Sam Pinto claims she is "all natural" unlike other FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes

FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg"> FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg"> FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg">

FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg"> FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg"> FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg"> FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg">

"I’ve nothing done talaga and I’m just saying, I’m really proud of it that I didn’t do anything with my body. Yun lang. Wala naman akong pinu-point out na anyone," says Sam Pinto.


After the presscon proper ng FHM’s 100 Sexiest Women last Saturday, July 2, sa Midas Hotel on Roxas Blvd ay muling kinausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Sam Pinto.

Si Sam ang nag-No. 1 sa isinagawang poll ng FHM as this year’s Sexiest Pinay.

Hindi nakaligtas sa entertainment press ang bitin na pahayag ni Sam sa presscon proper na "fresh" at wala pa raw siyang pinapa-enhance sa kanyang katawan, unlike sa ibang nag-No. 1 na sa FHM. (CLICK HERE to read related story.)

Ang mga nag-No. 1 as FHM Sexiest Pinay ay sina Angel Locsin (2010, 2005), Cristine Reyes (2009), Marian Rivera (2008), Katrina Halili (2007, 2006), Cindy Kurleto (2004), Diana Zubiri (2003), Assunta de Rossi (2002), Donita Rose (2001), at Sunshine Cruz (2000).

Hindi kaya siya maintriga because of her statement?

"A, totoo naman, di ba?" sagot naman ni Sam.

"Bakit sila magi-guilty about it if that’s true?

"I mean, kung pinagawa mo nga, you should be more proud of it. Kasi, mas maganda naman tingnan."

We told her na parang sa statement niya, tila may alam siya, may mga kilala siya, o tipong kinu-confirm nga niya na may mga nagparetoke na sa past winners ng FHM.

Sabi niya, "Well, in that, I was really talking about myself.

"Kasi, I’ve nothing done talaga and I’m just saying, I’m really proud of it that I didn’t do anything with my body.

"Yun lang. Wala naman akong pinu-point out na anyone.

"And like I’ve said earlier, kung pinagawa mo nga, be proud of it talaga kasi it really enhances your body."

Nasabi niya rin na baka mapagalitan siya kung banggitin niya ang kanyang tinutukoy.

"Pinipilit n’yo talagang may alam ako!" natatawang sabi ni Sam.

"But yes, I’ve said that and I think it’s true.

"Kasi for me, ako talaga, personally, hindi ko alam. It’s just more on people telling me or yung mga tsismis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya as an artista, ang tsismis, minsan hindi mo alam kung totoo na or hindi.

"Kasi nga, ayun na naman, people make up stories talaga."

Personally, hindi raw siya masyadong pabor sa pagpaparetoke.

"For me, myself, ayoko. But for other people, if they want, if they think it will enhance their beautiful body, why not?"

WHY SAM? Ayon sa mga bumubuo ng FHM, sa ginawa nilang poll, si Sam daw talaga ang naging runaway winner.

Malaki rin daw ang naging lamang ni Sam sa mga sumunod sa kanya dahil malaki ang nakuha niyang puntos mula sa printed ballots na ipinadala ng supporters niya.

Pero tinanong ng PEP si Sam kung aware ba siya na may ilan pa rin na nagkukuwestiyon kung paanong siya ang nag-No. 1, gayong mas maraming fans ang ilan sa mga tinalo niya, gaya nga nina Marian Rivera at Angel Locsin na pumangalawa at pumangatlo sa kanya.

"Yeah, and in Twitter, I read it," sagot ng dating Pinoy Big Brother housemate.

"People usually react, bakit? Mukha raw akong stick!" natawa pa niyang sabi.

"For me, it’s fine. Maybe they think of sexy in a different way. They think sexy about the boobs, butt.

"For me, being sexy is different. Being confident in yourself. Loving your body for who you are, yun yun, e.

"Hindi lang physical."

Anong napi-feel niya sa ilang nagkukuwestiyon at tila hindi masaya na siya ang nag-No. 1?

"Okay lang. I can’t please everyone, it’s okay," sagot ni Sam.

MARIAN RIVERA. Hindi ba natatakot si Sam na baka pag-awayin sila ni Marian Rivera dahil during the voting ay silang dalawa ang naging mahigpit na magkakumpitensiya?

"Actually, we’re very civil. We just say hi, hello," sabi ni Sam.

Naalala namin na in the past, tila nagkaroon na rin sila ng isyu ni Marian nang ma-link bigla ang pangalan ni Sam kay Dingdong Dantes, na boyfriend ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo," pagsang-ayon ni Sam at saka siya natawa.

"Actually, for me naman... ano ba ang masasabi ko dito?

"Marian, dapat masaya ka na. You have a very, very beautiful face, a beautiful body. What else can you ask for?

"And you have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"

May hinihingi ba si Marian?

"Ewan ko sa kanya!" natawang sabi ni Sam.

"Kung may isyu man. Kung may isyu siya about me, you don’t have to be insecure. You’re very pretty."

Dahil sa mga naging pahayag ni Sam, natanong tuloy namin sa kanya kung may isyu ba sa pagitan nila ni Marian. May instances ba na hindi sila nagpansinan?

"Well, yun nga, after the Dingdong issue, hindi na niya ako pinapansin!" sabay tawa niya.

Nagkikita ba sila?

"Yeah, once in a while like in Party P, rehearsals... Pero, I tried to smile pero she looks away na.

"I guess, ayaw mo, sige. You don’t really control me."

Dahil sa sinasabi niyang hindi siya pinapansin ni Marian kahit na nginingitian niya ito, kasama ba siya doon sa mga tao na may negative impression sa primetime queen ng GMA-7?

"’Yung mga isyung ganyan, like I’ve said kanina, in showbiz, you don’t know what’s real and not.

"Honestly, for me, hindi ko alam," sabi ni Sam.

Personally, how does she feel about Marian?

"Honestly, wala talaga akong paki sa kanya!" natawa niyang sabi.

"She’s doing her own thing and I’m doing my own thing. That’s about it.

"Why would I base anything around her? Why would my world revolve around her?

"Hindi naman kailangan because I know she’s doing her thing.

"May own show siya. It’s her time now."

VICTORY PARTY. Now that she’s the FHM Sexiest Woman, wala ba sa kanya ang fear na baka ma-stereotype na siya as sexy star?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nai-stereotype na ako now," sabi niya.

"That’s why, hopefully, with my other roles, iba naman.

"Para people would say na, ’A, kaya niya rin pala ’to. Hindi lang puro pa-sexy nang pa-sexy. Kaya niya rin palang magpakita ng something else.’"

Ano naman ang dapat abangan sa kanya ng mga tao sa victory party ng FHM 100 Sexiest Women in the World at The World Trade Center on July 14?

"Ay, hindi ko pa alam, e!" natatawa niyang sabi.

"What I know is sasayaw ako. Of course, with FHM, it’s gonna be hot and sexy."

Rarampa ba siya nang naka-two-piece?

"Pinag-uusapan pa namin ng nanay ko yun," sabi ni Sam.

"It dependes on the two-piece. Huwag masyado yung slingy-stringy, hindi ko kaya."

Tinanong din namin si Sam kung ano ang reaction ng nanay niya sa lahat ng nangyayaring ito sa kanya.

"She’s really happy that I made it to number one.

"Not anyone can do this so, super full support siya. She’s behind my back no matter what.

"For her naman, as long as it’s comfy and for me, gusto ko, high fashion, go naman siya."

FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg"> FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg"> FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg">


FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg"> FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg"> FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg"> FHM winners; says Marian Rivera avoids her now, after being linked to Dingdong Dantes" data-url="https://www.pep.ph/news/30048/sam-pinto-claims-she-is-all-natural-unlike-other-fhm-winners-says-marian-rivera-avoids-her-now-after" data-desc="Sam to Marian: "You have Dingdong all for yourself. So, ano pang hinihingi mo?"" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/f6b575181.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN