Sam Pinto on beating Marian Rivera and Angel Locsin as FHM Sexiest Woman: "Mas passionate ang mga fans ko!"

"I’m already happy and contented with my body, so wala. At saka, nag-number one na ako, bakit pa ako magpapagawa?" says Sam Pinto when asked if she will undergo any operation to enhance her body.


Pormal nang ipinakilala ang FHM’s Sexiest Woman 2011 na si Sam Pinto sa pamamagitan ng isang press conference kagabi, July 2, sa Midas Hotel in Roxas Boulevard.

Kasama ni Sam na humarap sa press ang tatlo sa nakapasok din sa 100 Sexiest na sina Ellen Adarna, Regine Angeles, at ang July 2011 FHM cover girl na si Eula Valdes.

Obvious sa mukha ni Sam ang kaligayahan being the No. 1 sexiest this year.

Kaya ang unang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya, ano nga ba ang eksaktong pakiramdam being hailed as the Sexiest Woman in the Philippines?

"Of course, very, very happy and overwhelmed!" sambit ni Sam.

"I didn’t expect it to make it in number one, honestly.

"From 32, naging number one ako ngayon.

"Sobrang thankful ako sa lahat ng blessing, sobra-sobra po."

Nakadagdag ba sa kanyang kasiyahan na tinalo niya sa No. 1 position ang mga gaya nina Marian Rivera at Angel Locsin, who ranked second and third, respectively?

"Well, they are big names already," sabi ni Sam.

"Me, nag-number one, it’s a big, big deal talaga, sobra!

"Actually, nape-pressure at natsa-challenge na rin. After this one, people will expect more from me."

Ano ang gagawin niya to stay on top?

"Ay naku, marami!" natatawang sabi niya.

"Pero bawal pang sabihin, e. Basta, I’ll keep you all updated.

"Hopefully matuloy rin, soon. Mga movies...’yan!"

Nang may magsabi na matutuloy na ang projects niya ngayong number one na siya, isang diretsong "dapat lang" naman ang tugon ni Sam.

Ano ang nakikita niyang posibleng maging effect sa career niya ng pagiging Sexiest Woman niya sa FHM poll this year?

"Hopefully, manganak siya," sabi ng Kapuso at Viva artist.

"When I posed for FHM, I had San Mig Light and Fitrum. Hopefully, it opens more doors."

A sexier and more daring Sam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We’ll see about that. My mom’s somewhere here!" natatawa niyang sabi.

Ayon kay Sam, ang lovelife daw niya ngayon ay ang kanyang career. So, how does she handle admiration from men?

"What admiration?" tawa niya ulit.

"Actually, most of them are really friends mode lang. They don’t really make any move or ask any date or anything.

"It’s all about friends. Walang nagpaparamdam sa akin, ano ba, really sad."

RUNAWAY VICTORY. Ayon sa FHM publisher na si Chad Rosario, it’s actually a "runaway victory" for Sam as this year’s Sexiest Woman.

In fact, for this year’s poll, nakakuha raw sila ng more than 30 million votes.

Tatlong paraan daw ang naging botohan: printed ballot na may pinakamalaking multiplier, mobile votes, at online votes.

Sa online, tough ang naging labanan sa Top 5. Pero sa printed ballots daw nagkamal ng pinakaramaing boto si Sam, ayon pa kay Chard.

Sa mga huling araw raw ng voting ay biglang nagdatingan ang printed ballots for Sam na galing karamihan sa ibang bansa.

Both Marian and Angel have passionate fans. Masasabi kaya ni Sam na nalamangan na niya ang dalawang aktres sa aspetong yun?

"Mas passionate ang mga fans ko!" natatawang sabi ni Sam.

"That’s why sobrang thankful ako sa kanila from the bottom of my heart, thank you, thank you so much.

"And of course, Marian and Angel, nag-number one na sila. Why not give chance to others?"

Inamin naman ni Sam that she did some campaign strategies and gimmicks para mag-number one nga.

"First of all, I did Twitter. Basically, I did tweet every day to vote for me, vote for me.

"And then, yun nga, yung fan page. I encouraged them to vote for me and I’ll give them like, it’s a date Sam Pinto, give them GCs, meet and greet... Depends on how much they vote."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May strategy talaga!" natatawang sabi niya.

BEST ASSET. Ano naman sa tingin niya ang kanyang best asset?

"For me, natural beauty is God-given talaga," sagot ni Sam.

"So, for me, if you have it, you can enhance it, but not really major-major enhancement.

"Well, it’s really big part of me, to be number one talaga.

"Kasi, in almost... For the last few years, sila ang nag-number one, ang daming nagpagawa.

"So, I guess this is something new for everyone, something fresh."

What about part ng body niya na pinaka-sexy?

"Can I say everything?" nakangiti niyang sabi.

Dahil sa naging pahayag ni Sam na wala pa siyang ipinapagawa, pero may mga nag-No. 1 na nagpagawa na, she was dared to reveal during the presscon proper kung sino ang tinutukoy niya.

"I don’t know who else, e!" natatawa niyang kambiyo.

Kung sakali, may gusto pa ba siyang ipagawa o iparetoke sa kanyang katawan?

"I’m already happy and contented with my body, so wala.

"Atsaka, nag-number one na ako, bakit pa ako magpapagawa?" sabi ni Sam.

Sa July 14 ang victory party ng FHM 100 Seexiest Women na gaganapin sa sa World Trade Center.

Narito ang kumpletong listahan ng pumasok sa 100 Sexiest Women for 2011:

100. Mercedes Cabral
99. Jem Milton
98. Gwyenth Ceridwen
97. Mocha Uson
96. Nadine Samonte
95. Ryza Cenon
94. Chariz Solomon
93. Maui Taylor
92. Jamilla Obispo
91. Alex Gonzaga
90. Kylie Padilla
89. Kitty Girls
88. Alodia Gosiengfiao
87. Saicy Aguila
86. Rufa Mae Quinto
85. Jessy Mendiola
84. Jen Rosendahl
83. EB Babes
82. Sheree
81. Maegan Young
80. Sheena Halili
79. Jinri Park
78. Maria Ozawa
77. Bela Padilla
76. Alyssa Alano
75. Abby Poblador
74. Alessandra de Rossi
73. Paw Diaz
72. Julia Clarete
71. RR Enriquez
70. Aze Sasaki
69. Isabelle Daza
68. Jahziel Manabat
67. Andi Eigenmann
66. Rachelle Ann Go
65. Jennica Garcia
64. Maureen Larrazabal
63. Regine Velasquez
62. Stef Prescott
61. Shaina Magdayao
60. LJ Reyes
59. Paulene So
58. Karylle
57. Jean Garcia
56. Rachel Donaire
55. Megan Fox
54. Jacq Yu
53. Wendy Valdez
52. Paloma
51. Niña Jose
50. Carla Abellana
49. Kristel Moreno
48. Jef Gaitan
47. Janna Dominguez
46. Eula Valdes
45. Iza Calzado
44. Daiana Menezes
43. Georgina Wilson
42. Gwen Zamora
41. Rosie Huntington-Whiteley
40. Pauleen Luna
39. Rich Asuncion
38. Erich Gonzales
37. Sarah Geronimo
36. Maja Salvador
35. Bea Alonzo
34. Aubrey Miles
33. Carla Humphries
32. Misa Campo
31. KC Concepcion
30. Ornusa Cadness
29. Toni Gonzaga
28. Priscilla Meirelles
27. Kris Bernal
26. Mariel Rodriguez
25. Michelle Madrigal
24. Heart Evangelista
23. Diana Zubiri
22. Kim Chiu
21. Bianca King
20. Rhian Ramos
19. Regine Angeles
18. Bianca Manalo
17. Anne Curtis
16. Iya Villania
15. Lovi Poe
14. Valerie Concepcion
13. Angelica Panganiban
12. Ehra Madrigal
11. Bangs Garcia
10. Ellen Adarna
9. Jackie Rice
8. Iwa Moto
7. Jennylyn Mercado
6. Katrina Halili
5. Solenn Heussaff
4. Cristine Reyes
3. Angel Locsin
2. Marian Rivera
1. Sam Pinto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN