Vice Ganda stages an "Unkabogabol" concert!

"Sana tulad ko, pagkatapos ng concert na ito, madaming magbago sa buhay ninyo," said Vice Ganda of what he wanted to achieve in his concert held last night, July 1.

In a small way, he wished to change the lives of his viewers the way people changed his life and career.


"Madami na naman mangyayari sa akin pagkatapos ng concert na ito."

Ito ang winika ng comedian-host na si Vice Ganda pagkatapos ng kanyang concert na pinamagatang Eto na...Vice Ganda Todong Sample Sa Araneta, kagabi, July 1.

Ito ang pangalawang major concert ni Vice, at muli, napuno niya ang halos 20,000 seating capacity ng Big Dome.

"Unkabogabol" ang naging word of the night na ang ibig sabihin ay malapit daw sa "Unbeatable."

Ilan nga sa kanyang mga guests tulad nina Enchong Dee at Billy Crawford ay hindi makapaniwala sa dami ng mga taong nanood.

THE UNKABOGABOL ENTRANCE. Mula sa isang time machine ay umentra si Vice Ganda sa stage.

At sa buong performance niya para sa "ExtraTerrestrial" opening, nakabitin ang hurado ng Showtime na parang bituing nagniningning sa kanyang shimmering silver costume.

Mahigit isang taon ding naghintay ang mga fans ng komedyante.

Pagkatapos daw ng unang concert niya noon, marami ang nabago sa kanya. Nagkaroon siya ng endorsements, album, at TV shows, na hindi niya akalain mangyayari sa kanyang career.

At katulad din noong isang taon, buong pusong pinasalamatan ni Vice ang lahat ng nanood, lalo na ang mga bumili ng tickets.

Aniya, "’Yan iba diyan sa taas, tinipid ang baon at suweldo... Yung mga bumili ng 300, yun ang pinaghirapan!"

THE UNKABOGABOL GUESTS. Bukod kay Vice, inabangan din ang paglabas ng kanyang mga guests.

Isa na riyan si Xian Lim na tumugtog ng grand piano habang inaawit ni Vice ang "Hanggang" ni Wency Cornejo.

Aliw na aliw ang mga tao dahil kinikilig ang main performer. At sa dulo ng kanta, natigilan si Vice nang bigla siyang niyakap ni Xian.

"Isa pa! Dali!" bulalas ni Vice.

Guest din ang singer-host-actress na si Toni Gonzaga, na binati ni Vice ng, "’Di ba usapan natin simple ka lang dapat para hindi ako poochie-poochie dito?"

Take two naman ang kilig ni Vice noong nakasama niya si Enchong Dee sa "California Bed" dance number, kung saan literal na may kamang nakabitin sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng kanilang performance, humiga si Vice sa kama sabay tawag kay Enchong, "Lika dito. Come to mama!"

Fliptop naman ang naging labanan nila ng kanyang co-host sa Showtime na si Billy Crawford.

Una’y biniro ni Vice si Billy na pag natalo siya, iuuwi niya sa bahay si Nikki Gil, ang girlfriend ng ASAP Rocks mainstay.

Banat naman ni Billy, pag natalo si Vice ay itutumba niya si Jon Avila. Ang nasabi na lang ni Vice, "Oy, ’wag ganyan. Ano ’yan, puno itutumba mo? Sabi ko lang, iuuwi ko si Nikki Gil, e!"

Si Jon ang sinasabing pinakamalapit ngayon sa puso ni Vice.

Matapos masubukan ni Vice ang fliptop showdown, na hindi niya inatrasan, halos sumuko naman ito sa sexy dance showdown nila ni Cristine Reyes.

Hindi raw ganado si Vice dahil wala namang premyo, pero biglang lumitaw sa stage si Derek Ramsay na naka-topless!

Nang babatiin na sana ng Kapamilya leading man si Vice ay hinarang ito ni Cristine at sinabing, "’Wag muna! May contest kami!"

Sumagot naman si Vice ng, "Sige na, ikaw na panalo," at saka mabilis na yumakap kay Derek.

Pero sa lahat ng mga naging guests, ang surprise appearance ni Coco Martin ang pinaka-tinilian ng mga tao.

Kitang-kita naman ang saya sa mukha ni Vice nang sorpresahin siya ng kanyang kaibigang aktor, na sumaglit lang dahil may taping pa ito na pupuntahan.

THE UNKABOGABOL FINALE. Matapos ang lahat ng katatawanan, exciting at entertaining performances, inawit ni Vice, kasama ang isang children’s choir, ang carrier single ng kanyang album na "Lakas Tama," na ginawa niyang ballad.

Sa huli, muling pinasalamatan ni Vice ang lahat ng pumunta sa kanyang concert, lalo na ang kanyang mga boss, nanay, at mga kaibigan.

At ang mensahe ni Vice sa lahat: "Sana tulad ko, pagkatapos ng concert na ito, madaming magbago sa buhay ninyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CLICK HERE to view photos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN