(UPDATED) Angel Locsin vents annoyance over "ex" on Twitter; Luis Manzano apologizes for his "harsh words"

Fans and followers of Angel Locsin got curious this afternoon after she posted this message in her Twitter account: "Dear ex, stop texting, stalking & fighting me if you’re over na. Pinrotektahan kita pero pag di ka tumigil magsasalita na ko sa pinaggagagawa mo. Respeto pls."


Isang nakakaintrigang mensahe ang ipinost ng aktres na si Angel Locsin sa kanyang Twitter account kaninang hapon, July 1.

Base sa maikling tweet ng Kapamilya actress, dismayado siya sa tinawag niyang "ex."

Walang anumang pangalang nabanggit si Angel subalit naging mabigat ang dating nito sa kanyang followers.

Bandang alas-tres ng hapon kanina, ito ang tweet sa timeline ni Angel:

"Dear ex, stop texting, stalking & fighting me if you’re over na. Pinrotektahan kita pero pag di ka tumigil magsasalita na ko sa pinaggagagawa mo. Respeto pls."

May ilang followers si Angel na nagtatanong kung sino ang kanyang tinutukoy subalit hindi niya ito sinagot.

Hindi na rin nasundan ang Twitter post na ito habang isinusulat ang istoryang ito.

Marami tuloy ang nagtataka kung sino ang pinariringgan ng aktres.

Ang pinakahuling nabalitang boyfriend ni Angel ay ang TV host-actor na si Luis Manzano. Natapos ang kanilang relasyon noong 2009.

Sa ngayon, balitang nagkakamabutihan na ang anak nina Governor Vilma Santos at Edu Manzano at ang Kapuso star na si Jennylyn Mercado.

Sa kaso naman ni Angel, nauugnay siya ngayon sa star player ng Philippine National Football Team Azkals na si Phil Younghusband.

Nagkaroon ng linaw ang mensahe ni Angel nang mag-post naman si Luis bandang alas-nuebe ngayong gabi sa kanyang Twitter account na nakadirekta sa dating kasintahan.

Ani Luis, "with the harsh words i said earlier, im sorry, hope we let bygones be bygones, we have moved on but sorry sa sinabi ko kanina."

Ngayong nasagot na ang katanungan kung sino ang pinatutungkulan ni Angel sa kanyang tweet, ang siguradong gustong malaman ngayon ng marami ay kung ano ang pinag-ugatan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN