Eula Valdes poses again for FHM; reveals boyfriend Rocky Salumbides is "ultraconservative"

"Actually, I rarely talk about it kasi medyo ano siya... nag-iiba ang mood. Ayaw niya yung idea na... yung term niya, ’nagpipiyesta’ yung opposite sex sa girlfriend niya. Pero nonetheless, wala rin naman siyang magagawa. Nakilala niya akong ganito na," says Eula Valdes about boyfriend Rocky Salumbides.


For the second time, Eula Valdes graces the cover of FHM magazine this July.

Humarap sa press si Eula—kasama sina Ellen Adarna, Regine Angeles, at ang Sexiest Woman this year na si Sam Pinto—sa isang presscon for FHM last Saturday night, July 2, sa Midas Hotel, Roxas Blvd.

Ano ang nararamdaman ni Eula na at her age ay naipapakita niya na puwede pa rin at napapanatili niya ang kaseksihan?

"Siyempre, elated ako," sagot niya.

"When they first asked me noong 2006 at kung willing ako na mag-cover again, sabi ko, siguro kapag 45 na ako.

"I was 38 then. Medyo na-advance lang ng two years kasi magpu-forty-three ako this year.

"Siyempre, masaya ako kasi may tiwala sila. Kasi, sino ba at my age, kung tatanungin ka ’Kung puwede ka bang mag-cover?’ ’Sige ba!’

"But of course, I asked permission sa son ko who is 16 years old kung papayag siya.

"Sabi niya, ’Second time? Ma, basta wala lang makikita.’ Sabi ko, ’Sige.’"

Nakita na rin daw ng anak niya even before pa mailagay sa cover ang naging pictorial niya.

"Ini-email sa akin yung mga shots for approval," banggit ni Eula.

"Meron din yung ano... Sabi ng anak ko, ’Akala ko ba walang kita?’ ’Hindi nga, hindi nga ’yan yung approved.’

"Pero lumabas pa rin, kinover rin nila, somehow they find a way. Meron, nandoon din.

"Isipin n’yo na lang kung ano do’n. And pumayag naman siya [her son]. And I’m happy na proud siya."

Kung ang ibang mga mas batang aktres ay ilang buwan o taon pa ang ginagawang preparation bago sila mag-cover shoot, si Eula ay wala raw halos.

"Wala, wala at all," sambit niya.

"Siguro mga three days lang ako nag-isip na, sige na nga, baka makatulong, medyo nagpigil kumain.

"Pero right after the shoot, kami ng makeup artist ko, kumain kami!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROCKY’S SAY. Iba naman daw ang naging pagtanggap ng boyfriend ni Eula na si Rocky Salumbides sa desisyon niyang mag-cover ulit sa FHM.

"Actually, I rarely talk about it kasi medyo ano siya... nag-iiba ang mood.

"Ayaw niya yung idea na... yung term niya, ’nagpipiyesta’ yung opposite sex sa girlfriend niya.

"Pero nonetheless, wala rin naman siyang magagawa. Nakilala niya akong ganito na.

"Iba rin naman ang feeling, iba yung ina-allow mo yung instinct against ibang tao na ma-affect yung relationship.

"Ako, open-minded ako sa ganyan, trabaho lang naman ’yan.

"Kung ganyan siguro ang trabaho mo na may boyfriend ka, may girlfriend ka, and then nakikipag-flirt ka, alam mo yun, makikipagkita ka sa ibang lalaki na ganyan ka, ibang usapan na yun."

Gaano ba ka-conservative ang boyfriend niya?

"Okay lang naman sa kanya," sabi ni Eula.

"But when he found out after na FHM pala yung na-shoot ko... Pero when he found out, nag-congratulate siya.

"Sabi niya, maganda. Hindi lang daw siya handa.

"Kasi, medyo conservative yun kahit siya, nag-pose na rin [nang nude] before for a book.

"Pero siyempre, iba yung kapag personal na, kapag karelasyon mo, iba na yun.

"Pero sa akin, balewala at saka sa son ko. Balewala rin sa kanya dapat."

Surprisingly, conservative talaga ang boyfriend niya?

"Yes!" sambit niya.

"’Yan ang hindi alam ng mga tao, pero very conservative siya. He’s ultraconservative siya.

"Tatay nga, e. Tatay-material."

Hindi pa raw nakikita ni Rocky ang cover niya sa July issue ng FHM.

"Yung nasa cover, hindi pa niya nakikita ’yan. Kasi, nag-print ako ng nasa email, so yun pa lang ang nakita niya," aniya.

Hindi naman daw controlling si Rocky sa kanya na kapag ayaw nito, hindi talaga siya ia-allow.

"Hindi... although alam ko na hindi niya gusto kaya hindi ko na siya tinatanong kung gusto niya ’kong samahan para hindi isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kung pipilitin ko siya at alam kong hindi niya type, parang gumagawa lang ako ng away, e, alam ko na nga na ayaw niya."

Dagdag pa niya, "Alam ko na proud siya.

"Pero ayaw lang niya yung thought na, sabi niya sa akin, ’Naku, marami na namang lalaking magpi-fiesta niyan!’

"Yun lang... Sabi niya, ’Congratulations, maganda ang cover mo.’

"Pero feeling niya siguro mamomroblema siya dahil magbabantay na naman.

"Kasi, kapag may tumitingin nang matagal, umiinit ang ulo niya!" natatawang kuwento pa niya.

FHM COVER GIRL. "Only God knows!" ang sagot ni Eula nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung posible pa kayang masundan ang FHM cover niya.

"Sabi ko nga, hindi na lang ako magbibigay ng age. Hihintayin ko na lang ulit silang tumawag."

Natatawang nag-share naman si Eula ng experiences niya bilang FHM cover girl.

"Tinatanong kung ilan taon na ba ako... mostly mga ganoon at mga pahaging lang, or yung mga tingin na alam mo na kung ano ang meaning. Nangingiti na lang ako.

"Meron din yung mga classmates ng anak ko.

"Madalas na pumupunta sila sa bahay, kumakain. Madalas na nakikita nila ako na naka-t-shirt, naka-short.

"Sabi ng son ko, siguro after a month or so na nagkuwentuhan sila, saka lang niya nalaman na, sabi raw ng isang classmate niya, ’Ma, yung isang classmate ko, nagkukuwento, sabing ganyan, alam n’yo ba, nakita ko si Eula Valdes, naka-short, naka-t-shirt!’

"Nakakatuwang isipin kasi ang babata nila, tapos napag-iisipan na nilang ganoon.

"Siyempre, masaya rin ako kasi ang anak ko, palaging nasa bahay. Yun nga lang, ang dami ko palaging pinapakain!

"Pero okay lang yun. Naaaliw naman ako sa kanila."

AGE DEFYING. At 42, ano nga ba ang sikreto niya to stay sexy and beautiful?

"Siguro ano lang, staying happy," sagot ni Eula.

"Ayoko ng mga negative thoughts. As much as possible, kung problema, hindi ko na siya poproblemahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, gagawan ko ng paraan pero hindi ko ia-allow na mamomroblema pa ako lalo.

"State of mind, lalo ko ngang sinasabi, kuntento.

"Contentment at siguro self-confidence lang, nag-a-add din yun.

"Wala akong masyadong... actually wala akong ritual.

"Nakakatulog nga ako ng may make-up sa sobrang pagod. Yung bukas na lang.

"Hindi ako ma-ritual na tao, hindi ako vain.

"Tinatanggap ko lang kung ano ang dumarating."

Kung sakali, kung may choice, may gusto pa ba siyang ipagawa physically?

"Gusto kong tumangkad!" natatawa niyang sabi.

"Yun ang biggest disappointment ko. Ito na ang height ko noong 12 years old ako.

"I thought magiging 5’7", biglang bumulaga lang pala, wala lang.

"Yung height, sobrang insecure ako sa height ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN