Melai Cantiveros and Jason Francisco are like "cat and dog" on the set of Pureza

Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg"> Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg"> Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg">

Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg"> Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg"> Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg"> Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg">

"Off-cam and on-cam, nag-aaway kami!" says Melai Cantiveros about her relationship with boyfriend Jason Francisco.


Sa audio-visual presentation ng pelikulang The Adventures of Pureza: Queen of the Riles, binanggit ng director nito na si Soxie Topacio na parang aso’t pusa sa set ang mga bidang artista niya—ang real-life couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Hindi naman tinanggi ng dating housemates ng Pinoy Big Brother na madalas ay nagkakaroon sila ng mga tampuhan.

Sinabi rin ng dalawa sa mga miyembro ng media na madalas malilit na bagay lamang ang sanhi ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

"Kaming dalawa, nagagalit kami sa isa’t isa. Pero madali naman kaming magbati," sabi ng 23-year-old na komedyana kagabi sa press conference ng pinagbibidahan niyang pelikula kagabi, Hulyo 4, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City

Nang humingi ng halimbawa ang press, napatawa lahat sa isinagot ni Melai: "Kasi, minsan may dugo ako, parang ano ako sa kanya, minsan nagagalit ako.

"Sa kanya, kapag mayroon siyang problema. Minsan galit siya, pero minsan mas galit ako."

Ang ibig sabihin ni Melai sa "dugo" ay ang kanyang buwanang dalaw.

Sa parte naman ni Jason, sinabi niya na, "Sa totoo lang, simple lang ang pinag-aawayan namin. Lagi kaming nag-aasaran lang."

Kuwento pa ng 23-year-old actor, "Mahilig kami, minsan sa mga gigs, minsan nagkakaasaran lang kami.

"Kapag alam kong mainit ang ulo ng isa, medyo pagod, lalo pang aasarin nito [sabay turo kay Melai], kaya minsan nagagalit ako sa kanya.

"Pero siya naman, minsan ako naman, hindi ko rin naman alam kung ano ang araw ng period niya.

"’Yon talaga ang dahilan. Kaya minsan kapag talagang masama talaga ang period niya, talagang iba ’yong isip niya."

SOBRANG PAGMAMAHAL. Ito ang binigay na dahilan ng dating PBB grand winner kung bakit umabot na sila ng 16 months ng kanyang kasintahan.

Sabi ni Melai, "Kahit ganyan ang attitude niyan. Kapag hindi ka nagtiis talaga, hindi kami aabot ng 16 months.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan talaga ng sobrang pagmamahal. Kailangan talaga ng sobrang pagmamahal para tumagal kayo.

"Siguro kung walang pagmamahal, wala na, break na kami.

"Pero sobrang bait po niya. Sa pamilya, sobrang bait niya, lahat."

Nagawa rin ni Melai na magbiro upang maipakita kung gaano mapagbigay ang kanyang boyfriend.

"Ako nga lang, binibigyan niya ako ng mga materyal na bagay, kahit na mas mapera ako sa kanya, e.

"Sobrang very responsible siya. ’Yong attitude niya, sobrang bait."

"MASAMA ANG SOBRANG LABIS." Sa kabilang banda, natanong naman si Jason kung ano ang kanyang nagustuhan sa dati niyang kasamahan sa Bahay ni Kuya.

Hindi naman nagdalawang-isip ang binata at sinabing, "Sa totoo lang, maganda po siya at malakas ang appeal."

Sabi pa ni Jason, hindi na raw niya gusto ngayon ang masyadong maganda dahil sa kanyang mga nakaraang karanasan. Kaya naman kuntento na raw siya kay Melai.

Pabirong paliwanag pa ni Jason, "Na-experience ko na ang ganyan. Kapag sobrang ganda, madaling makuha ng iba, e. Pero kapag ganito... Mas magada ’yong hindi sobrang labis.

"Ito labis [sabay turo sa co-star nilang si Bianca Manalo], ikaw [Melai] may kulang, pero hahanapin mo ’yong kulang. Mas maganda ’yong may challenge."

Sa kanilang pagsasama, isa lang naman ang matinding hinihiling ni Jason kay Melai—ang huwag masyadong maging bukas sa publiko tungkol sa kanyang personal na buhay.

Sabi pa ni Jason, "Kung alam n’yo lang kung ilang beses ko sinasabihan ’yan.

"Maganda ’yong sinasabi mo sa tao, dahil siyempre, parang kasama na namin ang mga tao, maganda kung totoo siya.

"Pero po may mga bagay kasi na... Alam natin gusto nilang malaman, pero may mga bagay na kahit konti, e, iwan mo sa sarili. Kulang na lang ’yong buhay isulat mo.

"Kasi, sobrang siya lang ang taong nakilala ko na lahat, kung puwede, sasabihin niya sa lahat ang kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang walang kasinungalingan. Kung ano ang nakikita n’yo sa kanya, totoo lahat talaga.

"Maganda rin ’yon para sa mga tao, pero may limitasyon din naman."

Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg"> Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg"> Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg">


Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg"> Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg"> Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg"> Pureza" data-url="https://www.pep.ph/news/30075/melai-cantiveros-and-jason-francisco-are-like-cat-and-dog-on-the-set-of-pureza" data-desc="Melai and Jason admit that their fights are usually petty." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/12d0ea6a3.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN