Solenn Heussaff prefers men in their 30s

Newcomer Solenn Heussaff answers questions from John "Sweet" Lapus on "Don’t Lie To Me" segment of Showbiz Central.


Si Solenn Heussaff ang sumalang sa "Don’t Lie To Me Reloaded" segment ni John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central last Sunday, July 3.

Ang unang tanong kay Solenn ay kung totoo bang "third party" ang dahilan ng hiwalayan nila ng celebrity ex-boyfriend niya for four years? Hindi binanggit ang pangalan ng ex-boyfriend na ito ni Solenn, pero ang tinutukoy rito ay si Derek Ramsay.

"No" ang isinagot ni Solenn at "Truth" ang naging resulta nito sa truth verifier machine.

So, ano ang rason ng breakup nila?

"A, kasi, long distance kami, so medyo mahirap yung relationship," sabi ni Solenn.

Nasa France kasi noon si Solenn at nag-aaral ng fashion designing.

"Tapos, we just grew apart, yun lang," dagdag pang sabi niya.

Ang sumunod na tanong kay Solenn ay kung totoong na-carried away daw siya sa kissing scenes nila ni Mikael Daez sa Temptation Island dahil umabot ito ng isang minute.

"We’re professionals. Yes!" ang natatawang sagot ni Solenn at "Truth" ang naging resulta nito.

"Tonsil to tonsil!" ang tumatawang description ni Solenn sa halikan nila ni Mikael sa pelikulang nabanggit ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc.

"French ako!" ang muling tumatawang sabi ni Solenn.

"No, kasi si Direk Chris [Martinez, Temptation Island director] said medyo rough yung couple namin, so parang we have to make it more rough than the others.

"So, siyempre naman bawal ang dila sa pelikula, so tonsil na lang!" at muling tumawa ang aktres.

Ang huling tanong kay Solenn ay kung nililigawan na nga ba siya ni Tom Rodriguez, na kasama rin sa Temptation Island.

"No" ang sagot ni Solenn at "Lie" ang naging resulta nito sa truth verifier machine.

Pero ang paliwanag ni Solenn, "Close kami kasi artist siya, tapos artist ako."

Nagte-text-an na ba sila?

"Not so... minsan. Tweet-tweet."

Ano ang madalas na tini-text or tinu-tweet sa kanya ni Tom?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"What’s up, or parang yung new program... mga bagong program sa computer."

If ever ba, ang tipo ni Tom ang tipo niyang lalaki?

"Oo, guwapo siya, pero gusto ko mas matanda, mga thirties," sagot ni Solenn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN