Kyla and Rich Alvarez set their wedding date on December this year

"Mas kinakabahan ako sa maraming bagay. Siyempre, ikakasal ka na, di ba? Pero at the same time, very excited. Masaya din. Kinakabahan na rin sa gastos dahil hati kami sa gastos!" says Kyla about her upcoming wedding with basketball star Rich Alvarez.


Isa sa mga araw na ito ay ia-announce na ng magkasintahang Rich Alvarez at Kyla ang buong detalye ng kanilang kasal.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyla sa Sangyaw Festival sa Tacloban City, tipid pa ang mga ibinigay nitong impormasyon sa kanilang kasal.

Sa December nga raw ang kanilang kasal, pero ayaw pa niyang sabihin ang eksaktong petsa. Basta bago raw ito mag-Pasko.

Traditional church wedding daw ang gagawin sa isang simbahan dito sa Maynila.

Nakausap na rin naman daw nila ang halos lahat na tatayong principal sponsors, pero ayaw pa niyang sabihin ang buong lineup.

"Hintayin na lang natin si Rich. Sa Dubai pa siya, e," pakiusap nito sa amin.

THE ENTOURAGE. Ang kinumpirma lang ni Kyla ay kinuha raw nilang ninong at ninang ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid, at natutuwa naman daw ang dalawa.

Kasama rin sa secondary sponsors sina Jolina Magdangal at Rachelle Ann Go.

Halos lahat ay kasamahan niya sa musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas at mga malalapit nilang kaibigan.

THE WEDDING GOWN. Nasa Dubai pa raw si Rich at abala rin daw siya sa mga natanguang commitments. Pero pagbalik daw ni Rich ay aasikasuhin na nila ang preparasyon sa kanilang kasal.

"Yung gown ko pa lang ang naumpisahan namin, e.

"Ang friend ko na si Cocoy Lizaso ang gagawa, pero wala pa yung isusuot ni Rich. Pagbalik na lang niya," kuwento ng RnB princess.

WEDDING JITTERS. Habang papalapit ang kanilang kasal ay lalo raw siyang kinakabahan na may kahalo ring excitement.

"Mas kinakabahan ako sa maraming bagay. Siyempre, ikakasal ka na, di ba?

"Pero at the same time, very excited. Masaya din.

"Kinakabahan na rin sa gastos dahil hati kami sa gastos!" natatawa niyang pahayag.

WEDDING SURPRISE. Isa sa pinaghahandaan din ni Kyla ang surprise daw na iaalay niya kay Rich sa kanilang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto raw niyang gumawa ng kanta, pero sa ngayon ay hindi pa raw niya mapilit na makabuo ng isang kanta na bagay sa kanilang dalawa para sa isang memorable event sa kanilang buhay.

"Nagta-try ako pero nahirapan ako, e," sabi niya.

"Siguro pag malapit na, lalabas din naman yun.

"May pinaghahandaan kasi kaming number.

"Siya siguro may surprise din siya. Ako kasi may surprise ako sa kanya," napapangiti pa niyang kuwento.

THE HONEYMOON. Napag-usapan na rin daw nila ni Rich na magtu-tour sila sa Europe para sa kanilang honeymoon.

"Yun ang gusto namin, hopefully matuloy yun.

"Sabi namin, gusto namin marami kaming pupuntahan.

"Gusto niya kasi matagal para ma-enjoy namin ang aming honeymoon," medyo kinikilig niyang kuwento sa amin.

NUMBER OF CHILDREN. Pagdating naman sa anak ay wala pa raw muna sa plano nila dahil mas gusto nilang magkaroon muna ng sapat na panahong sila lang ang magkasama.

"Pero kung ako ang tatanungin, ayoko ng masyadong marami, siguro dalawa lang.

"Pero kung ano ang ibibigay ni Lord, okay na rin. Bahala na Siya," sambit nito.

Masasabing nasa tamang panahon na silang mag-settle down kaya hindi rin daw mahirap sa kanya na magpaalam sa kanyang mga magulang.

"Kasi matagal na rin nilang gusto yun," pakli ni Kyla.

"Before pa nga mag-propose si Rich tinatanong na nila ako kung kailan na kami magpakasal.

"Siyempre mahal nila si Rich, e. Ayaw na nilang mapunta pa ako sa iba."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN