Gabby Eigenmann on sister Andi’s pregnancy: "I am proud of her determination because she chose the mature and right path to happiness."

"As her eldest brother, I am proud that another life will be added to our family and to this world. I believe that she will always do the right thing especially now that she will be a mother soon," says Gabby Eigenmann about the pregnancy of his sister Andi.


Nang kumalat ang blind item tungkol sa isang young actress na diumano’y nagdadalang-tao, at nang lumaon nga ay pinangalanan na si Andi Eigenmann, may mga nagtangka nang kontakin at hingan ng pahayag o komento ang nakatatandang kapatid nito na si Gabby Eigenmann.

Sina Andi at Gabby ay magkapatid sa ama—si Mark Gil.

Si Andi ay anak ng aktor sa award-winning actress na si Jaclyn Jose. Samantalang si Gabby ay anak ni Mark sa aktres ding si Irene Celebre.

Bagamat magkapatid lamang sa ama sina Gabby at Andi, masasabing daig pa nila ang magkapatid na buo.

Si Gabby rin ang madalas na nalalapitan at nakakausap ni Jaclyn pagdating kay Andi. Gayundin naman si Andi sa aktor bilang kuya nito.

At sa mga naunang panayam ng PEP kay Gabby, hindi nito itinanggi kung gaano siya ka-supportive sa kanyang mga kapatid, lalo na sa mga babae.

Naging magalang naman si Gabby sa paghingi ng paumanhin at tumanggi sa interview, lalo pa nga’t wala pa namang kumpirmasyon o pagtanggi mula mismo sa mga taong sangkot dito noong panahong ’yon.

Pero kagabi, June 29, pagkatapos ng kumpirmasyon ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose na buntis nga ang kanyang anak, muling binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby kung maaari na siyang magbigay ng pahayag.

Sa pagkakataong ito ay nagpaunlak na siya.

Sa pamamagitan ng text message ay ipinadala ni Gabby sa PEP kanina, June 30, ang kanyang pahayag o saloobin sa sitwasyon na kinasusuungan ngayon ng pinakabunsong kapatid.

Narito ang kanyang pahayag:

"I regard Andi as my little sister, which she will always be...and every time I would talk to her or see her, the last thing I expect to hear is an announcement of this sort.

"After a couple of days, when reality settled, I came to appreciate the beauty of the situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Today, as her eldest brother, I am proud that another life will be added to our family and to this world.

"I believe that she will always do the right thing especially now that she will be a mother soon.

"Andi today, more than ever, is more confident that aside from her, she has the whole clan who will love her baby, regardless of who the father is.

"I understand completely what speculations may arise, and if I were in their situation, I might do so.

"But now, this blessing is happening to us, all the more I wouldn’t even try to think negatively about it.

"Lastly, I am proud of her determination because she chose the mature and right path to happiness. After all, happiness is not a matter of chance, but of choice.

"So, people who say it cannot be done, should not interrupt those who are doing it.

"Yes to life! Yes to love! Yes to happiness!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN