Danita Paner not threatened by Nadine Samonte’s entry to TV5

"Natutuwa pa nga ako kasi dumarami na kami sa TV5. Kumbaga, mas marami rin yung chance na makatrabaho mo ang ibang artista, di ba? Mas lumalaki yung pamilya, mas dumarami ang kapatid ko sa istasyon, di ba? So, wala yung ganyang isyu na mai-insecure ka sa pagpasok ng iba," says Danita Paner about the entry of stars from other networks to TV5.


Hindi raw threatened si Danita Paner sa pagpasok sa TV5 ng ibang aktres na galing sa ibang istasyon, gaya ni Nadine Samonte na mula sa GMA-7 ay kumpirmadong Kapatid na rin.

"Wala, walang ganun na nate-threaten ako," sabi ni Danita.

"Natutuwa pa nga ako kasi dumarami na kami sa TV5.

"Kumbaga, mas marami rin yung chance na makatrabaho mo ang ibang artista, di ba?

"Mas lumalaki yung pamilya, mas dumarami ang kapatid ko sa istasyon, di ba?

"So, wala yung ganyang isyu na mai-insecure ka sa pagpasok ng iba."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danita sa grand presscon ng bagong teleseryeng pinagbibidahan niya along with Oyo Sotto, Bangis, na mapapanood simula Lunes ng gabi, July 4, pagkatapos ng Wil Time Bigtime sa TV5.

Ginanap ang presscon kagabi, June 28, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Confident naman daw si Danita na hindi siya pababayaan ng Kapatid network kahit na may mga lumipat na ibang artista sa istasyon.

Thankful nga siya sa TV5 dahil sa magagandang projects na ibinibigay sa kanya gaya nitong Bangis.

"Hindi naman ako nag-aalala na mawawalan ako ng project kasi nakita na rin naman ng TV5 kung paano ako magtrabaho.

"Ibinibigay ko naman ang lahat ko sa bawat show na ibinibigay sa akin.

"Thankful nga ako sa TV5 kasi sila yung nagbigay ng opportunity sa akin na umarte sa telebisyon.

"Dati kasi parang nag-aalangan akong pumasok sa acting talaga.

"Sabi ko dati, banda lang ako. Gusto ko lang dati music.

"Matagal na nga akong pinu-push ni Mama [Daisy Romualdez]. Napagod na nga siya kaka-pressure.

"Di ba, pag pine-pressure ako, lalo akong umaayaw?

"Pero nung sinabi ni Tita Annabelle [Rama, Danita’s manager] na subukan ko, ayun sinubukan ko.

"At nandun ang TV5, sila ang nagbukas ng pinto para sa akin kaya nagpapasalamat talaga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, ine-enjoy ko na ang acting," saad niya.

TV5 PRINCESS. Isa si Danita sa itinuturing na mga prinsesa ng TV5. Ano ang masasabi niya rito?

"Siyempre nakakatuwa na kinu-consider ka nila na prinsesa. Nakaka-flatter siya," sagot niya.

Nararamdaman ba niya yung treatment sa kanya na isang prinsesa?

"Oo naman. Magaganda naman yung projects na ibinibigay sa akin. Inaalagaan naman nila ako.

"Kasi right now, kokonti pa lang kami sa TV5 kaya nga yung nakakatrabaho namin, nagiging close na sa amin."

Hindi ba nagkakaroon ng isyu sa kanila ni Alex Gonzaga na isa rin sa mga prinsesa ng TV5?

"Hindi, wala sa amin ni Alex yun. Si Alex nakaka-text ko. Minsan nakakasama ko rin," banggit ni Danita.

Ano pa ba ang ine-expect niyang show na ibigay sa kanya ng TV5?

"Kasi yung My Driver Sweet Lover, romantic-comedy na in-enjoy ko naman. Tapos itong Bangis, medyo may pagka-action-fantasy.

"Ang hindi na lang naibibigay sa akin, yung heavy drama, e.

"Ewan ko kung babagay sa akin, pero gusto kong i-try."


NEW LEADING MAN. Ginagampanan ni Danita sa Bangis ang role ni Maya, isang environmentalist.

Kung sa una niyang teleserye sa TV5 na My Driver Sweet Lover ay ang boyfriend niyang si JC de Vera ang naging kapareha niya, dito sa Bangis ay si Oyo Sotto ang kanyang leading man na gumaganap naman bilang si Leon, ang animal hunter na may misyong hulihin ang higanteng buwaya sa Sitio Talim.

"Ano ako rito, e, parang sigang environmetalist na talagang nagwewelga ako.

"Pinuprotektahan ko yung mga animals, so nagka-clash kami parati ni Oyo kasi siya naman, animal hunter naman siya.

"Nag-aaway kami sa una pero feeling ko, magkakaroon din kami ng love angle, parang magkaka-develop-an kami."

Kumusta katrabaho si Oyo?

"Sobrang bait ni Oyo, as in," sambit ni Danita.

"Very family-oriented. Tapos napaka-low profile, hindi mareklamo. Very professional pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papayag ba siya kung magkakaroon sila ng kissing scene ni Oyo?

"Hindi ko nga alam, e. Sabi kasi ni Mama, huli na raw yung sa My Driver Sweet Lover. E, nagkataong boyfriend ko si JC nun.

"Feeling ko dito sa Bangis, hindi naman siya kailangan kasi hindi naman siya love story.

"Kasi kay JC, okay lang naman. Kay Mama lang kasi hindi pa namin napag-uusapan, e."

Imposible raw magkaroon ng isyu na mali-link sila sa isa’t isa ni Oyo dahil pareho na nga silang taken.

May asawa na si Oyo, si Kristine Hermosa, at boyfriend naman ni Danita si JC.

"Hindi, kasi si Oyo parang kuya ko na yun," sabi niya.

"At saka ina-admire ko yung relationship nila ni Kristine. Talagang mahal na mahal niya ang asawa niya."

Bukod kina Danita at Oyo, kasama rin sa cast ng Bangis sina Felix Roco, Rodjun Cruz, Danny Javier, Tessie Tomas, Yul Servo, Wendy Valdez, Miriam Quiambao, Katherine Luna, Bayani Agbayani, Marissa Sanchez, CJ Caparas, Jazz Ocampo, Mavi Lozano, Gerald Pesigan, Junyka Santarin, at BJ Go.

Tampok din sa Bangis ang mga computer-generated giant crocodiles na sina Bangis at Itim.


COMPUTER-GENERATED CROCS. Kakaibang experience daw para kay Danita ang umarte nang hindi nakikita ang kaeksenang buwaya dahil computer graphics nga ito.

"Si Bangis kasi yung mabait na buwaya, si Itim yung bad na buwaya," banggit ng young actress.

"Wala pa akong nagawang eksena with Bangis, pero kay Itim meron na kaming nagawa ni Oyo.

"Nakulong kasi kami sa isang hawla tapos nandun si Itim."

Gaano kahirap umarte na ang kasama mo sa eksena ay computer-generated crocodile?

"Ang hirap kasi mag-i-imagine ka talaga na may kaeksena ka.

"May scene doon na yung nakulong kami ni Oyo sa hawla. Tapos iniikot-ikot yung hawla kasi kunwari inaatake kami ni Itim.

"Talagang umiikot-ikot din kami. Ang hirap mag-struggle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre iba yung acting pag meron ka talagang nakikita, di ba?

"Tapos nagkapasa rin ako. Naospital din ako ng ilang araw, siguro sa pagod at saka nanibago siguro yung katawan ko.

"Pero I don’t complain kasi trabaho naman talaga ng artista yung ganun, di ba?

"It’s a great learning experience."


GOING STRONGER WITH JC. Siyempre, hindi rin pinalagpas ng PEP na kumustahin si Danita at ang kanyang relationship with JC.

"Okay naman, nine months na kami. Going stronger."

Hindi ba sila nag-aaway?

"Siyempre nag-aaway din minsan. Pero naaayos naman namin.

"At siguro yun ang mas nagpapatatag sa relationship namin kasi mas nakikilala namin ang isa’t isa.

"Natatanggap namin kung anuman yung pagkukulang ng isa. Doon kami mas natututo."

Miss niya na raw katrabaho si JC sa isang teleserye kahit na magkasama naman sila sa Saturday youth-oriented variety show na Hey! It’s Saberdey!.

"Kasi sa Hey! It’s Saberdey!, hosting-hosting lang dun.

"Pero sa aktingan nakaka-miss siya katrabaho talaga. Grabe kasing mag-alaga yun sa set, e."

Ano ang reaksiyon niya na sinabi ni JC na ang relationship nila ang pinaka-mature sa lahat ng naging relasyon ng boyfriend niya?

"Talaga? Ako, honestly napaka-immature ko. Pero si JC ay napaka-mature na kasi 25 na siya.

"Ako, ang naging boyfriend ko, isa lang. So, minsan pag nagkakaproblema, hindi ko talaga alam kung paano i-handle yung relationship.

"Kaya ang maganda sa amin ni JC, natututo ako sa kanya," sabi ni Danita.

Ano naman ang masasabi niya na siya raw ang "most precious" kay JC ngayon?

"Sabi niya? Kinikilig ako!" sabay tawa ni Danita.

"Sobrang in love na in love talaga ako kay JC."

Kung ire-rate niya ang pagmamahal niya kay JC from 1 to 10, 10 being the highest, ano ang rating ni JC sa puso niya?

"Twenty. Ganun ko siya kamahal. Sobra niyang pinasasaya ang puso ko," sabi ni Danita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN