Ruffa Gutierrez celebrates birthday with friends in Singapore; avoids question about rumored boyfriend Eduardo Puertas

"I really wanted not to celebrate this year...wala lang. Parang mas nag-e-enjoy na ako sa elegant dinners now and to be surrounded by mga friends," says Ruffa Gutierrez, who celebrated her 37th birthday last June 24.


Ang bakasyon ni Ruffa Gutierrez sa Singapore nitong kalilipas pa lang niyang kaarawan (June 24) ang isa sa mga paksa ng interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, July 3.

Habang naghihintay si Ruffa para sa muli niyang pagsalang sa camera, kasama ang co-hosts niya sa Paparazzi na sina Cristy Fermin at Dolly Anne Carvajal, kinumusta namin ang kanyang birthday getaway.

"It was okay. I only had two days there. Nagbakasyon ako with some friends of mine. Ayos naman, nakapagpahinga ako," kuwento ng 37-year-old TV host-actress.

Umalis si Ruffa ng bansa patungong Singapore noong June 23, Thursday, at bumalik siya noong June 26, Linggo.

"I celebrated my birthday with friends," banggit pa niya.

"We had dinner out, barbecue, hosted by friends of mine, sa bahay ng kaibigan ko.

"Namasyal kami. Meron kaming itinerary sa pamamasyal. We went to Sentosa.

"Some of my friends went shopping with me. So, masaya talaga.

"It’s been a while since the last time I’ve been to Singapore."

Hindi alam ni Ruffa kung saan ang Café del Mar na lugar din ng gimikan sa may Sentosa. Ang napuntahan lang daw niya ay ang Tanjong Beach Club.

"Nakapagpahinga talaga ako. Last year kasi, I was in Hong Kong.

"And ayoko talagang mag-celebrate this year. I spent my birthday actually with the kids, with World Vision and kasama ko ang mga anak ko.

"Para sa akin, okey na yun. Pero yung mga friends ko, hindi talaga sila pumapayag.

"They wanted to host a dinner for me, a birthday party for me. Kaya pumayag ako."

Dagdag ni Ruffa, "Siguro next year, mas magiging tahimik ang birthday ko.

"Kung magsi-celebrate man ako, hindi na gaya last year.

"I really wanted not to celebrate this year...wala lang. Parang mas nag-e-enjoy na ako sa elegant dinners now and to be surrounded by mga friends."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GIFT FOR HERSELF. Nag-isip naman nang husto si Ruffa sa tanong namin kung ano ang regalo niya para sa sarili niya nitong bakasyon niya sa Singapore.

"Wala naman," sabi niya.

"I’m not really into material things as much I used to when I was younger.

"So, siguro para sa akin, shoes or bags. Okay na yun.

"Hindi na ako naghahangad ng kahit na anong material na bagay pa.

"Love, happiness, and peace of mind na lang."

Nang usisain namin kay Ruffa kung kasama ba niya ang rumored boyfriend niyang si Eduardo Puertas, isang Brazilian businessman, tumanggi siyang pag-usapan ito.

"Ay, naku! Ayaw kong pag-usapan ’yan!" sabi niya.

Iniiwasan din siguro ni Ruffa ang isyu tungkol sa lumabas na larawan nila ng Brazilian sa isang tabloid na nagsasabing galing daw silang dalawa sa isang hotel.

Consistent si Ruffa sa pagsasabing wala pa raw siyang natatagpuang love sa kasalukuyan.

Isa lang sa napansin namin kay Ruffa ay ang maaliwalas nitong aura.

Inayunan naman niya ang sinabi naming mukha siya talagang at peace ngayon.

"Oo, parang I’ve matured," sambit niya.

"Kasi gusto ko naman na when the right time comes, maayos lahat. You can’t move forward until you close the past."

TRIP TO THE U.S. Mauudlot daw ang planong pagpunta ni Ruffa sa Amerika kasama ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.

"Dapat talaga pupunta ako ng States with the kids. Hindi pa kasi naayos ang papers ko. So, that’s still on hold.

"I’m also busy kasi doing two movies with Regal, yun yung Hototay, which is an entry for the Metro Manila Film Festival this year.

Another one also na nakapag-meeting na kami with Direk Joel Lamangan. Dalawang project yun sa Regal.

"Yung isa pang-MMFF at yung isa naman ay for November showing," pagbabalita niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kinalaman sa kanyang U.S. visa ang tinutukoy ni Ruffa na mga papeles na kailangan niyang ayusin.

"Yung renewal ng visa ko," banggit niya.

"I have to have an appointment. Yung appointment ko, mid-July pa.

"Anytime puwede na akong umalis, but I don’t know kung makakapag-States ako this July, depende pa kung maayos.

"Kung hindi man ako makasama, if ever the kids will go with my mom [Annabelle Rama], with my dad [Eddie Gutierrez], and my cousins to the States.

"Sabi ni Mommy, kawawa naman sila and they will feel bad. Bakasyon naman nila. Puwede naman daw na hindi ako kasama.

"So, for as long as kasama naman si Mommy, they will be safe and it’s only ten days.

"Baka yun na lang nga ang gawin ko habang nagsu-shooting ako dito," saad ni Ruffa.

Walang nakikitang problema si Ruffa sa magiging feeling ng kanyang mga anak kapag hindi siya kasamang pumunta ng States.

"Naku, mas enjoy nga silang kasama ang lola at lolo nila, ’no!" sambit niya.

"Pero siyempre, mami-miss naman nila ako. Pero gusto talaga nilang pumunta ng States.

"Okey lang naman basta’t nandiyan sina Mommy at Daddy.

"Hindi naman sa mas generous ang mommy at daddy ko, gusto lang talagang pumunta ng States no’ng mga anak ko."

ANDI EIGENMANN’S PREGNANCY. Nagbigay rin ng pahayag si Ruffa tungkol sa pagbubuntis ni Andi Eigenmann, na kasama dapat niya sa pelikulang Hototay.

"I just wish her all the best. For me, a baby is a blessing.

"Ang nakakalungkot lang, hindi ko siya makasama sa Hototay. Kasama siya dapat doon. I think she was already pulled out from the project.

"Nakakapanghinayang kasi I’m not gonna be able to work with her and I’ve heard a lot of good reviews about her.

"So, my best wish... she’ll be back after the baby is born.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkasama na kami sa isang show. I was interviewed with Kris Aquino sa show niya na Today With Kris.

"Nandoon din siya. Kasama ko si Mommy that time din. And siya naman yung mommy niya, si Jaclyn [Jose]," pagbabalik-tanaw niya.

Ikinagulat daw ni Ruffa ang pagbubuntis ni Andi.

"Nagulat din ako kasi nga kaya pala nade-delay yung project namin because of her situation.

"But, just like the others, nagulat din ako. But I can’t make further comments.

"I didn’t know na buntis siya. Wala akong alam. Sinabi lang tungkol sa scheduling kaya nga nade-delay yung movie namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN