Janine Gutierrez says it was her own decision to enter showbiz; her supportive parents give advice

"I’m excited po and I’m nervous din, pero I’m looking forward to everything. Kasi gusto ko po talaga ito gawin, so pagbubutihin ko na lang po," says Janine Gutierrez about joining showbiz. Janine is the daughter of Ramon Christopher and Lotlot de Leon (insets).


Ang mga parents niya’y sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher; ang mga lola ay ang Superstar na si Nora Aunor at ang Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales; ang mga lolo ay ang award-winning actors na sina Christopher de Leon at Eddie Gutierrez; at tito at tita sina Jackielou Blanco, Matet, Ian de Leon, Tonton, Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez—that makes Janine Gutierrez a class on her own.

A European Studies graduate in Ateneo de Manila, Janine has finally embarked on a long-overdue showbiz career.

Two Sundays ago sa Party Pilipinas, pormal nang ipinakilala si Janine sa kanyang pagsabak sa showbiz.

Overwhelming ang suporta ng buong pamilya ni Janine sa kanya kaya nagmistulang reunion ang naganap.

Hindi nga maitago ng kanyang Tita Jackie, mga pinsan at kapatid, at maging ang kanyang Tito Richard at Raymond ang kanilang kasiyahan para kay Janine.

But showbiz is not showbiz kung walang intriga.

Totoo nga bang nagkaroon ng problema dahil ang Mommy Lotlot daw niya ang kumumbinsi kay Janine na mag-showbiz kaya umalma naman ang kanyang Daddy Monching?

Matagal nang hiwalay sina Lotlot at Monching.

Janine was quick to clear the issue.

"A, hindi po, ako po yung nag-decide. Sobrang okay lang po sa kanila.

"Pag may mga desisyon po sa amin, pinaguusapan po nilang dalawa, pareho po silang very supportive," paliwanag ni Janine sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central last Sunday, July 3.

Dagdag pa niya, "I’m excited po and I’m nervous din, pero I’m looking forward to everything. Kasi gusto ko po talaga ito gawin, so pagbubutihin ko na lang po."

Ayon naman kay Lotlot, "No, I did not convince my daughter. I allowed her to think about it.

"Yes, we all talked about it, the three of us so... Hindi naman kasi puwedeng walang blessing ang isa sa amin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kahit ako, kung gusto ko, ayaw ni Mon, hindi din puwede, and vice versa.

"So since Janine said, ’Mama, I’m ready!’ I spoke to Mon and I asked for his opinion and since okay naman, naging maayos.

"Eto na siya ngayon."

Sabi naman ni Monching, "Kasi ang ano namin, pag after maka-graduate siya, kung ano yung gusto niyang gawin, okay lang sa amin, basta mag-e-enjoy siya, ganun."

At ngayong nasa showbiz na si Janine, hindi siyempre mawawala ang words of wisdom from her loving and proud parents.

Sabi ni Monching, "Advice ko lang na, you know, mag-enjoy siya and to be professional. Yung oras importante, di ba? Maging mabait sa mga kasama niya."

Ayon naman kay Lotlot, "I know she’s going to do very well. Well, I told her that she has to learn to fight her battles, maraming mang-iintriga, maraming pupula sa kanya."

Pahayag naman ni Janine, "Winarningan naman nila ako na ganun talaga yung buhay dito, ’tsaka parang... Nakita ko din naman po habang lumalaki kaming magkakaptid na ganito talaga.

"So, ang sabi lang ni Mama na, ’Tibayan mo yung loob mo, tapos basta respeto lang sa lahat ng tao. Basta mahalin mo lang ang trabaho mo and you’ll be fine.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN