Cristine Reyes considers boyfriend Rayver Cruz an "answered prayer"

"Dati po, palagi kong pinagpi-pray, sana bigyan ako ni Lord ng lalaking magmamahal sa akin nang totoo, habang buhay. Feeling ko tinupad Niya yun. Totoo ’to, hindi ko sinasabi kay Ray. Kaya thankful ako, ibinigay Niya sa akin agad," says Cristine Reyes about boyfriend Rayver Cruz.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay sabay na nagpa-interview ang magkasintahang Cristine Reyes at Rayver Cruz kay Boy Abunda sa The Buzz kahapon, June 26.

Ibinahagi ng dalawang Kapamilya stars ang moments nila at ilang bagay tungkol sa kanilang relationship.

Narito ang kabuuan ng kanilang pag-uusap:

Boy: "Ano ang huling ginagawa ni Rayver bago matulog?"

Cristine: "Skype?"

Boy: "Ang unang ginagawa ni Rayver paggising?"

Cristine: "Tumawag sa akin."

Boy: Matakaw si Rayver sa...?

Cristine: "Spaghetti."

Boy: "The last time na naiyak si Rayver dahil kay Cristine ay...?"

Cristine: "Hindi ako nagsasalita kapag may problema."

Boy: "The worst moment na nagalit si Rayver ay...?"

Cristine: "Hindi kasi talaga ’to nagagalit Kuya Boy, e."

Boy: "Mahilig si Rayver na i-surprise ka, ano ang hindi mo malilimutang surprise?"

Cristine: "Birthday ko. Sa set ng Kristine ’to, 12 midnight na, lahat-lahat, pinatawag kaming lahat. Maya-maya, kumanta sila ng ’Happy Birthday.’ Tapos maya-maya may cake, nagdadatingan.

"Tapos may roses, si Rayver ang may hawak. Na-surprise ako kasi bumiyahe siya from Manila to Batangas."

Rayver: "Nagte-text ako, ’Gaano ka pa ba katagal diyan? Last two sequences pa.’ E, hindi niya alam nandoon lang ako, hinihintay ko lang na mag-12 midnight."

Boy: "Gaano ninyo kamahal ang isa’t isa?"

Rayver: "Sobra, sobra-sobra. Parang siya ang kumumpleto. Noong dumating siya sa buhay ko, ang sarap ng pakiramdam. Kasi alam ko, ito ang babaeng para sa akin talaga."

Boy: "At saka Rayver, diretsahan, I think she’s one of the prettiest. She’s one of the sexiest."

Cristine: "Naks naman!"

Rayver: "Okay lang...(laughs)"

Cristine: "A, gano’n, okay lang, okay lang?"

Rayver: "Oo naman!"

Boy: "Basang-basa ka talaga ng sambayanang Pilipino. Kapag masaya si Cristine Reyes, masaya. Kapag galit, nasa Twitter. Ikaw ba [Rayver] napagsasabihan mo ba [si Cristine]?"

Cristine: "Hindi niya ako ma-control."

Rayver: "Wala akong magawa, Tito Boy. Actually, siguro kung may pagseselosan ako, yung Twitter. Lalo na kapag nagkakatampuhan kami at mainit ang ulo niya, nasa cell phone ’yan. Alam mo na kung saan ang ending niyan, Twitter. Yun ang parang ano, e, best friend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos ako, manghuhula na lang kung ano nangyari. Ang hirap ng kalagayan ko. Tapos tatahimik na lang siya. ’Puwede ba sabihin mo sa akin kung ano nagawa ko?’ Ang hirap manghula, ha."

Cristine: "Kapag tinatanong niya ako, nagsasalita ako sa isip ko. Pero hindi ko masabi."

Rayver: "So unique!"

Boy: "Sa lahat daw ng nakarelasyon ni Cristine, si Rayver lang daw ang tila buo ang pamilya niya sa suporta?"

Cristine: "Opo. Kasi, parang pangalawa siyang seryosong boyfriend ko, e. As in, seryoso talaga na matagal."

Boy: "If your dad were alive, ano ang kanyang sasabihin?"

Rayver: "Magtataka yun. Tinatawag niya si Rodjun. ’Halika nga rito anak,’ sabi niya kay Rodjun, ’halika nga rito anak, bakit ’yang kapatid mo walang suwerte sa pag-ibig? Guwapo naman, may talent naman.’ Ganoon si Papa, e. Parang walang nagkakagusto. Ganoon pa siya.

"Sabi ko nga, kung buhay si Papa ngayon, sobrang natutuwa ’yun. Kung nasaan man siya, sobrang natutuwa yun. Sabi ko sa kanya [Cristine], ’Sayang lang, hindi mo nakausap si Papa.’"

Boy: "Diretsahan Rayver, are you loyal to Cristine?"

Rayver: "Loyal na loyal."

Boy: "Hindi ka tumitingin sa ibang babae?"

Rayver: "Hindi, kapag magkasama nga kami sa mall naka-ganito ko (kunwari na nakatungo)."

Cristine: "Hindi, tumitingin siya sa ibang babae, pero hindi ako nagagalit. Kahit ako naman, minsan, ’Ay ang cute no’n. Crush ko yun.’ Okay lang."

Boy: "Okay lang sa ’yo?"

Rayver: "Okay lang. Titingin ako, a, hindi threat."

Cristine: "Totoo yun, totoo yun."

Boy: "Kumportable ba siya, na bilang one of the sexiest girls, si Cristine ay pantasya ng kalalakihan?"

Rayver: "Hindi ko siya pinapakialaman kung ano ang gusto niyang gawin. At saka Tito Boy, a year ago, kasama naman ako do’n sa mga pumapantasya, e. Hahaha!"

Boy: "Last year, kasama ka sa pumapantasya; nasaan ka ngayon?"

Rayver: "Ngayon, sorry guys!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Boy: "Ang totoo, nakikita na raw nina Cristine at Rayver na humaharap sa altar balang-araw."

Cristine: "Gusto ko parang fairy tale. Tapos yun, gusto ko sa church talaga. Catholic. Feeling ko nga habang nagwo-walk pa lang ako, naiiyak na ko.

"Dati po, Tito Boy, palagi kong pinagpi-pray, sana bigyan ako ni Lord ng lalaking magmamahal sa akin nang totoo, habang buhay. Feeling ko tinupad Niya yun.

"Totoo ’to, hindi ko sinasabi kay Ray. Kaya thankful ako, ibinigay Niya sa akin agad.

"Pero matagal ko na yun pinagpi-pray kasi gusto ko, mamahalin ako ng lalaki, hindi lang ngayon kung hindi habambuhay. Mahirap mag-isa, e. Galing ako sa broken family. Gusto ko, buo.

Rayver: "Noong nagtatrabaho ako, mga nine years old ako, katrabaho ko na ate niya (Ara Mina). May nakikita akong batang babae na kasama ng ate niya. Hindi ko kilala kung sino. Maputi, tahimik lang. Kasama ng ate niya.

"Tapos ngayon, hindi mo akalain kami rin pala ang ending. Nakakatuwa. Parang sinet lahat ni Lord ito para sa amin."

Cristine: "Nine years old kami Tito Boy, crush ko siya."

Rayver: "Ah, sabi ko na! Sabi ko na, Tito Boy!"

Cristine: "Wait! Sandali ha, huwag lumaki ang ulo mo! Siya naman ngayon ang may crush sa akin. Hindi niya ako pinapansin noon, so ngayon siya naman ang hindi ko pinapansin!"

Rayver: "Tito Boy, crush ko siya. Pero noong makita niya akong sumampa sa stage, sa ASAP, noong sumayaw ako, nakita ko ang mga mata niya, ’Ang hot nitong lalaki na ’to!’ Aminin mo, aminin mo!

Cristine: "Whatever!"

Boy: "Sa ngayon, nalalapit na rin ang pagsasama nila sa isang serye, ang Reputasyon."

Cristine: "Abangan po nila ang Reputasyon. Ang character ko, ang pag-akyat ko, ang pagbangon ko. Ang paglaban ko sa reputasyon ko. Kung ano ba ang uunahin ko, ang reputasyon ko o ang pag-ibig ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rayver: "Ako naman, ang pagmamahal ko sa kapatid ko or sa kanya, parang ang hirap mahati."

Boy: "Pag-ibig o reputasyon?"

Cristine: "Parang nangyari sa akin ’yan at ang pinili ko, pag-ibig. Hindi na importante sa akin kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa reputasyon ko. Basta alam natin kung ano ang totoo, pag-ibig."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN