PGT grand winner Marcelito Pomoy plans to give mom who abandoned him house and lot and small business

"Yung mother ko, pinatawad ko na. Pero yung kapatid ko, hindi pa niya mapatawad ang mother ko. Masama yung loob niya. Two months pa lang noong iniwan si Bunso. Tapos ako, magtu-two years pa lang noon," says Pilipinas Got Talent Season 2 winner Marcelito Pomoy.


Si Marcelito Pomoy ang second grand winner ng Pilipinas Got Talent na sumunod kay Jovit Baldivino.

Siya yung kayang kumakanta na boses babae at boses lalake. Tinatawag siya ngayong "Man with the Golden Voice of a Woman" at "Male Diva."

Madrama ang kuwento ng buhay ni Marcelito. Nahiwalay siya sa piling ng kanyang pamilya noong bata pa siya. At mula sa pagtitinda ng balot, hanggang sa pagtatrabaho sa isang babuyan, siya ay nangarap.

Now two-million-pesos richer dahil sa pagkapanalo niya sa PGT, mas malaking panalo raw sa binata ang pagkakataong nabuo ang kanyang pamilya.

Sa The Buzz noong Linggo, July 3, host Charlene Gonzalez had a one-on-one interview with Marcelito.

"Medyo," ang nakangiting tugon ni Marcelito kay Charlene nang tanungin ng huli kung handa na ba siya sa buhay-showbiz.

Pero paano na nga ba nabago ang buhay niya after winning PGT?

"Malaki po ang pinagbago ng buhay ko nang manalo po ako sa Pilipinas Got Talent.

"Noong ako po yung itinanghal, marami na ang fans.

"Nandiyan na ang pamilya ko na kahit na may iba-ibang pamilya, sabi ko, ’Sana, magkasama tayo ngayong gabing ito.’"

Marami ang nagdududa sa kanyang totoong sexual preference dahil sa galing niyang magboses babae habang kumakanta. Kaya ang tanong ni Charlene, "Sa totoong buhay ba, si Marcelito ba ay boy or girl?"

"Lalaki po talaga ko," mabilis niyang tugon.

At dahil boy siya, ano naman ang hinahanap niya sa isang babae?

"Yung simple lang, mabait," sagot naman niya.

So, in a relationship ba siya? May ka-M.U.? Textmate?

"Ka-text..."

Nasa showbiz?

"Wala...matagal ko na siyang ka-text."

M.U. sila?

"Opo."

Pero hindi na pinangalanan ni Marcelito ang ka-M.U. niya when Charlene asked him.

After the finals, ano na ang nangyari sa kanyang pamilya?

"After the finals po, nag-usap-usap po kami na, ’Sana magkapatawaran na tayo. Kasi, tao lang din po tayo,’" emosyunal niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mother ko, pinatawad ko na. Pero yung kapatid ko, hindi pa niya mapatawad ang mother ko. Masama yung loob niya.

"Two months pa lang noong iniwan si Bunso. Tapos ako, magtu-two years pa lang noon."

Proud na proud sigurado ang pamilya niya sa kanya?

"Opo, sinabi po."

Kung meron siyang gustong sabihin sa nanay niya, ano ito?

"Sana ipakita mo sa amin na nawalay man kami sa ’yo, iniwan mo man kami, iparamdam mo sa amin na ina namin kayo," maluha-luha niyang sabi.


Masasabing mas naging buo ang kanyang pagkatao dahil nagkasama-sama uli ang buo niyang pamilya. Pangarap din ba niyang magsasama-sama na sila nang tuluyan?

"Sa ngayon, hindi na po siguro kasi may kanya-kanya na pong family," sagot ni Marcelito.

Sa kanyang palagay, hindi na niya maaayos yun?

"Hindi na po..."

Sa kabila ng lahat, pangarap pa rin daw ni Marcelito na mabigyan ng sariling bahay, lupa, at negosyo ang kanyang ina.

"Sandali lang po, tumutulo ang sipon ko," hirit ni Marcelito dahil na rin sa walang tigil na pag-agos ng luha niya. Dahilan para magtawanan ang mga tao sa studio at si Charlene na rin.

Pero patuloy niya, "Ito po kasi ang pinangarap ko. At least, magkaroon ako ng pamilya. May naipundar na ako."

Pinatawad na ba niya sila?

"Opo, pinatawad ko na sila."

Looking back in his life, was there ever a time na gusto na niyang sumuko?

"Opo, naisip ko na rin yun na gusto kong sumuko talaga. Pero nagdasal na lang ako, na kung saan ako dalhin ng Panginoon, yun na lang ang susundin ko at wala na akong magagawa ro’n."

Ano pa ang pangarap niya sa buhay?

"Ano pa ba?"

May sumigaw ng "Asawa!"

Pero ani Marcelito, "Wala pa ’yan sa buhay ko. Textmate, meron."

Kung may isang kanta na gusto siyang ialay sa nanay niya or sa pamilya niya, ano ’yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Ikaw Lamang.’ Kasi, tuwing kinakanta ’yang kanta na ’yan, diyan ko naiisip ang lahat, e."

Ni-request din ni Charlene na kantahin ang song na binanggit ni Marcelito na mabilis namang pinagbigyan ng PGT winner sa boses lalake at babae siyempre.

Dahil first time ni Marcelito sa The Buzz, niregaluhan siya ng framed picture ng pamilya niya. Although, ayon kay Marcelito, kulang lang daw ng isa niyang kapatid.

Sa huli, hiningan siya ng message ni Charlene for his family.

"Sa pamilya ko at sa mga kapatid ko, sana maintindihan ninyo ako. Kung anuman ako ngayon, sana hindi kayo magbago sa akin.

"Sa mother ko, sa father ko, kahit mero’n na kayong ibang pamilya, huwag n’yo na ulit hayaang mangyari sa inyo ang nangyari noon.

"At sa lahat naman po ng mga taong sumuporta sa akin, marami pong salamat.

"Lalung-lalo na sa Panginoon. Kasi, kung wala rin po sa Itaas, wala rin po siguro itong boses ko. Siya po ang nagbigay ng lahat ng ito.

"Maraming salamat po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN