Kristoffer Martin clarifies rumored rift with fellow tweener Joshua Dionisio

"Kung iniisip nila na may kinalaman pa rin yung dating issue sa amin, matagal na pong tapos iyon. Nagkausap na kami ni Joshua at naging malinaw na ang lahat sa amin," says Kristoffer Martin about his Tween Hearts co-star Joshua Dionisio.


Slowly ay gumaganda ang takbo ng showbiz career ng isa sa mga bida ng Reel Love Presents Tween Hearts na si Kristoffer Martin.

Bukod sa exposure niya sa TV drama na Munting Heredera, ngayon ay naipapakita pa niya ang kanyang talent sa pagkanta every Sunday sa Party Pilipinas.

Sa mga hindi nakakaalam, Kristoffer could really sing. Sumali siya before sa singing contest ng ABS-CBN na Little Big Star noong 2007.

Ngayon, ang isa sa mga napili bilang "The Next Big Thing" ng YES! magazine ay thankful sa opportunities na dumarating sa kanya.

"Nakakatuwa nga po kasi nabigyan na kami ng chance na mag-perform every week sa Party Pilipinas. Lahat kaming mga tweens, may production number kami.

"Before kasi, paisa-isa lang ang labas namin. Ngayon halos sa buong show nandoon kami. Kaya nagpapasalamat kami sa GMA-7 sa binibigay nilang trabaho sa amin.

"Kami naman, hindi namin sila ipapahiya. Ipapakita namin na seryoso kami at gusto naming lahat ang ginagawa namin," nakangiting sabi ni Kristoffer sa naging panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa backstage ng Party Pilipinas last Sunday, July 3.

Halos hindi na rin nga napapahinga ang tweens dahil sa magkakasunod na shows nila. Gaya ni Kristoffer na nagte-taping para sa Munting Heredera at Tween Hearts, tapos ay nagsu-shooting pa siya para sa pelikula nilang Tween Academy: Class of 2012.

Ani Kristoffer, "Mas naging busy po kaming lahat ngayon. Pero ginagawan naman ng paraan para hindi magkapatung-patong ang schedules naming lahat.

"Kasi may iba pa kaming mga guestings. Mahirap na raw yung napapagod kami nang husto.

"Three times a week po ang taping ko for Munting Heredera, tapos once a week sa Tween Hearts.

"Yung mga natitirang araw ay para sa shooting at sa pag-attend ko ng classes.

"Naka-enroll po kasi ako this year sa San Beda College. Entrepreneurship po ang course ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya binabalanse ko ang work at school. Kahit na busy ako sa showbiz career ko, gusto ko pa ring nag-aaral ako.

"Pangako ko kasi sa parents ko na kahit anong mangyari, ipagpapatuloy ko ang studies ko."

FALLING FOR JOYCE. Kaya nga sa usapang lovelife ay wala pang maisagot ang Hammerhead Shirts endorser na si Kristoffer dahil mas concentrated daw siya sa studies at work.

Pero malakas ang balitang inuunti-unti na niyang ligawan ang kanyang ka-loveteam na si Joyce Ching.

"Gano’n po ba? Kami naman ni Joyce, okey lang po kami. Pareho lang naman kami na focused sa career," sabi ng binata.

"Masasabi ko rin naman na iba na ang closeness namin ni Joyce kasi nga magkasundung-magkasundo kami.

"Na-meet ko na ang parents niya at nakilala na rin niya ang family ko. Kaya nagkukumustahan ang mga pamilya namin.

"Tungkol sa panliligaw, siguro tama nga na paunti-unti muna. Slow but sure, di ba?

"Mas importante kasi na maayos ang pagkakaibigan namin at nandiyan kami para sa isa’t isa kung may problema man.

"Right now kasi, alam ko na hindi priority ni Joyce ang magkaroon ng boyfriend.

"Mga bata pa naman kami. Marami pa kaming pagkakataon na makilala pa ang isa’t isa.

"Sa ngayon, happy kami na nagkakasama kami sa trabaho."

ALL’S WELL. Nilinaw ni Kristoffer ang tungkol sa away raw nila ng kapwa tweener na si Joshua Dionisio. Pag may eksena lang daw sila nag-uusap, pero kapag after the take ay dedmahan na raw sila.

"Wala naman pong gano’ng nangyayari sa amin ni Joshua. Magkaibigan po kami niyan.

"Kahit na noong nasa kabilang network pa kami, magkakilala na kami. Dito kami sa GMA-7 naging close na.

"Kung iniisip nila na may kinalaman pa rin yung dating issue sa amin, matagal na pong tapos ’yon.

"Nagkausap na kami ni Joshua at naging malinaw na ang lahat sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"On- and off-camera, magkakasama kaming mga tweens. Kapag may event na gusto naming puntahan lahat, solid kami at walang nagkakaaway sa barkadahan namin. Madalas na nagkakabiruan kaming lahat.

"Mas maganda na yung wala kang kaaway at maayos kayong lahat na nagtatrabaho.

"Kaya kami ni Joshua, okey kami at maraming makakapagpatunay na walang problema sa aming dalawa," pagtatapos ni Kristoffer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN