Claudine Barretto on persistent rumors about her marriage and so-called medical condition: "Sometimes nakakapikon na. It’s not funny anymore."

"Nakakatawa naman ang balitang ’yan, kasi nga porke’t hindi ka nakikita sa TV or sa movies, ibig sabihin may sakit ka na. Ibig sabihin na may problema na sa pagkatao mo. Tapos matindi pa itong lumabas na nagpa-rehab daw ako. Nakakatawa na minsan ay nakakainis na," says Claudine Barretto.


Almost six months hindi napanood sa anumang TV show si Claudine Barretto.

Huli siyang napanood sa Christmaserye ng GMA-7 na Jillian: Namamasko Po kunsaan bida ang child actress na si Jillian Ward.

Ngayon ay balik sa paglabas sa telebisyon si Claudine via Spooky Nights Presents Nuno Sa Feng Shui.

Nagsimula nang mag-taping si Claudine para sa naturang suspense-comedy series na ito na tatakbo ng apat na linggo simula mamayang gabi, July 2.

Naabutan nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Claudine na naghahanda para sa isang eksena sa set ng Spooky Nights sa Mayon Street, Manila last June 30.

Sa naging panayam namin kay Claudine, sinabi nitong sobra niyang na-miss ang maging busy.

Noong wala pa raw siyang tinatanggap na project ay madalas niyang kasama ang mga anak nila ni Raymart Santiago na sila Sabina at Santino.

Kuwento niya, "Nataon naman na summer vacation ng mga bata kaya ako ang nakakasama nila madalas.

"Namamasyal kami kunsaan-saan. Minsan nasa mall kami or out-of-town.

"I enjoyed my free time with my kids kasi noong naging busy ako taping for Jillian noon, halos wala akong oras sa kanila.

"Tapos si Raymart, naging busy din siya sa Bantatay.

"Kaya noong parehong nalibre kami ng mister ko, ayun at panay ang labas namin.

"Kami naman ni Raymart, nag-out of the country naman kami para ma-celebrate namin ang wedding anniversary namin last March.

"So, maraming nangyari sa akin noong hindi ako visible masyado. Mas nakatutok ako sa family ko.

"But now at dalawang shows ang gagawin ko for GMA-7, ready na ako.

"Nakapagbakasyon naman na ako kaya trabaho tayo ulit."

TURNING DOWN PROJECTS. Pinabulaanan naman ni Claudine ang balitang tumatanggi siya sa projects na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.

Tulad na lang ng role sa Magic Palayok na tinanggihan niya at napunta kay Mikee Cojuangco-Jaworksi.

Paliwanag ni Claudine, "I turned down the role they gave me sa Magic Palayok because guest role ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa Jillian kasi, guest role din ako. So, parang magkasunod naman na guest role ang gagawin ko.

"Gusto ko naman yung mahabang role na ang gawin ko.

"Mapapagod din lang ako sa taping, might as well gawin ko na ang full-length role.

"Naintindihan naman ng GMA-7 yung pagtanggi ko sa Magic Palayok. Hindi naman naging issue sa kanila.

"Alam naman nila yung mga hanap kong roles, e. Kaya when they presented me with this Spooky Nights at ang series na Iglot, tinanggap ko kasi magaganda ang roles.

"Yung isa magku-comedy ako at yung isa naman drama siya. So, magkaiba kaya gusto kong gawin pareho," pahayag niya.

RUMORS NOT FUNNY ANYMORE. Dahil sa matagal ngang hindi nakikita si Claudine, kumalat ulit ang balitang may problema raw sa samahan nila ni Raymart.

"Yun nga ang nakakapagtaka, e. Hindi lang nila ako napapanood sa TV, kung anu-ano na ang mga naiisip nila sa samahan nila ng asawa ko," sabi ni Claudine.

"At first, sige pagtawanan na lang natin. Ganyan talaga, e. Matagal na ako sa business na ito at sanay na ako sa mga intriga.

"Pero kung panay na lang ganyan ang mga sinasabi nila, sometimes nakakapikon na. It’s not funny anymore.

"Kaya ilang beses kong iniyakan lahat ’yan. Kahit na ayaw mo nang mag-aksaya ng luha because of that ridiculous news, hindi mo rin matiis na hindi iyakan kasi masakit para sa akin, para sa mister ko, at para sa mga anak ko.

"Hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang mga balitang ’yan. Nakikita naman nila kami ni Raymart na magkasama parati.

"Wala kaming problema ng asawa ko. Masaya ang pamilya namin kaya sana naman huwag naman nilang sirain pa.

"I always pray to the Lord na bigyan ako parati ng lakas para makaya ko ang lahat ng mga balitang ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong maging mahina o ipakita na mahina ako. I have to be brave for my family," saad ng aktres.

MEDICAL CONDITION? Noong hindi visible masyado si Claudine ay kumalat din ang balitang pinasok daw siya sa isang rehabilitation center dahil sa isang medical condition.

Pinagtawanan lang ni Claudine ang balitang iyon dahil imposible raw na mangyari iyon.

"Nakakatawa naman ang balitang ’yan, kasi nga porke’t hindi ka nakikita sa TV or sa movies, ibig sabihin may sakit ka na. Ibig sabihin na may problema na sa pagkatao mo.

"Tapos matindi pa itong lumabas na nagpa-rehab daw ako. Nakakatawa na minsan ay nakakainis na.

"It’s so unfair of whoever nagkalat niyan. Parang wala nang respeto sa kahit kanino.

"Iilan lang naman ang rehab centers dito sa Pilipinas and people will know kung nandoon ako sa isa man sa mga rehab centers na iyon.

"Pero wala nga, e, at okey ako.

"I don’t have a medical condition," diin niya.

"Besides sa scoliosis ko, wala na akong ibang masasabing sakit ko.

"Bakit naman ako magpapa-rehab pala? Ano ba ang akala nilang naging sakit ko?

"Yun ang gusto kong malaman. Kasi nasusulat lang na nagpa-rehab ako, pero ano ang dahilan, di ba?"

Mabuti na lang daw at magiging busy na si Claudine for the rest of the year dahil sa mga shows na gagawin niya.

Nagpapasalamat nga siya sa GMA-7 for being patient with her at sa pagsuporta sa kanya sa mga pinagdadaanan niyang mga intriga.

"I always pray na sana matapos na lahat ng ito," asam ni Claudine.

"Now that I have these shows sa Kapuso network, makikita na nila ako parati para matapos na ang issue na nawawala ako at ayaw kong magtrabaho.

"The people behind these shows will prove na wala akong problema at gustung-gusto ko ang ginagawa kong trabaho ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama ni Claudine sa Spooky Nights Presents Nuno Sa Feng Shui sila TJ Trinidad, Tiya Pusit at Daniel Fernando.

Sa telefantasya naman na Iglot ay makakasama niya sina Jolina Magdangal, Luis Alandy, at Marvin Agustin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN