Child actor Renz Valerio learns the value of loyalty at a very young age

"Loyal po talaga ako sa GMA kasi since po pagkabata ko nandito na ako. Dito na ako lumaki. Dito ko na nadaanan yung proseso ng paghihirap, yun pong hirap at ginhawa. Dito na po ako naka-experience ng ganun," says Renz Valerio.


Sa murang edad na 12 years old, alam na ng Kapuso child actor na si Renz Valerio ang kahulugan ng pagiging loyal sa pinagtatrabahuhang TV station.

"Since five years old po, nasa GMA na ako. Masaya po ako na Kapuso ako.

"Loyal po talaga ako sa GMA kasi since po pagkabata ko nandito na ako. Dito na ako lumaki.

"Dito ko na nadaanan yung proseso ng paghihirap, yun pong hirap at ginhawa. Dito na po ako naka-experience ng ganun," pahayag ni Renz.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa presscon ng bagong early primetime teleserye ng GMA-7 na Futbolilits, last June 28 sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Ipinanganak noong November 10, 1998, si Renz ang bunso sa dalawang magkapatid.

Nagsimula ang kanyang showbiz career bilang TV commercial model hanggang sa kunin siya ng QTV11 para pagbidahan ang soap na Noel noong 5 years old siya.

Naging GMA Artist Center talent si Renz at nagtuluy-tuloy na nga ang career niya bilang Kapuso.

Ilan sa mga shows na ginawa niya sa GMA ay ang mga sumusunod: Bantatay, Muli, Joaquin Bordado, Diva, All My Life, at Darna.

Naging host din siya sa kiddie show na My Chubby World Loaded.

FUTBOLILITS. Ngayon ay isa si Renz sa mga batang bida ng Futbolilits, kasama sina Yogo Singh, Isabel "Lenlen" Frial, at Julian Trono.

Ginagampanan ni Renz ang role ni Sherwin, isang batang-kalye na marunong dumiskarte sa football at sa buhay.

"Nagpapasalamat po ako sa GMA na isinama ako sa cast ng Futbolilits," sabi niya.

"Sa tingin ko po, talagang bagay po ito sa akin dahil mahilig po ako sa sports.

"Dahil po sa Futbolilits, nakahiligan ko na rin po yung football.

"Dati po kasi ang gusto ko ay badminton, basketball, swimming, mga ganun po."

Nagkaroon din ba sila ng training sa football?

"Meron din po. Nag-training at workshop po kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta namang katrabaho ang kapwa niya child actors sa show?

"Lahat po sila masaya pong kasama at madaling katrabaho," sabi niya.

"Pag sinabi po ni Direk [Mike Tuviera], ’Uy, dito kayo,’ sumusunod naman po kami.

"Tapos hindi po sila mahirap kausap at madali pong bigyan ng instructions."

WORKING WITH RAYMART AGAIN. Masaya rin si Renz na nakatrabaho ulit niya si Raymart Santiago sa Futbolilits. Naging tatay kasi niya ang aktor sa Bantatay noon.

"Masaya po ako at nakasama ko ulit si Tito Raymart.

"Kasi meron na po akong isang kakilala noong simula pa lang ng taping.

"At saka si Lenlen din po kasi kasama rin namin siya sa Bantatay dati.

"Kaya parang madali na pong magtrabaho pag may kakilala ka agad."

Hindi sila mag-tatay ni Raymart sa Futbolilits dahil coach ng team nila ang role ng aktor bilang si Frankie, isang magaling at papasikat nang football player na mapapariwara dahil sa pagkamatay ng asawa’t anak sa tsunami disaster. Pero muli nga itong nagbabalik para maging coach ng Futbolilits team.

"Coach po namin si Tito Raymart kaya lagi rin po kaming magkasama.

"Si Tito Raymart po sa Bantatay pa lang, na-discover ko na palabiro, mabait, madaling kausap.

"Okay po siya at hindi maarte kung ano ang gustong ipagawa ng direktor.

"Tapos magaling din po siyang artista. Isa po siya sa idols ko sa showbiz," sabi ng child actor.

Kasama rin nina Renz at Raymart sa cast ng Futbolilits sina Jennylyn Mercado, Paolo Contis, Angelika dela Cruz, Nova Villa, Benjie Paras, Daniel Matsunaga, Mosang, Iking Magundayao, JM Reyes, Ronald de Santos, at Gabriel Roxas.

THE AZKALS EXPERIENCE. Para mas maging pamilyar daw sila sa game na football ay pinapanood sila ng GMA ng game ng sikat na Pinoy football team, ang Azkals.

"Masaya po yung experience!

"Kahit hindi po namin masyadong kilala yung Azkals, pag nakita mo pong naka-goal, napapasigaw kami, ’Yes!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi parang ’Yes, Philippines!’ Representative natin nanalo, parang ganun po.

"Kaya nung magkakatabi po kami, ang ingay po namin sa kakasigaw," kuwento ni Renz.

Sino ang favorite Azkals player niya?

"Si Phil at James Younghusband po."

WANTS TO HOST. Bukod sa mga ibinibigay na projects sa kanya ng GMA-7, ano pa ang gusto niyang gawin sana?

"Gusto ko po sana na magkaroon pa ako ng show na nagho-host," sagot niya. "Kasi po gusto ko talagang ma-develop yung skill ko sa pagho-host.

"Katulad po ng My Chubby World. Sayang nga po mag-e-end na, e.

"Sana nga po ma-extend pa po siya, e. Ang sarap po kasing mag-host.

"Parang meron na po akong skill sa pag-acting, meron pa po sa hosting.

"Gusto ko rin po sanang matutong mag-sing kasi nagda-dance naman po ako."

Ang isa pang maganda kay Renz, kahit nag-aartista na siya ay hindi naman niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral. First year high school na siya ngayon sa St. Claire Antipolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN