Bayani Agbayani jumps to TV5 after working on ABS-CBN and GMA-7

"Naniniwala kasi ako na marami pang tao ang puwede kong mapasaya, na kung wala akong ginagawa, sayang naman, di ba? At nangangarap din ako na makita ako ng mga anak ko na dire-diretsong nagtatrabaho sa telebisyon," says Bayani Agbayani.


Pagkatapos niyang umalis ng ABS-CBN ay lumipat ang comedian na si Bayani Agbayani sa GMA-7. Pero ngayon ay mapapanood na siya sa TV5.

Kasama si Bayani sa kauna-unahang fantaserye ng Kapatid network, ang Bangis.

Kaya naman sa presscon ng nasabing palabas noong June 28 sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bayani kung exclusive na siya sa TV5.

"A, sa ngayon, hindi pa, pero hopefully... Kasi may mga projects pa na dinadasal ako, at sana matuloy, at sana maging exclusive dahil willing naman ako.

"Kasi ako naman, pag nasa 5 na ako, hindi na ako gagawa kahit saan. Ganun ako, e.

"Di ba, nung nasa Dos ako, sa Dos lang ako gumagawa?

"Nung nasa Siete ako, sa Siete lang ako napapanood.

"So, ngayong nasa Singko ako, sa 5 lang ako gagawa," saad niya.

EXCLUSIVITY. If ever gawin siyang exclusive ng TV5, ilang years ang gusto niya o hihilingin niyang kontrata?

"Depende kay Noel Ferrer, yung manager ko, depende sa pag-uusap nila ng 5," sagot ni Bayani.

Ganoon niya kadaling naiwan ang GMA-7?

"Hindi naman," sambit niya.

"Pero naniniwala kasi ako na marami pang tao ang puwede kong mapasaya, na kung wala akong ginagawa, sayang naman, di ba?

"At nangangarap din ako na makita ako ng mga anak ko na dire-diretsong nagtatrabaho sa telebisyon.

"Kasi minsan, nagtatanong sila, ’Pa, bakit wala ka na, bakit hindi ka na lumalabas ng bahay?’

"Although ang ipinagpapasalamat ko sa Diyos at ipinagpapasalamat ko sa network, kasi hindi naman ako natigil, e. Dire-diretso pa rin, awa ng Diyos.

"At nung wala akong trabaho sa telebisyon, may trabaho naman ako sa labas.

"Pero iba pa rin siyempre na meron kang sariling network na pinagtatrabahuhan."

Ano ang existing shows ni Bayani sa Singko?

"May regular ako, itong Bangis. Tapos yung Talentadong Pinoy, semi-regular. Tapos, maraming mga guestings," banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY WITH TV5? Kaya happy siya sa TV5?

"Oo!" mabilis niyang tugon.

"Kasi alam mo naman ang trabaho natin, kung saan ka nandoon, kung saang network ka nagtatrabaho, dapat happy ka, e.

"Kung ano yung ginagawa mo, dapat masaya ka, di ba?

"At dito sa TV5, hindi ko pinilit na maging masaya, masaya talaga ako.

"Masaya kasi dito, at nakita ko dito na maraming trabaho at opportunity na naka-akma para sa iyo."

Kasama ba sa pagiging masaya niya sa TV5 ang mas malaking talent fee?

"Malaki talaga, malaki silang magbayad!" bulalas niya.

"At nakakatuwa, at katulad rin ng ibang network, maalaga sila sa artista."

NOONTIME SHOW. May balitang magkakaroon ng noontime show ang TV5 at isa raw si Bayani sa magiging hosts nito. Totoo ba ito?

"Iyon ang dinadasal ko!" sabi niya.

"Sana matuloy kasi alam mo naman ang daily show, e.

"Pag nagkaroon ka ng daily show, napakalaki ng magiging pagbabago sa buhay mo.

"Lahat ng... Ako, ang tingin ko, lahat ng artista, ’yan ang dinadasal—ang magkaroon sila ng ganun.

"At saka sa daily ako lumaki!"

Host dati si Bayani ng ng mga noontime shows na Lunch Date at Salo-Salo Together ng GMA7, at Sanlinggo nAPO Sila ng ABS-CBN.

"Kaya gamay ko na yung trabaho na yun," sabi pa niya.

WILLIE REVILLAME. Dati ay nagkaroon sila ng gap ng kaibigan niyang si Willie Revillame, na host ng primetime variety-game show ng TV5 na Wil Time Bigtime.

Pero ani Bayani, "Matagal na matagal na matagal na yun.

"Actually, nine years ago pa, oo, ang tagal na."

Magkaibigan na sila ngayon?

"Actually, dati pa," bulalas niya.

"Nagkataon lang na hindi kami nagkikita at hindi kami nagkakasama.

"E, ngayon nagkaroon na ng pagkakataon.

"Kasi pansinin mo, nung nasa Dos siya, nasa Seven ako.

"Nung nag-Singko siya, nasa Seven pa rin ako nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya lang ako kasi yung tipong... Hindi naman sa inaano ko ha, sa pananaw ko ito, ako yung tipo ng artista na kapag superstar ka, nahihiya akong lumapit.

"Tingnan mo, mas makikita mo ako kay Willie kapag mayroon siyang problema. Tulad nung nangyari sa ULTRA, andun ako sa misa.

"Tapos pag ano, tine-text ko siya, kapag may mga down na mood siya, na down na mga pangyayari, tine-text ko siya.

"Hindi ko na yun pinapakita sa mga tao. Hindi ko na ipinagkakalat."

Recently ay nag-guest pa si Bayani sa Wil Time Bigtime.

"Tapos nagkita kami sa birthday ni Albert, yung kapatid ni Aga [Muhlach].

"Dun nakapag-usap na kami ng ano na talaga, matagal, kasi ang tagal namin sa reception, e.

"Iyon, sabi niya, ’Ano ha, sama-sama na tayo dito [sa TV5].’ Sabi ko, ’Oo sige.’

"Hanggang sa nag-Wil Time Bigtime na ako."

Ano naman ang masasabi niya na ang yaman na ni Willie ngayon?

"Sobrang yaman! Biro mo may eroplano!

"E, pag suwerte talaga dumating sa tao, dire-diretso," ani Bayani.

BANGIS. Sa Bangis, na pinagbibidahan ni Oyo Sotto with Danita Paner as leading lady, ang pangalan ng character ni Bayani ay "Chairman Shepperd."

Aniya, "Comedy, ako yung breaker. Kaya lang, ang comedy ko dito, ginawa kong situational kasi may komedyante na rin dito sa series. Ang ginawa ko, situational.

"Ang asawa ko dito si Marissa Sanchez, tapos may anak kami na maganda, si Tweety [newcomer Jazz Ocampo], maganda yung bata.

"E, isipin mo, asawa mo si Marissa Sanchez. E, masaya rin yun.

"Kaya Shepperd kasi may lahi daw kaming German!"

Magsisimula na ang Bangis sa July 4.

Kasama rin dito sina Felix Roco, Wendy Valdez, Rodjun Cruz, Yul Servo, Miriam Quiambao, Katherine Luna, Danny Javier, at Tessie Tomas.

Nasa Bangis din ang mga baguhang sina CJ Caparas at Mavi Lozano; at ang child stars na sina BJ Go, Gerald Pesigan, at Junyka Santarin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay mula sa direksyon nina Topel Lee at Robert Quebral.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN