Edgar Allan Guzman apologizes for his infidelity: "Pinagsisisihan ko na po... May mali man kaming nagawa kay Johlan, sorry."

"Ayoko po kasing mawala si Johlan (Veluz, left). Wala po siyang kasalanan and sa sitwasyon ngayon, hindi ko masasabing nag-over react ang girlfriend ko, kasi totoo lahat," Edgar Alla Guzman (right) tells PEP. Nagkakalabuan ang magkasintahn dahil sa dancer na si Milagring (inset).



Magkasunod na nakontak ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magkasintahang Johlan Veluz at Edgar Allan Guzman, matapos lumabas ang issue tungkol sa magulong estado ng relasyon nila sa kasalukuyan.



Sangkot dito ang singer-comedienne na si Milagring, na kasama ni Edgar Allan sa gag show na Lokomoko U ng TV5.



Nang lumabas sa PEP ang ulat, agad naming kinontak si Edgar Allan, sa pamamagitan ng kanyang cell phone.



To our surprise, ang sumagot sa kabilang linya ay babae, na nagpakilalang siya si Johlan Veluz, ang girlfriend ni Edgar Allan.

Hindi pa namin nakilala nang personal si Johlan, at hindi namin alam ang kanyang boses, pero pinakinggan na rin namin ang kanyang mga sagot sa aming mga tanong.

Kumusta na sila ni Edgar Allan?

"Hindi po okey. Hindi ko po kasi alam kung nasaan siya. Iniwan niya sa akin itong cell phone niya," sabi sa kabilang linya.



Sinugod nga ba niya si Edgar Allan sa airport noong madaling araw ng Huwebes, June 23?



"Hindi ko po sinugod. Sinundo ko po siya (Edgar), galing Cebu. Bago po ito, inamin na po ni Edgar, na totoo po... na may ’something’ sila ni Milagring..."



Ayon din kay Johlan, "Nag-text si Milagring, tinatanong kung kanino ko raw po nalaman ang tungkol sa kanila ni Edgar..."



Sa maikling phone conversation ng PEP at ni Johlan ay hindi masyadong ma-i-detalye ng dating Sexbomb member ang nais niyang ipahayag.



"Naguguluhan po ako, kasi hindi ko po alam kung nasaan siya (Edgar). Iniwan po niya sa akin ang phone niya pagkatapos naming mag-usap, sa loob ng kotse ko, kasi po dala rin niya ’yung kotse niya.... naguguluhan po ako, e."



Ano ang plano niya, matapos ang pangyayari?



"Wala pa po. Hindi pa po kasi maayos ang usapan. Ang sa akin po, baka po ulitin kasi..." sabi pa ni Johlan.



Pagkatapos niyon ay nag-hang up na siya at hindi na uli nakausap ng PEP ang girlfriend ni Edgar Allan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Naghintay kami ng pagkakataon na makausap uli si Johlan para sa karagdagang-detalye, bukod sa nauna nang lumabas na mga pahayag niya sa unang pagkakaulat ng PEP pero hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon.



Ang sumunod na naiulat ay ang mga pahayag ni Milagring, na taliwas sa mga naipahayag ni Johlan Veluz.



EDGAR ALLAN’S TEXT MESSAGE. Kaninang umaga, dakong ika-6:30, nag-reply si Edgar Allan Guzman sa aming text message nang sinundang gabi, June 24.



Inuusisa pa rin namin si Edgar, sa pamamagitan ng kanyang cell phone na ipinagamit niya pansamantala kay Johlan, matapos ang kanilang komprontasyon.



Nais ng PEP na kunin ang side ng aktor, matapos magpahayag si Milagring sa isang hiwalay na interview, through text.



Maikli lang ang mensahe ni Edgar Allan. Hindi niya na rin sinagot ang iba pang follow-up questions at clarifications na ipinadala ng PEP.



"Kuya, magko-comment na po ako sa inyo, kasi hindi na rin po maganda [ang] lumalabas sa PEP," simula ni Edgar Allan.



Apparently, nabasa na ni Edgar ang dalawang naunang artikulo, with statements from Johlan and Milagring.



"Kawawa naman po kasi ang girlfriend ko.



"Pinagsisisihan ko na po kung ganu’n ang nangyari. And nag-text na po kami ni Milagring. Sinabi niya din po [na] may mali man kaming nagawa ke Johlan, sorry, dapat namin itama.



"At lahat po ’yun, inaayos ko na.



"Ayoko po kasing mawala si Johlan. Wala po siyang kasalanan and sa sitwasyon ngayon, hindi ko masasabing nag-over react ang girlfriend ko, kasi totoo lahat."



Ang tinukoy ni Edgar, tungkol sa "nag-over react" na si Johlan ay mula sa pahayag ni Milagring sa artikulo tungkol sa kanya.



Nilinaw namin kay Edgar Allan kung ang sinasabi niyang "nag-text na po kami ni Milagring" ay parehong kay Johlan ipinarating, bilang pagsu-"sorry" sa girlfriend ni Edgar Allan.



Hindi na sinagot ng young actor ang aming follow-up inquiry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hanggang lumabas si Edgar Allan kanina, sa Hey! It’s Saberdey!, at matapos iyon, ay walang follow-up reply ang young actor para higit na malinawan pa ang kasalukuyang sitwasyon nilang magkasintahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN