMFF.

"So, ako naman, in-assume ko Shake, Rattle & Roll, kasi iyon ang alam ko, at iyon ang alam ng Viva.

"Naka-stipulate sa contract ko yun, na ang Viva ang gagawa ng aking launching movie.

"Pero papayagan pa rin nila akong gawin ang part two ng Here Comes the Bride at ang SRR 13—na last SRR—kasi alam nila na pag SRR, kasama talaga ako.

"So, akala ko iyon yun. Pero nung nabasa ko yung text, Hototay!

"Kaya sa FaceBook, may status ako, ’Hototay?’ May question mark na ganun. Na ’Ano yun?’ Hindi ko talaga alam, hindi ko talaga alam.

"Na itong Regal, ipinasa pala yung pangalan ko. Ganyan, so clueless talaga ako."

Patuloy pa niya, "Managerial po ako sa Star Magic, pero wala po akong kontrata sa Star Magic.

"It’s all verbal, but okay naman kami, e, mabait din naman sila kaya hindi ako umaalis, kahit walang kontrata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat po ng pelikula ko, Star Magic po talaga ang may hawak ever since."

NOT HIS SOLO MOVIE. May usapan sila ng Viva na sila ang gagawa ng launching movie ni Sweet, pero ang Hototay ay under Regal.

"Korek! At technically, it’s an ensemble so ang mangyayari, ang Star Magic ire-request namin sa Viva na ito na yung... instead of SRR, Hototay ang gagawin ko.

"Wala na ako sa Shake... nakakainis!"

At nililinaw ni Sweet, hindi niya solo movie ang Hototay.

"No, it’s not, hindi ko ito launching!

"[This] is an ensemble, pakisulat ’yan, para hindi mag-panic ang Viva. Hototay is an ensemble movie; it’s about a dysfunctional family.

"May Ruffa Gutierrez diyan, may matriarch na ang alam ko si Susan Roces ang gusto ni Direk Joel [Lamangan].

"Kung sino man yun, malamang Gloria Romero o... di ba? Hindi pa natin alam.

"Yung asawa ni Ruffa na ang huli kong alam, si Gabby Concecpion yata ang kinukuha. So, imposibleng maging bida si John Lapus diyan.

"Kaya lang, ang nangyari pala, nung nag-submit ang Regal ng mga pangalan, yung ibang artista, e, hindi pa nakakausap.

"E, sabi ko, bakit ako hindi pa ako nakakausap, nilagay na? Na ang ending, kasi daw favorite ako ni Mother. Si Mother, sinabi na dapat kasama ako.

"Hototay is a kind of a Japanese soup, na maraming sahog. So sa movie, Hototay means iba-ibang tao, so parang ganun ang mangyayari.

"So it’s an ensemble movie, hindi ko ito launching, hindi lang ako ang bida. Ang kontrata ko po sa Viva ay launching, solo, ako yung bida."

Kaya magagawa niya ang pelikula?

"Ay mukhang! At ipagpe-pray natin ’yan and I hope payagan naman ako ng Viva kasi ito naman yung kapalit ng SRR/

"And again, as promised and as per the contract, my launching will be with Viva na solo, na ako ang bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-panic ang Viva, akala nila ako yung bida kasi ako yung naka-submit sa MFFF."

LAUNCHING MOVIE. May ino-offer ba ang Viva na siya ang bida?

"Iyon ang sabi nila sa akin, na ang contract ko naman dapat 2012, so kung anuman yun, sana matuloy."

Kung offer-an siya ng Viva na launching movie na entry rin sa filmfest this year?

"Ay, hindi naman pupuwede iyon dahil may lineup na yung filmfest.

"So, isa pa yun, medyo positive naman ako na papayagan naman kami ng Viva kasi again, this is an ensemble, this is not a launching [movie]."

What if habang ginagawa niya ang Hototay ay biglang may offer ang Viva sa kanya na isang launching movie; ano ang pipiliin niya?

"Naku, ang hirap naman niyan! Paano ba ito?

"Well, bilang sa Viva ako may kontrata, at the end of the day you have to honor the contract.

"At in fairness naman, si Mother naman ang unang nagbigay sa akin ng pelikula na nasa title role ako via Super Inday & The Golden Bibe.

"So, kahit anong production company ang sumunod, nauna na naman si Mother, nauna na si Mother."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN