Imelda Marcos hears mass for martial-law victims by accident

Feb 26, 2016
<p>Former First Lady Imelda Marcos attended an offertory mass for martial-law victims at the National Shrine of Our Lady of Perpetual Help in Parañaque City last February 24. "Nung sinabi sa kanya may EDSA event, sabi niya, 'Sige lang at may pinagdadasal

Bahagyang nalagay sa alanganin si former First Lady at Ilocos Norte 2nd District Representative Imelda Marcos nang siya ay aksidenteng dumalo sa isang misa para sa mga biktima ng martial law.

Isang araw bago ang ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power, namataan ang dating Unang Ginang sa 11 A.M. mass ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help (Baclaran Church).

Sa nasabing misa, inalala ng presiding priest na si Teody Holgado ang mga pang-aabuso at katiwalian sa ilalim ng rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ang yumaong asawa ni Imelda.

Huli na nang malaman ni Imelda na sa kanyang kinauupan sa bandang harapan ng altar ay napapaligiran siya ng mga kapamilya ng martial-law victims at iba't ibang human rights group.

Ang totoo ay nagkataon lang umano na naroon si Imelda para sa ikatlong Miyerkules na siya ay nag-aalay ng novena sa Baclaran Church.

Kuwento ng close-in staff ni Imelda na si Ricardo Malasa, “Nagtaka po kami kasi sa Mass, nagpasaring sa martial law.

Continue reading below ↓

“Nung malapit na matapos yung Mass, ang daming media.

“Hindi namin akalain ganun pala yun.”

Gayunman, nanatili umano si Imelda sa loob ng simbahan hanggang sa matapos ang misa.

Sabi pa ni Malasa, base sa ulat ng GMA News 24 Oras kagabi, February 25, “Nung sinabi sa kanya may EDSA event, sabi niya, 'Sige lang at may ipinagdadasal tayong lahat.'”

Sa kabilang banda, hayagang binatikos ni Presidente Benigno "Noynoy" Aquino III ang pamilya Marcos sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power kahapon.

Read: PNoy slams notion that Marcos regime is golden age of PH

Read Next
Read More Stories About
2016 elections
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Former First Lady Imelda Marcos attended an offertory mass for martial-law victims at the National Shrine of Our Lady of Perpetual Help in Parañaque City last February 24. "Nung sinabi sa kanya may EDSA event, sabi niya, 'Sige lang at may pinagdadasal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results