Dingdong Dantes on Marian Rivera’s rift with Heart Evangelista: "Dun ako sa totoo, dun ako sa tama. Hindi ako sang-ayon sa abusado."

"Isa rin sa magandang dahilan kung bakit tumatagal kami ay dahil pinalalakas namin ang isa’t isa. Sa lahat ng pagkakataon, we always help each other. Alam kong malalagpasan niya ito," says Dingdong Dantes about the latest controversy involving girlfriend Marian Rivera.


Marami ang interesadong malaman kung ano ang saloobin ni Dingdong Dantes sa bagong isyung kinasasangkutan ng kanyang girlfriend na si Marian Rivera.

Ito ay may kaugnayan sa alitan ni Marian at ng kanyang co-star sa pelikulang Temptation Island na si Heart Evangelista.

Matatandaang pumutok ang kontrobersiya na kinumpronta diumano ng ina ni Heart na si Cecile Ongpauco si Marian sa airport pagkagaling nila ng shooting sa Ilocos Norte. (CLICK HERE to read related story.)

Naglabas na ng kanyang pahayag si Marian sa presscon ng Temptation Island noong June 24. (CLICK HERE to read related story.)

Dito niya inihayag na nagulat siya sa nangyari sa airport, dahil ang buong akala raw niya ay "okay" sila ni Heart pero hindi pala.

Samantala, wala pang naririnig na pahayag mula kay Heart dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong Dantes sa isang event sa Makati Shangri-La kamakailan, tinanong namin siya kung ano ang reaksiyon niya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Marian.

Napag-usapan ba nila ang tungkol dito?

"Definitely napag-usapan namin yun, pero para sa ganung detalye, I don’t think nasa posisyon para magsalita coz sila yung nandun.

"Ang alam ko lang ay kung ano ang napag-usapan namin ni Marian.

"Ako, kahit na ano ang mangyari, 100 percent nandun lang ako sa tabi niya.

"Basta ang masasabi ko lang, dun ako sa totoo, dun ako sa tama. Hindi ako sang-ayon sa abusado.

"Kung may mali, dapat maituwid yung mali," pahayag ng Kapuso actor.

Para kay Dingdong, ang pagiging bukas ng komunikasyon nila ni Marian—kung saan updated sila sa nangyayari sa bawat isa tulad nga ng nangyaring ito sa girlfriend—ay isa sa higit na nagpapatatag ng relasyon nilang dalawa.

"Isa rin sa magandang dahilan kung bakit tumatagal kami ay dahil pinalalakas namin ang isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa lahat ng pagkakataon, we alawys help each other. Alam kong malalagpasan niya ito," saad niya.

Kilalang matapang si Marian, pero marami ang nagulat nang mapaiyak ito sa presscon ng Tempatation Island habang inihahayag ang kanyang saloobin sa nangyari sa kanila ni Heart.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Tao lang ’yan, pag medyo may masakit na nangyari, siyempre maaapektuhan ka.

"Posible talaga na magkaroon ng ganyang mga pagkakataon.

"Ang importante, secured ka kung sino ang mga tao na nasa paligid mo, yung mga taong parating naniniwala at nagmamahal sa iyo at magtatanggol sa panahong kailangang-kailangan mo sila."

Kinontra naman agad ni Dingdong ang sinabi ng iba na parte lang daw ito ng gimik para mapag-usapan ang kinabibilangan nitong pelikula.

"Kalokohan ’yan! Kung nandun ako ako, di ko papayagang mangyari yun," sabi niya.

May bali-balita na may plano raw na pagtambalin sina Dingdong at Heart sa isang teleserye ng GMA 7. Hindi kaya sa nangyaring ito ay tumanggi na ang aktor na makapareha ang young actress?

"Pagdating diyan, ipinauubaya ko ’yan sa network. GMA ang makakasagot niyan," maikli niyang tugon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN