Rafael Rosell on former Kristine co-star Denise Laurel’s alleged pregnancy: "Naiintindihan ko kung pinaghinalaan nila ako."

"Ako naman, I live life without regrets. I don’t like hiding anything from public. So, kung anuman ang mangyari sa buhay ko, paninindigan ko talaga," says Rafael Rosell.


Nang pumutok ang balitang buntis diumano si Denise Laurel kung kaya’t bigla itong nawala sa primetime series ng ABS-CBN na Kristine noon, naituro si Rafael Rossel na baka siya raw ang ama ng pinagbubuntis ng aktres.

Sina Rafael at Denise kasi ang magkapareha sa serye, na tinampukan din nina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo.

Nananatiling tahimik ang kampo ni Denise kung totoo nga bang nagdadalantao ang aktres kaya bigla itong nawala sa sirkulasyon.

Napag-usapan na lang uli ang nasabing isyu nang maisulat kamakailan na isa raw professional basketball player ang ama ng dinadala ni Denise.

Ngunit wala pang kumpirmasyon tungkol sa balitang ito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rafael, tinanong namin ang aktor kung ano ang pakiramdam niya ngayong hindi na siya ang itinuturong ama ng ipinagbubutis diumano ni Denise.

"During that time, wala akong kinumprima, wala akong sinabing oo o hindi, kasi hindi ko nakakausap si Denise," paliwanag ni Rafael.

"Unless nanggaling sa akin yung pinagtsitsismisan, hindi ako magko-confirm ng kahit ano kasi ayokong makihalo sa tsismis.

"Yung sinasabi ng iba na ako daw yung nakabuntis sa kanya, na may something sa amin, naiintindihan ko dahil ako yung partner niya sa TV.

"E, very intense yung mga eksena namin, so naiintindihan ko kung pinaghinalaan nila ako.

"Regarding that issue," patuloy ng aktor, "ako nanahimik lang ako, enjoy lang.

"Wala akong masasabi, hindi naman malaking issue ’yan in the first place.

"Kung ano ang gustong isipin ng mga tao, sa kanila yun, and now na na-clarify na rin, it gave them na answer na rin."

Ayon pa kay Rafael, kung sakaling malagay siya sa sitwasyon na nakabuntis siya, paninindigan niya ito at hindi itatago sa publiko.

"Oo, ako naman, I live life without regrets. I don’t like hiding anything from the public.

"So, kung anuman ang mangyari sa buhay ko, paninindigan ko talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FINDING HIMSELF. Pero sa ngayon daw ay hindi siya nakikipag-date sa kahit na kaninuman. Gusto raw kasi muna niyang mag-grow at mag-mature sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay.

Kuwento ni Rafael, "I talked to my Mom late last year. Ang sabi niya, mag-one year off daw ako.

"Find myself spiritually, physically, emotionally na wala munang lovelife. Na si God and si Mother Nature lang ang focus ko.

"Kung iisipin mo, yung soul mo kayang kontrolin yung will power na yun.

"How faithful can you become in the future para sa mapapangasawa mo.

"At dahil ngayon lang na wala akong girlfriend, I have no reason to be loyal. I have no reason to mess around, pero I choose not to.

"Kung magagawa ko yun nang walang responsiblidad, what more kaya kung may girlfriend na ako? E, di mas okay yun sa babaeng mapapangasawa ko in the future.

"Right now, nag-e-enjoy ako sa single life and mother nature."

100 DAYS TO HEAVEN. Kabilang si Rafael sa cast ng nangungunang primetime series sa ABS-CBN na 100 Days to Heaven.

Sa itinatakbo ngayon ng istorya ay mukhang sila ang magkakapareha ni Jodi Sta. Maria. Marami naman ang nagsasabi na may chemistry silang dalawa ng aktres.

Ano ang reaksiyon dito ni Rafael?

"It’s another role, it’s another adventure, another character.

"And knowing na may chemistry at nakikita yun ng mga tao, it just makes my job more worth it.

"Nagkasama na kami ni Jodi before in Tabing Ilog, pero si Kaye [Abad] yung partner ko.

"Pero kami ni Jodi, nag-bonding din kami dati kaya hindi mahirap," sabi ni Rafael.

Bukod sa mataas na rating ng 100 Days to Heaven, nag-e-enjoy rin daw nang husto si Rafael sa taping nito dahil pakiramdam niya ay bumabalik siya sa pagkabata pag magkasama sila ni Xyriel Manabat, na siyang gumaganap na batang Anna Manalastas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba yung feeling ko na mataas ang rating, tapos kasama yung mga bata.

"Paglabas namin ng mall, mapapansin ka ng mga bata. Ang sarap ng feeling na pati yung mga bata, nai-inspire namin na maging mas mabuti.

"Alam n’yo naman ang istorya ng 100 Days, it’s about redemption, taking care of yourself, being good. Ayun ang mga napapasa namin sa mga bata."

Dagdag niya, "Nag-e-enjoy rin ako dito kasi nahahanap ko rin yung pagkabata ko pag nakakasama ko si Xyriel.

"Nagki-click kami sa set, tapos yung anak ni Jodi, si Thirdy, nakakasama ko rin sa set."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN