Rayver Cruz on Cristine Reyes’s alleged "temper" on the set: "Hindi naman siguro siya gagawa ng ganung reaksiyon kung wala siyang basehan."

"Every taping day, may nilu-look forward ka agad na pumunta sa set kasi magkikita kayo. Masarap sa pakiramdam yun," says Rayver Cruz about working again with girlfriend Cristine Reyes.


Idinaan na naman ni Cristine Reyes sa Twitter ang kanyang sentimiyento tungkol sa isang pangyayari sa set ng kanyang pinagbibidahang teleserye sa ABS-CBN, ang Reputasyon.

Ito ay bilang sagot sa blind item ng radio-TV host na si Ogie Diaz sa Entertainment Live noong nakaraang Sabado, June 24, tungkol sa isang batang aktres na nagiging temperamental daw kapag wala sa mood na magtrabaho.

Nagdabog pa raw ng pintuan ang naturang batang aktres dahil sa hindi maayos na pagtatrabaho ng isang staff ng kanyang pinagbibidahang soap.

Ilang minuto lamang ang lumipas pagkatapos ilabas ang blind item ay nag-react na agad si Cristine sa kanyang Twitter account.

Narito ang sunud-sunod na tweets ni Cristine:

"ganun talaga kapag papetics petics ang mga co-workers dapat matuto.

"FYI dapat kasi pagdating sa trabaho. trabaho dapat focus. Wag unahin ang chismisan kung ayaw niyo magbakulaw ako...

"alamin ang buong storya bago tayo mag-blind item. Di niyo alam ang mga "errors" sa set. kahit sino ma-pprovoke....

"Hindi ako plastic nilalabas ko kung anu ang nararamdaman ko. lalo na sa mga taong hindi marunong tumupad ng...

"Porke ako ang kilala ako ang pag-iinitan. unfair pero yung mga hindi nakikita sa camera makakalusot."

Ang mga sumusunod naman ang naging sagot ni Cristine sa mga katanungan ni Angelica Panganiban sa kanya:

"nagbakulaw kasi ako sa set tas ngayon blind item ako sa elive....

"Paanu napaka-gulo ng sistema sa set kung walang authority lahat sila pa-petics petics lang"

Sabi pa niya sa isang tweet, "Try niyo kaya I-blind item ang errors ng mga tao behind camera mas juicy yun...."

Ang mga sumusunod naman ay direktang mensahe ni Cristine kay Ogie:

"maraming pangyayari.. Sinagad lang nila ako ng todo todo. porke walang ep at pm sa set....

"it’s settled na naman I hope na mapagsabihan na ng maayos ang mga tao para hindi na ako maging bakulaw....

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi kasi ako masalita kaya dinaan ko sa pagdadabog. Period."

RAYVER’S STATEMENT. Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng karagdagang pahayag si Cristine tungkol sa insidente, pero umiwas agad ang aktres at sinabing "naayos na ang dapat maayos."

Sa panayam naman ng PEP kay Rayver Cruz, boyfriend at kapareha ni Cristine sa Reputasyon, inamin nito na nagkaroon nga ng kaunting gulo sa taping nila, pero agad din naman itong naplantsa at lahat ay tumatakbo na nang maayos ngayon.

Pero aniya, "Tingnan na muna natin yung side ng bawat isa.

"Kilala ko naman si AA [palayaw ni Cristine], very honest na tao yun, very strong.

"And hindi naman siguro siya gagawa ng ganung reaksiyon kung wala siyang basehan."

Pero ayon kay Rayver, wala siya sa mismong set nang mangyari ang insidente sa pagitan ng kasintahan at isang staff ng Reputasyon.

"Unit 2 kasi ako nun, Unit 1 siya," paliwanag niya.

"Late ko na nabalitaan, patapos na ako nung nakarating sa akin.

"Nag-usap naman kami ni AA, tinanong ko rin siya.

"Hindi siya magkakaganun nang walang dahilan.

"Ayos na naman, settled na yun.

"Kinabukasan, may meeting kami for the promo and isiningit lang ang topic na yun sa meeting.

"Pero naayos din naman agad, hindi naman siya big problem."

Samantala, masaya naman si Rayver sa pagsasama nilang muli sa isang show ni Cristine, pagkatapos ng Kristine.

"At least pag may tengga, may makakausap kami.

"Pero hindi naman natetengga si AA, lagi siyang kasama sa mga eksena.

"Every taping day, may nilu-look forward ka agad na pumunta sa set kasi magkikita kayo.

"Masarap sa pakiramdam yun," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN