Veteran comedienne Nova Villa surprised that she can also do straight drama

"Never kong nakita ang sarili ko na magda-drama ako. Feeling ko, nakakatawa akong tingnan kapag nag-a-attempt akong mag-drama. Pero kaya ko rin pala," says Nova Villa.


Masayang-masaya ang beteranang aktres na si Nova Villa dahil nabigyan siya kaagad ng bagong drama series sa GMA-7 pagkatapos ng afternoon soap na Nita Negrita.

Gaganap bilang Lola Ester si Nova sa early primetime series na Futbolilits.

Kuwento nga ni Tita Nova sa press launch ng Futbolilits na ginanap sa Studio 7 ng GMA Annex Building last June 28, nagte-taping pa siya noon ng Nita Negrita ay sinabihan na siya na may kasunod na siyang show.

Kaya labis ang pasasalamat ni Nova dahil sa pag-aalaga ng Kapuso network sa kanya.

"Kahit sino naman magiging masaya dahil sa pag-aalaga na ipinapakita ng GMA-7," sabi niya.

"Natuwa naman ako na hindi pa ako tapos sa Nita Negrita, sinabi na nilang kasama na ako sa cast ng bagong early primetime show.

"Hindi ko pa alam kung ano ’yon. Pero noong sabihin sa akin na mga bata ang makakasama ko, siyempre feeling bagets na naman tayo, di ba?

"Gustung-gusto ko na nakakatrabaho ang mga bagets kasi marami kang naise-share sa kanila."

NO CONFLICT. Wala naman daw conflict ang pagkakaroon ng isang show ni Nova sa TV5, ang sitcom na Sugo Mga Kapatid.

"Alam naman ng GMA-7 ’yon," banggit ng veteran actress. "Wala naman daw problema dahil sitcom naman ’yon at once a week lang. Unlike nitong Futbolilits na mula Lunes hanggang Biyernes.

"Pambalanse ko naman iyong Sugo Mga Kapatid, kasi komedyante tayo doon.

"Dito sa Futbolilits, drama ulit tayo na medyo nagpapatawa. Lola kasi ako dito ng makulit na bata na si Isabel [Frial]. Natutuwa ako sa batang ’yan kasi magaling mag-deliver ng mga linya niya. She’s only six years old, pero may timing sa pagbitiw niya ng punchline. Parati niya kasi akong kinukulit at binibiro sa Futbolilits."

FROM COMEDIANS TO DRAMATIC ACTORS. Naikuwento rin ni Nova sa PEP na aksidente silang nagkita ni Roderick Paulate, na nagpapakita naman ng husay niya sa drama sa primetime series ng GMA-7 na Munting Heredera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkuwentuhan daw sila at pareho silang natutuwa sa projects na ginagawa nila. Naipapakita raw kasi nila ang ibang side nila bilang artista at hindi lang bilang komedyante.

"Yun nga ang pinag-usapan namin ni Dick. Kung bakit naman noong nandito na kami sa GMA-7, ngayon lang kami nabigyan ng drama roles.

"Napapanood ko si Dick sa Munting Heredera at nagugulat ako na kaya niya ang mag-straight drama.

"E, nakilala ko ’yang si Dick, komedyante na siya. Marami kaming napagsamahan na mga pelikula."

Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nila ay Inday Bote, Jack En Poy, Me & Ninja Liit, Oh My Girl, at Ako Si Kiko, Ako Si Kikay. Nagkasama rin sila sa ABS-CBN sitcom na Abangan Ang Susunod Na Kabanata.

"Never ko pa siyang napapanood talaga sa drama," sabi pa ni Nova.

"Kaya noong mapanood ko siya sa Munting Heredera, nagulat ako na kaya pala niya.

"Sabi ko nga rin kay Dick, na never kong nakita ang sarili ko na magda-drama ako.

"Feeling ko, nakakatawa akong tingnan kapag nag-a-attempt akong mag-drama. Pero kaya ko rin pala.

"Nabanggit nga ni Dick na ito na ang panahon na kailangan naming ipakita ang ibang kakayanan namin.

"Oo at nakilala kaming mga komedyante for longest time. This time, may gusto pa kaming patunayan at masaya kami at dito sa mga drama show ng GMA-7 namin nagawa ’yon."

PRESSCON. Gusto namang magpaabot ng paumahin si Nova sa press at sa staff ng Futbolilits dahil hindi na siya nakasama sa press presentation ng buong cast.

Bago kasi magsimula ay nagpaalam na siyang aalis dahil guest siya sa show ni Dulce na ginanap sa Resorts World Manila.

"Call time kasi sa amin ay 6 p.m. Akala ko kasi around 7 p.m. ay magsisimula na. E, alas-otso ang show ni Dulce.

"Nag-stay pa naman ako kasi baka nga magsimula na ang presscon. Pero noong mag-7:30 p.m. na, nagpaalam na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi ko naman sa kanila na before 8 p.m. ay kailangan ko nang umalis.

"I really wanted to stay dahil masarap makipagkuwentuhan sa press, pero nataon talaga na guest ako sa show ni Dulce.

"Gusto ko naman bumalik sana kaso mabilis yatang natapos agad ang presscon.

"Babawi na lang ako sa kanila sa promo ng Futbolilits," saad ni Nova.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN