Oyo Sotto enjoying married life, so far; excited for the arrival of first baby with wife Kristine Hermosa

"Kasi ang paniniwala ko, katulad nung kailan ko nalaman na ready na akong pakasal, sabi ko hindi ko malalaman hangga’t nandun na ako. So, siguro hangga’t nandun na ako sa oras kapag nanganganak na si Tin, doon ko lang malalaman. Kasi nga, naniniwala ako na you’re not ready until you’re there," says Oyo Sotto about fatherhood.


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Oyo Sotto sa presscon ng Bangis na ginanap sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City last June 28.

Bagamat aminadong nalungkot siya sa pagkawala ng Midnight DJ, kaagad din namang napalitan ito ng kasiyahan sa pagdating ng Bangis.

"Nalungkot talaga ako," sabi niya.

"Kasi siyempre ang tagal din naman ng Midnight DJ, halos three years din.

"Buti na lang dumating itong Bangis. This is a big blessing and bagong source of joy ko.

"Sana maging hit din ito tulad ng Midnight DJ noon o mas higit pa."

Excited na nga si Oyo dahil ipalalabas na simula sa Lunes, July 4, ang pinagbibidahan niyang bagong teleserye ng TV5, ang Bangis.

Ginagampanan niya ang role ni Leon, isang animal hunter na may misyong hulihin ang higanteng buwaya sa Sitio Talim.

"Very thankful ako sa TV5 dahil isang malaki at magandang project ang ibinigay nila sa akin after ng Midnight DJ.

"Kakaiba ito sa mga nagawa ko na dahil may kaeksena ako ritong computer-generated na mga higanteng buwaya, sina Bangis at Itim.

"Si Bangis yung mabait na buwaya at si Itim naman yung bad buwaya," sabi ni Oyo.

ACTION STAR? Nagustuhan ni Oyo ang Bangis dahil marami raw siyang action scenes dito na gustung-gusto niyang gawin.

"Sa Midnight DJ kasi may action scenes din, pero pasulpot-sulpot lang. Hindi katulad dito sa Bangis mas maraming aksyon talaga.

"Dito bumabaril ako ng totoong shotgun. Sa Midnight, wala, e, puro kunwari lang.

"Dito sa Bangis, marami kaming takbuhan at kung anu-ano pang ginagawa namin dito kaya mas nae-excite ako."

Anong paghahanda ang ginawa niya?

"Siyempre kailangang mag-workout. Talagang sineryoso ko yung pagdyi-gym ngayon.

"Kailangan kasi malakas ka rin para sa mga action scenes, di ba?" sabi niya.

Ang Bangis ay TV adaptation ng comics novel ni Carlo J. Caparas na Matatalim na Pangil sa Gubat. Idinidirek ito nina Topel Lee at Robert Quebral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gumaganap bilang leading lady ni Oyo si Danita Paner. Kasama rin sa cast sina Felix Roco, Rodjun Cruz, Danny Javier, Tessie Tomas, Yul Servo, Wendy Valdez, Miriam Quiambao, Katherine Luna, Bayani Agbayani, Marissa Sanchez, CJ Caparas, Jazz Ocampo, Mavi Lozano, Gerald Pesigan, Junyka Santarin at BJ Go.

FUTURE DAD. Doble nga ang kasiyahang nararamdaman ni Oyo ngayon dahil sa dobleng blessings din na dumating sa kanya.

Bukod sa bago niyang show ay ipinagbubuntis ng asawa niyang si Kristine Hermosa ang kanilang first baby.

"Happy talaga ako!

"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na buntis na si Tin (palayaw ni Kristine), kasi hindi pa ganung kalaki yung tiyan niya, e, dahil magti-three months pa lang this Sunday.

"Minsan pag tinitingnan ko siya, natatawa ako. Sasabihin ko, ’Talagang buntis ka nga, ’no?’ Kasi minsan nalilimutan ko."

Sinasamahan din daw niya sa pagpapa-checkup si Tin.

"Nung last Tuesday (June 21) sinamahan ko si Tin sa pagpapa-ultrasound.

"Nakita namin yung baby gumagalaw-galaw.

"So, parang medyo naiyak kami ni Tin dahil sobrang happy," kuwento niya.

May moments ba na idinidikit niya ang tenga niya sa tiyan ni Tin?

"Oo, dinidikit ko lagi yung tenga ko sa tiyan niya.

"Pero wala pa akong naririnig o nararamdaman. Masyado pang maliit, e."

Hindi pa raw sila nag-iisip ng pangalan dahil hindi pa nila alam kung babae o lalaki ang magiging baby nila. Sa next ultrasound pa raw nila ito malalaman.

Gaano kahanda na siyang maging tatay?

"Kasi ang paniniwala ko, katulad nung kailan ko nalaman na ready na akong pakasal, sabi ko hindi ko malalaman hangga’t nandun na ako.

"So, siguro hangga’t nandun na ako sa oras kapag nanganganak na si Tin, doon ko lang malalaman.

"Kasi nga, naniniwala ako na you’re not ready until you’re there.

"Pero siyempre, ngayon pa lang pinaghahandaan na namin yung pagdating ng araw na yun," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE BABIES. Ilang anak ba ang gusto niya?

"Sabi ko kay Tin, kahit ilan basta kaya namin."

Ano ang sagot ni Tin?

"Sabi niya, ’Game!’"

Bukod sa magiging anak nila ni Tin, may adopted son na sila na nagngangalang Kiel.

"Okay naman si Kiel, magti-three na siya sa August.

"Makulit na e, magulo na, takbo nang takbo," banggit niya.

Orille (tunay na apelyido ni Kristine) ang last name ni Kiel dahil dalaga pa si Tin nang i-adopt niya ito.

Kailan naman malilipat sa Sotto ang apelyido nito?

"Malapit na. On the process na, ilang hearing na lang yun, okay na.

"Kasama namin siya sa house. Pag may nakakakita nga sa kanilang dalawa ni Tin, sinasabi magkamukhang-magkamukha raw sila.

"Tinatanong nga, baka anak niya raw yun. Sabi ko hindi, ampon namin.

"Siguro bigay talaga siya ng Diyos sa amin para mapaghandaan din namin talaga yung pagdating ng baby namin at maging mabuting parents."

Papayagan ba niyang mag-artista in the future ang anak nila ni Tin?

"Sa akin, kung ano ang gusto niya, ayoko siyang pigilan. Basta makapag-aral siya nang mabuti.

"Kung gusto niyang mag-artista, walang problema sa akin. Kasi ganun din naman ang ginawa sa akin ng parents ko."

KRISTINE’S PREGNANCY. Ano na ang mga nararanasan niya sa pagbubuntis ni Kristine?

Hindi ba siya inaaway nito dahil sinasabing extra sensitive daw ang mga babae pag buntis?

"Hindi naman," sabi ni Oyo.

"Mas matampuhin lang si Tin ngayon, pero hindi naman siya masungit.

"Kunwari pag walang work, sasabihin ko magpapagupit lang ako tapos magdyi-gym ako, sasabihin niya, ’Alis ka nang alis.’

"Sabi ko, ’Hindi pa nga ako nakakaalis, e.’

"So, parang ang gusto niya, lagi lang akong nasa bahay."

Ano ang pinaglilihian ng asawa niya?

"Puro maaasim.

"Sabi nga nila, baka ako raw ang pinaglilihian ni Tin dahil palagi niya akong hinahanap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkapanganak ni Kristine, papayagan ba niyang bumalik ito sa showbiz?

"Kasi pinag-usapan naman namin na okay lang sa akin kung gusto niyang mag-work ulit at bumalik sa showbiz.

"Basta yung time lang namin sa family, yun pa rin ang pinakaimportante.

"Siyempre meron ding limitations. Huwag lang yung sobrang busy.

"Kasi dati, halos wala na siyang tulog, e."

SINGLE VS MARRIED. Ano ang mga nagbago sa kanya ngayong may asawa na siya kumpara noong single siya?

"Dati, ang iniisip ko, sarili ko lang.

"Yung mga kinikita ko, lahat akin lang, e.

"Ngayon, hindi ko na naiisip yung sarili ko, e.

"Mas iniisip ko talaga ngayon si Tin atsaka yung baby.

"Siyempre kailangang mag-ipon para sa future ng family namin.

"Gusto ko silang mabigyan ng magandang buhay."

Masarap ba ang may asawa?

"Sobra, ibang klase!" bulalas niya.

"Ang sarap lang, e, iba yung may katuwang ka sa buhay.

"Iba yung alam mong nandiyan yung taong nakakaintindi sa iyo kahit anong mangyari.

"Kahit na hindi na maganda yung nangyayari sa iyo, nandiyan pa rin siya."

Okay rin daw ang may asawa dahil may nag-aasikaso ng mga pangangailangan niya.

"Sobra akong thankful kay Tin kasi dati ako yung nag-aayos ng gamit ko para sa taping, e.

"Minsan pag tinatamad ka na sa gabi, nagka-cramming ako sa madaling-araw, aayusin ko yung mga gamit ko.

"Nung isang beses na magte-taping ako, nagising ako. Sabi ko, yung mga gamit ko, hindi ko pa naaayos.

"Pagkita ko dun sa labas, nandun na. Meron pang baon.

"Lahat yun si Tin ang nag-asikaso," proud na kuwento niya.

Pinaglulutuan din ba siya ni Tin?

"Minsan nilulutuan niya ako ng pasta o kaya kung anu-ano na maisip niyang lutuin."

Hindi ba siya nahihirapang mag-divide ng oras para sa trabaho at sa pamilya niya?

"Hindi naman.

"Talagang sinabi ko sa production na, as much as possible talaga, gusto ko twice or thrice a week lang ako magwo-work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi hindi ko kakayanin kung kunwari pupunuin yung buong linggo ko.

"Pag ganun, mawawalan na talaga ako ng time para sa family ko. At ayokong mangyari yun.

"Siyempre, number one priority ko pa rin ang family ko."

VIC & DINA. Kung excited na sila ni Tin sa kanilang first baby, masayang-masaya rin daw ang parents ni Oyo na sina Vic Sotto at Dina Bonnevie.

Si Vic nga ay proud lolo pa at todo sa pagkukuwento tungkol sa pagbubuntis ni Tin.

Ani Oyo, "Si Daddy kasi, simula noong nag-asawa si Ate [Danica Sotto-Pingris], tapos nung pinanganak si Mic, talagang nakita ko yung joy niya.

"Happy siya kahit hindi medyo okay ang lovelife ni Daddy.

"Pagdating naman sa family, sa amin, talagang masayang-masaya siya kasi nakikita niya yung apo niya.

"Tapos eto, susundan pa ng baby namin ni Tin. Tapos si Ate buntis din sa second baby nila.

"Ilang months na lang manganganak na rin si Ate, e. So, nakakatuwa.

"Si Mama very excited din. Pagka-Sunday kasi nagkikita kami ni Mama.

"So, titingnan niya si Tin, tapos sasabihin, ’Ano, malaki na ba ang tiyan mo?’"

May chance ba na magkatrabaho sila ng kanyang parents sa TV5 dahil kapwa napapanood din ang mga ito sa Kapatid network?

"Sana nga magkaroon ng chance. Magandang idea ’yan," sabi ni Oyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN