Derek Ramsay on rumored marriage with Filipino-Indian girl: "It’s a very personal matter."

"My lawyer now will be the one to take care of that. Kasi, it’s a very personal matter, which I will share to everyone in the coming months," says Derek Ramsay about reports that he’s already married to a non-showbiz girl.


Ilang linggo na ring usap-usapan ang diumano’y pagpapakasal noon ni Derek Ramsay sa isang non-showbiz girl, ngunit nanatiling tahimik ang actor-TV host tungkol dito.

Subalit sa eksklusibong ulat ni Ginger Conejero na ipinalabas sa TV Patrol ngayong gabi, June 29, ipinakita ang isang official marriage contract na nagsasaad na ikinasal na nga aktor.

Ayon sa dokumento, ikinasal si Derek sa dati niyang girlfriend, ang Filipino-Indian model na nagngangalang Mary Christine Jolly.

Nakasaad din dito na si Mary Christine ay pinanganak sa Las Piñas.

Twenty-six years old noon si Derek nang ikasal sila, samantalang si Mary Christine ay 21 years old.

Ang kasal, ayon sa dokumento, ay ginanap noong Abril 3, 2002, sa Mayor’s Office ng Balagtas, Bulacan.

Makikita rin sa marriage contract na ito ay pirmado ng dalawang witness at ng dating Balagtas Mayor na si Reynaldo Castro.

Samantala, sa panayam naman ng ABS-CBN News sa family lawyer na si Atty. Jean Ferry, pinatunayan na legal pa ang nasabing kasal ni Derek.

Ayon kay Atty. Ferry, "If the certificate of marriage has no annotation that is required then, on its case, the marriage is still existing and is still valid. As opposed to other person, he is still married."

DEREK KEEPS MUM ON THE ISSUE. Sa kabilang banda, nakapanayam din ng ABS-CBN News si Derek, kasama ang kanyang girlfriend of four years na si Angelica Panganiban.

Bagamat hindi naging tiyak ang sagot ni Derek tungkol sa isyu, sinabi niya, "My lawyer now will be the one to take care of that. Kasi, it’s a very personal matter, which I will share to everyone in the coming months."

Nabanggit din ng Kapamilya aktor na naging malaking tulong sa kanya ang girlfriend sa pagharap ng panibagong pagsubok na ito sa kanilang relasyon.

"For me, like all the other intrigues that happened every month, I’m gonna focus on my work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And for those who have been very supportive, I wanna say thank you.

"I want to let you know that she stands by me and our relationship is very, very strong," sabi ni Derek.

Nagpakita naman ang suporta si Angelica sa kanyang kasintahan.

Aniya, "Siyempre, gusto naming harapin ito nang masaya, di ba?

"Tina-try naman namin ang best namin na malabanan ’to, na okay kami."

Ilang saglit matapos ang pag-ere ng kanilang panayam sa telebisyon, nag-post naman si Derek sa kanyang Twitter account.

Sabi niya, "Guys take Lang ako! I’ll try to reply to everyone later. Lalabas din ang katotohanan. Angel maraming Salamat sayo."

Mula sa isang reliable source, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naka-base na ngayon sa Dubai si Mary Christine.

Si Mary Christine daw ang girlfriend ni Derek bago sila naging ni Solenn Heussaff.

Sa pagtatanong-tanong pa ng PEP sa source, alam daw ni Angelica ang tungkol sa relasyong ito ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN