Valerie Concepcion is not ready to share custody with her daughter’s father

"Siyempre, it takes time, e. Kung halimbawang darating at magpapakilala, hanggang doon muna. Hindi to the point na ipapahiram na agad. Kailangan kong i-develop ’yan. Kasi hindi naman natin alam kung papayag din ba yung anak ko, e," says Valerie Concepcion about the idea of shared custody with the father of her daughter.


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Valerie last July 3 sa shooting ng pelikulang Kingpin:The Untold Story of Asiong Salonga, sa Pagsanjan, Laguna starring Gov. ER Ejercito. Isa sa leading ladies si Valerie sa nasabing pelikula where she plays the second wife.

Isa rin si Valerie sa stars ng top-rating drama series na 100 Days to Heaven ng ABS-CBN. Pero ang comment ng ilang viewers ng nasabing teleserye, hindi challenging ang papel niya rito.

"Actually, itong week na ito kailangan ninyong mapanood para makita n’yo ang development ng character ko, na sobrang bad ko," bungad niya.

So, hindi na pasulput-sulpot lang ang karakter niya?

"Actually ganoon pa rin. Kasi ang focus naman ng teleserye, si Anna Manalastas, di ba?

"Mas may flavor nga lang ngayon. Mas may spice iyong character ko.

"Kasi sa story, umaangat na yung si Sophia (played by Jodi Sta. Maria) at nauungusan na si Bobby (Dominic Ochoa).

"E, sobrang love ng karakter ko rito si Bobby. So feeling ko, I’ll do everything para hindi niya maungusan si Bobby. Ganoon. So, nagiging ganoon ang build-up ng character ko rito," esplika pa ng aktres.

Ayaw i-reveal ni Valerie kung si Jodi ba ang anak na pinaampon ni Anna, na ginagampanan nina Coney Reyes at Xyriel Manabat pag bata si Anna.

"Ay, hindi ko alam!" nakatawang sagot niya.

Aminado rin si Val (nickname ni Valerie) na mas maganda ang role niya sa Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5 kumpara sa 100 Days to Heaven.

"Ay, opo naman. Pero kasi itong 100 Days, nagdi-develop pa, kaya ’wag muna nating i-judge."

LOYAL KAPAMILYA. Pero bakit kaya hindi niya maiwan-iwan ang ABS-CBN kahit hindi naman daw siya mabigyan ng magandang role?

"Ay, tanungin natin ang manager ko!" pabungisngis na sagot ng aktres.

"At saka hindi lang yun, marami ang walang trabaho, at least ako ay nabibigyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi noong Wowowee days, talaga namang hindi nila ako pinabayaan. Sila yung nagpasikat sa akin kaya ganoon na lang yung loyalty ko sa kanila at pasasalamat.

"Ang 100 Days... kasi magandang project yun. Kailangan lang hintayin ang development ng character ko. Aside pa sa number one show siya ngayon, e," sabi pa ni Valerie.

Nami-miss ba niya ang mag-host ng noontime show like Wowowee?

"Hindi naman," sagot niya.

"Siguro ano rin, kung gusto kong magkaroon ng hosting job, siguro like PBB (Pinoy Big Brother). Yung something different. Parang, yung another challenge for me.

"So, sabihin nating nami-miss ko yung hosting. Pero parang kung babalik ako sa hosting, maganda yung ganoon [PBB]."

Bakit naman PBB?

"E, kasi maganda and something different yun. And para ma-challenge ko yung sarili ko."

May gusto ba siyang palitan sa PBB?

"Wala. Hindi ko alam. Wala po. Gusto ko lang sana yung ganoong klaseng show," sabi niya.

DONDON HONTIVEROS. Sinabi rin ng aktres na okay sila ng boyfriend niyang cager na si Dondon Hontiveros at close daw ito sa anak niyang si Fiona.

"Close sila, pero hindi naman daddy ang tawag sa kanya ni Fiona," paglilinaw ng aktres.

Tanggap ba ng baby niya na may kaagaw siya ng atensiyon?

"Hindi naman sa kaagaw sa atensiyon, pero mas tanggap na siya [Dondon] ng anak ko.

"Nakakaloka nga, kasi dati kapag niloloko ko yun [her daughter]... Kunwari sasabihin ko, ’Ano, papakasal na ba si Mama?’ Sasagot yun ng, ’Hmmm, okey but not with Kuya Don.’ Ganoon, before yun, ha.

"Pero ngayon, sagot niya kapag sinabi kong, ’Gusto mo na bang maging papa si Kuya Don?’ Ang isasagot na niya, ’Maybe.’

"Yun na, may development na!" malutong na halakhak pa ni Valerie.

"Nagba-bonding na sila, pero hindi pa rin siya talaga ready na magpapakasal ako. Kaya hanggang maybe pa lang ang sagot ng bagets," dagdag pa niya patungkol sa six-year-old niyang only daughter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wedding plans with Dondon?

"Wala pa, wala pa kaming ganoon ni Dondon."

Naiinip na ba siya na hindi pa siya niyayayang pakasal?

"Hindi naman, pero mas maingat na ako ngayon," wika ni Valerie.

FIONA’S FATHER. Ano ang gagawin niya kapag nagkita sila ulit ng tatay ni Fiona?

"Ewan ko," nakangiting sagot niya.

Kung sakali, babalik kaya yung galit niya sa kanya?

"Honestly, hindi ako nagtatampo, o nagagalit sa kanya ngayon, ha.

"I mean, I’m so honest with my daughter. Ipinakikita ko yung picture at sinasabi kong, ’O ito yung papa mo,’ ganyan-ganyan."

Willing ba siyang ipahiram si Fiona sa ama nito?

"’Wag naman sa ganoong point agad. Nagmamadali naman masyado!" mabilis na sagot niya, sabay tawa.

"Siyempre, it takes time, e. Kung halimbawang darating at magpapakilala, hanggang doon muna. Hindi to the point na ipapahiram na agad.

"Kailangan kong i-develop ’yan. Kasi hindi naman natin alam kung papayag din ba yung anak ko, e.

"Kasi kapag tinatanong ko yung anak ko, ’Gusto mo bang makilala ang papa mo?’ Ang sagot niya, ’No!’ Ayaw niya, e."

So, siya yung nagtatanong talaga sa kanya?

"Oo, very open ako sa kanya regarding sa papa niya. Hindi ako nagtatago sa kanya.

"Hindi naman ako bitter sa pagtatanong sa kanya. Natatawa nga lang ako, e.

"Actually, good thing nga na nagkatrabaho kami ni Tita Coney [Reyes], kasi talagang ina-advice niya ako ng parang sabihin ko raw kay Fiona na, ’You know, I don’t know what your papa is doing right now. O, kung ano man ang pinaggagagawa niya. Pero no matter what happens, siya pa rin ang papa mo. So, kailangan respetuhin mo pa rin siya.’ Parang ganoon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN