JC de Vera on relationship with Danita Paner: "Bawal ang sleepover."

"Maiisip ko siguro ang pag-aasawa kapag umabot ako ng 30. So, may five years pa ako. Marami pa kasi akong gustong gawin, e. And gusto ko rin bago ako magpamilya, financially stable na ako, e," says JC de Vera.


Kumpara sa ibang showbiz couples, walang ingay ang relasyon nina JC de Vera at Danita Paner.

Sabi nga, para silang hindi mag-on kahit sila na nga.

Pero mas gusto raw pareho ng dalawa ’yong hindi gaanong napag-uusapan ng publiko ang anumang meron sila.

"As much as possible, we prefer na hangga’t may maitatago kaming private stories tungkol sa amin, we keep it sa aming dalawa na lang," sabi ni JC.

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bagong variety show ng TV5 na Hey, It’s Saberday! kung saan isa siya sa major hosts.

Patuloy niya, "Bihira rin kaming makita sa labas na magkasama.

"Hindi naman sa gusto talaga naming itago kung anumang meron kami. Kasi we’re both open naman about our relationship.

"Ano lang... merong mga instances kasi na may naninira o ang daming mga kuwento. So, iyon ang iniiwasan lang namin.

"’Yon ang understanding namin na...huwag tayong masyadong papasok sa side ng showbiz.

"May ibang couples kasi na sa lahat ng events makikita mo magkasama ’yan. Magpapakita talaga sila sa media.

"Kami, hindi.

"But we also go out, eat outside, gumigimik din naman kami.

"Pero kapag showbiz events talaga, hindi n’yo kami makikita doon."

WORKING RELATIONSHIP. Sa showbiz, kadalasan, kapag ang relasyon ay nabuo dahil sa pagiging magkapareha sa trabaho, sinasabing hindi gano’n katibay at malamang ay mauwi rin lang sa hiwalayan kapag nagkasawaan.

"Kami, bago pa man magkasama sa trabaho, magkakilala na kami," sabi ni JC.

"When we started working together, mas nagkaroon kami ng time na makapag-usap at makasama ang isa’t isa.

"Siguro kung sa na-develop, hindi, e.

"Kasi before pa, nagkaroon ng instances na nagkakasama nga kaming lumabas at nag-uusap kami. Hindi lang nagtuloy-tuloy.

"After naming mag-team up, saka lang naging kami.

"So, iyon nga ang ikinaganda no’n, kasi kapag nasa work ka, ’yong good qualities lang ng katrabaho mo ang makikita mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na panay show-off ka lang, kumbaga, kasi kailangan mabait ka sa lahat, e.

"E, kami, after work, nagsasama na kumbaga, wala kami sa mundo ng showbiz.

"So, mas nakakapag-usap nang maayos. We had enough time to get to know each other well na wala sa area ng showbiz.

"Ang pinakanagustuhan ko sa kanya? Very ano siya, e...true.

"True to herself. Wala siyang anumang mga pretensions."

DANITA’S MOM. Ang adoptive mother ni Danita na si Daisy Romualdez ay may image bilang de-primerang stage mother, na mataray at pakialamera sa lahat ng bagay patungkol sa anak.

Hindi ba siya nahirapang tonohan ito o kaya ay nakaapekto sa relasyon nila ng young actress?

"Nakaapekto, in a way. Kasi nagiging strict siya," sagot ni JC.

"Pero mabait naman si Tita Daisy. At saka binigyan niya ako ng basbas na, ’Sige, ikaw ang bahala sa anak ko.’

"Parang ang sa akin naman kasi, napi-feel naman niya talaga na, kumbaga, pure ’yong intentions ko sa anak niya.

"And ’yon ang ipinakita ko sa kanya. Na kaya kong alagaan ang anak niya at walang masamang mangyayari."

Kung sabagay, tila boto naman si Daisy kay JC. Kung gaano katindi ang pagtutol ng dating aktres noon kay Kean Cipriano, na ex-boyfriend ni Danita, ay siya namang ikinagusto nito kay JC.

"Happy naman ako na gano’n. And kumbaga, kasi ie-earn mo ’yong trust ng tao, e.

"Basta siguraduhin mo lang na walang mangyayaring masama sa anak niya. And na-prove ko naman ’yon sa kanya.

"Siguro mga three or four times na nag-out of town na kami. Payag siya.

"Alam ko may tiwala naman sa akin si Tita Daisy," saad pa ni JC.

NO SLEEPOVER. Hindi kaya magaya sila sa ibang kabataan na dahil sa sobrang maluwag ang tiwala ang mga magulang ay natatangay na ng pagiging mapusok?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin, puwede namang maiwasan ’yong mga gano’n," sabi ni JC.

"And sa aming dalawa ni Danita, kapag nagkakasama kami, kailangan pa rin niyang umuwi. Bawal ang sleepover.

"Na-prove naman namin ’yon na nakakauwi siya nang maaga at hindi umaga na.

"Tapos kapag nag-a-out of town kami, wala rin namang masamang nangyayari sa kanya."

Kadalasan, saan ba sila nagpupunta kapag nag-a-out of town sila?

"Sa beach lang. Pero hindi kaming dalawa lang, but with friends.

"Pag free time kasi namin, gusto naming nakikita ’yong mga friends namin," sabi ng young actor.

Hindi ba parang "honeymooners" na ang kanilang drama when they go out town nga?

"Ay, hindi! Breather lang namin ’yon. Na from work, gusto mong mag-relax."

JASMINE CURTIS-SMITH. Si Jasmine Curtis-Smith ang ginu-groom ngayon ng TV5 na leading lady ni JC sa TV remake ng Utol Kong Hoodlum.

Hindi kaya makaapekto ito somehow sa relasyon nila ni Danita?

"Wala. Magkaibigan sila. At mas close pa nga sila kesa kami ni Jasmine, e," sabi ni JC.

Hindi kaya sa pagsasama nila sa trabaho ay mahulog ang loob niya kay Jasmine, o magkaroon ng love triangle sa kanilang tatlo ni Danita?

"Hindi mangyayari ’yon," tugon ni JC.

"Si Jasmine, intelligent siya. Alam niya ang do’s and don’ts.

"Siyempre alam na rin niya ’yong way sa showbiz kasi sa Ate [Anne Curtis] niya. Meron siyang guardian, kumbaga.

"And I don’t think magkakaroon ng anumang conflict kasi maayos ’yong samahan namin.

"Wala kaming anumang issues sa set."

Siya ba ’yong tipo na kapag may girlfriend na, talagang imposible nang ma-attract at manligaw pa sa nakakapreha kahit gaano pa ito kaseksi at kaganda?

"A...marunong akong maka-appreciate ng beauty. Pero ’yong mai-in love ako, hindi.

"Kapag may girlfriend ako, ’yong girlfriend ko lang.

"Pero siyempre, hindi mo rin masabi kung maganda talaga ’yong babae, tapos ikaw na ang nililigawan!" medyo natawang kambiyong pahayag ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Pero ang hirap no’n, e. As much as possible talaga, pag girlfriend, girlfriend lang, wala ka nang sideline."

PLAYING HIS CARDS WELL. Sa isang kagaya niyang guwapo at kilalang aktor, hindi rin nga malayong may mga girls na lalapit sa kanya at magpapakita ng motibo.

"Na parang sila ang nanliligaw? Well, kailangan mong laruin ’yong cards mo nang tama.

"So, dapat alam mo kung kailan ka maggi-give in. Kung kailan ka makikipag-friends lang, di ba?

"At saka ano ’yon... parang sinisira mo na ang sarili mo kapag patol ka nang patol. Ang pangit na sa image ’yong gano’n, e.

"Okey naman ako kay Danita, e. Kuntento naman ako sa kanya.

"Okey na ’yong nakakita ako ng ibang magagandang babae sa paligid ko.

"May girlfriend na ako, e."

Napi-feel ba niyang si Danita na nga ang kanyang makakatuluyan?

"Masyado pang maaga para masabi ’yong ganyan," sagot niya.

"’Yong ten years na ngang magkarelasyon, naghihiwalay, e. ’Yong mga mag-asawa na, naghihiwalay.

"Nabubuhay kami ni Danita, day by day.

"Kapag may konting problema, inaayos. Pinipilit ayusin.

"Kapag hindi na maayos, ibang usapan na ’yon kasi hindi na maayos, e.

"But so far, naaayos naman namin kapag nagkakaproblema kami."

Ano ba ’yong malimit na maging dahilan ng pagkakaroon nila ng problema?

"Usually mga mood swings lang. Na ’yong isa pagod, ’yong isa walang tulog.

"Minsan ako naman, meron akong gustong gawin. Pero hindi ko magawa.

"So, mood swings lang. Wala ’yong selos o may nanloloko. O kaya may third party.

"Never kaming nagkaroon ng gano’n. Talagang sa mood lang," saad.

PLANNING A FAMILY. May mga pagkakataon ba na nagiging meyo malalim ang usapan nila? Na they talk about plans na gusto nilang buuin para sa kanilang dalawa?

"No. Wala pa," sagot ni JC.

"Danita kasi is 22. Ako 25.

"Marami pa akong goals na kailangang i-set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maiisip ko siguro ang pag-aasawa kapag umabot ako ng 30. So, may five years pa ako.

"Marami pa kasi akong gustong gawin, e. And gusto ko rin bago ako magpamilya, financially stable na ako, e.

"Hindi ko alam kasi kung hanggang kailan ako sa showbiz. Kung dito na ba ako tatanda.

"So, gusto ko meron akong maipundar at may sapat na savings para sure akong stable talaga ang future ko at ng magiging pamilya kung sakali, at wala akong ibang iniisip.

"Ayoko no’ng magkakaproblema ako financially, di ba?" pahayag ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN