Diether Ocampo denies being intimidated by co-star Robin Padilla; happy for Kris Aquino’s return to talk show

"Ako ay natutuwa, ako ay talagang abot-langit ang pasasalamat dahil nabigyan tayo ng ganitong pagkakataon, bihira ang ganito. Sobrang nakaka-excite na katrabaho siya," says Diether Ocampo about working with Robin Padilla.


Pinabulaanan ni Diether Ocampo ang bulung-bulungan na nai-intimidate diumano siya tuwing makakaeksena ang co-star niya sa Guns and Roses na si Robin Padilla.

"Bakit naman ako mai-intimidate sa isang Robin Padilla?" sambit ni Diether.

"Bagkus, ako nga ay nae-excite.

"Ako ay natutuwa, ako ay talagang abot-langit ang pasasalamat dahil nabigyan tayo ng ganitong pagkakataon, bihira ang ganito.

"Sobrang nakaka-excite na katrabaho siya.

"Alam mo naman si Maestro, maraming naituturo sa atin ’yan na magagandang bagay.

"E, siyempre, ang mabigyan tayo ng pagkakataon na makatrabaho si Robin Padilla ay isang malaking karangalan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Diether sa backstage ng ASAP Rocks noong Linggo, June 26.

Anu-ano ba ang itinuturo sa kanya ni Robin? Kasama ba rito kung paano trumato sa isang babae na parang reyna, na siyang hinahangaan ng mga nagiging kapareha ng action star?

"Madami," sagot ni Diether.

"Pagdating sa experiences, mas malawak.

"Pagdating sa lovelife, alam mo naman si Tol, nirerespeto ko rin ang pribadong buhay niya lalo na pagdating sa pag-ibig.

"Ang importante, ang mga babae, minamahal, at hindi kami nagkukulang diyan."

Tinanong din namin si Diet tungkol sa jacket na iniregalo niya kay Binoe.

"It’s a leather jacket. Gusto ko talagang regaluhan siya nun kasi hindi naman sapat yung naibigay kong yun sa dami ng naibabahagi niya sa aking aral at magagandang leksyon," saad niya.

Nagpahayag naman si Diet ng pasasalamat sa mga tagasuporta ng Guns and Roses.

"Diyan mo makikita na ultimo ang panahon ay nakikisama.

"Kumbaga, sobrang lakas ng blessings na dumadaan sa iba’t ibang klase at paraan.

"Naging sulit po yung paghihirap at pinagpaguran namin ito nang husto.

"Sa lahat ng bumubuo ng Guns and Roses, staff, crew, sa mga kasamahan kong mga artista, sa aming magagaling na directors and writers, maraming-maraming salamat sa inyo."

KRIS AQUINO. Na-link noon si Diether sa co-star niya sa pelikulang Dalaw na si Kris Aquino. Pero consistent naman ang dalawa sa pagsasabing magkaibigan lang talaga sila at walang higit pa roon ang namamagitan sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga panayam noon kay Kris ay inamin nito na nagkaroon ng tension sa friendship nila ng aktor, kung saan naputol ang communication nilang dalawa.

Pero paliwanag ni Diether, "Nasira yung phone ko, nabura yung mga numero.

"Baka nagpapadala siya sa akin ng mga mensahe, hindi ko matanggap dahil wala na akong telepono.

"Wala naman kaming problema ni Kris," diin pa niya.

"Siguro hindi lang nabibigyan ng pagkakataon na magkasama kami dahil siyempre abala siya sa trabaho, ako ganun din.

"Hindi namana totoo yung inconsistent, walang ganun sa pagkakaibigan.

"Kahit hindi kayo nagkakausap, pero pag nagkita kayo, talagang nandun yung pagmamalasakit."

Masaya rin si Diet na may bagong show si Kris, ang Kris TV. Excited nga raw siyang mag-guest sa nasabing show.

"Oo, excited nga siya dun and I’m very happy for her.

"Yun yung inaabangan ko, yung bumalik siya sa talk show.

"Siya lang yung nakakagawa talaga nun at naaabot yung gusto ng tao," sabi ng aktor.

Nang tanungin naman sa pagkaka-link ni Kris kay Senator Chiz Escudero, iwas magbigay ng komento si Diether.

"Pagdating sa ganyang bagay, personal na ’yan, hindi ako makikialam diyan.

"Alam n’yo naman kami, bilang lalake, talagang iniingatan namin ang magbigay ng pahayag.

"Baka kasi di maintindihan ng iba, baka ma-misinterpret," paliwanag niya.

KRISTINE HERMOSA. Tinanong din ng PEP si Diether tungkol sa pagbubuntis ng kanyang dating asawa na si Kristine Hermosa, na kasal na sa aktor n na si Oyo Sotto.

Aniya, "Masaya ako dahil siyempre ibang level na rin yung responsiblidad.

"Nakakatuwa na parang nakita mo kahit papaano na naging mabuti ang takbo ng buhay ng isang tao na naging parte ng buhay mo.

"Ganun yata talaga pag blessed tayo sa isang proyekto, may mga bagay na isinasakripisyo pero naiintindihan ko yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN