Coco Martin is aware that Maja Salvador already has a boyfriend

"Pero hindi na ako puwedeng magbanggit. Bilang lalake, hindi po maganda na sa akin pa manggagaling ang tungkol do’n," said Coco Martin when asked regarding Maja Salvador’s real boyfriend.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco Martin bandang alas-diyes kahapon ng umaga, July 5, over the phone.

Walang taping sked si Coco kaya mas mahaba-haba ang naging kuwentuhan.

Undoubtedly, Coco is one of the finest actors of his generation.

At sa kasalukuyan niyang estado bilang aktor, mahirap para sa isang sikat at in-demand na gaya niya ang umiwas sa sari-saring pamumuna at batikos. Idagdag pa rito ang mga patuloy na pagsilip at pagtuligsa sa kanyang personal life.

"Kasi naman po, sa trabaho namin, napakahirap ng ginagawa namin sa araw-araw," bungad ni Coco sa kabilang linya.

"Ngaragan ang schedules. Maraming pressures. Lahat na, tapos sasamahan pa ng mga isyu-isyu.

"Kilala n’yo naman po ako. Napakapribadong tao ko rin. Hangga’t maaari, ayokong mapansin ako ng mga tao. Kaya umiiwas na lang po ako.

"Gusto ko pong mapagbuti ang trabaho ko, na yun naman po talaga ang hinahanap ng mga tao sa akin."

ENJOYING FAME. Dahil nagsimula sa mahirap na daan patungong kasikatan, alam ni Coco sa ngayon ang tamang paghawak sa mga blessing na natatangap.

Alam din niya ang halaga ng pagiging humble, as seen through the example of his older co-actors. Ito ang nagiging gabay ni Coco sa tamang direksiyon.

"Nagpapasalamat ako sa mga nakakasama kong artista, lalo sa mga veterans. Like sina Tita Lorna [Tolentino], Amy Austria, si Tita Boots [Anson-Roa], John [Estrada], Tonton [Gutierrez], sina Tito Dante [Rivero], at Tito Ronaldo [Valdez]..." banggit ni Coco sa mga kasama niya ngayon sa teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin ng ABS-CBN.

"Pag kaeksena mo sila, pagbubutihin mo talaga ang pag-arte mo, e. Sobrang nakaka-pressure, pero malaki ang naitutulong nila sa mas bata at baguhan na tulad ko.

"’Tsaka, napaka-humble po nila. Nakakatuwa nga, kasi kung sino pa yung nasa itaas na, sila pa yung may gano’ng ugali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa set, para kaming mga barkada nina Tito Ronaldo. Sila ang madalas kong nakakasama sa set, e. Puro kuwentuhan."

Luckily, sa bawat project na samahan ni Coco kahit noong indie actor pa siya, hangggang mapunta sa mainstream at magkaroon ng breaks sa ABS-CBN ay very supportive ang mga kilala at batikang artistang nakakasama niya.

Kumusta naman ang takbo ng tapings nila sa Minsan Lang Kita Iibigin?

"Tuluy-tuloy lang po, e. Four times a week na kaming nagte-taping. Tuwing MWF. Pati Thursdays, kasi minamadali na rin.

"By August, matatapos na kami, so two months na lang. Yun ang pagkakaalam ko," shared Coco.

Sa dual roles niya, sa Minsan Lang Kitang Iibigin bilang military officer na si Alexander del Tierro, o si Javier del Tierro, ang alibughang anak-anakan ni Lorna Tolentino, aling papel ang mas challenging para kay Coco?

"Pareho lang pong matindi ang challenge sa akin pagdating sa akting ko," sabi ni Coco, na epektibong napag-iiba ang dalawang katauhan sa pamamagitan ng sensitibong pagkaunawa sa magkaibang papel.

"Medyo mahirap din po yung [role ng] sundalo, dahil kailangan maging kapani-paniwala ang kilos mo sa mga eksena," dagdag pa ni Coco, who tackles the character of a military officer with gentleness and dignity.

ACTING WITH PASSION. Bagamat nagsimula sa mga pelikulang independently-produced, o indie films, thus earning the title "Indie Prince of Philippine Movies," inaamin ni Coco na sa ngayon, ang kanyang bread-and-butter ay ang paglabas sa mga TV drama series o teleserye.

"’Tsaka po mga mall shows, kung meron," masayang pahabol ni Coco.

"Ang pelikula naman sa akin, tulad din noong gumagawa ako ng mga indie. Hindi rin naman palagi. Basta may magandang project. Kasi namimili din po ako."

Tama nga si Coco sa naging desisyon niya, through the guidance of his director-mentor, Cannes Filmfest best director Brillante Mendoza.

Si Direk Brillante Mendoza kasi ang nagbigay ng chance kay Coco na makilala sa internationally-acclaimed indie films Masahista (2005), Tirador (2007), Serbis (2008), and Kinatay (2009).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

With other indie filmmakers, critically-acclaimed din ang naging pagganap ni Coco in such films as Tambolista and Daybreak, both directed by Adolf Alix Jr.

Isama pa ang Jay by Francis Pasion and the latest Noy na idinirek naman ni Dondon Santos.

"Kasi ang paggawa ng pelikula, it’s my passion. Importante po sa akin na maganda talaga yung project."

MOVIE WITH JUDAY. Next year, ang aabangan ng fans ni Coco Martin ay ang bago niyang pelikula with Judy Ann Santos.

"Nakaka-excite, pero malamang next year na po yun kasi yun munang kina Ate Juday at Kuya Ryan [Agoncillo] ang mauuna. Yun po ang pang-Metro Manila Filmfest ng Star Cinema.

"Sina Ate Juday at Kuya Ryan, marami na silang napatunayan sa team-up nila," banggit din ni Coco, referring to the real-life couple’s past MMFF blockbuster and award-winning starrers—Kasal Kasali Kasalo (2006) and Sakal Sakali Saklolo (2007), na parehong dinirek ni Jose Javier Reyes.

"If ever po, baka pam-Valentine’s yung sa amin ni Ate Juday. Sana rin po," nakakatuwang komento pa ni Coco.

Meanwhile, this year din ay nakagawa ng pelikula si Coco sa direksiyon ni Brillante Mendoza.

"Cameo role lang po ako du’n," referring to Direk Dante Mendoza’s (real name ni Brillante) Bitag, o ang dating may pamagat na Prey.

LOLA’S BOY. Kung tatanungin si Coco, sa ngayon, if he has found a new love, pareho pa rin ang kanyang magiging sagot.

"Naku, sa dami po ng trabaho, mahirap talagang magkaroon ng ganyan [lovelife]. Hindi pa siguro panahon!" sagot niya, sabay-tawa.

Ang pagkaka-link niya with young actress Maja Salvador?

"Mabait po si Maja. Sobrang bait at napaka-humble kaya maganda siyang maging kaibigan."

Alam din daw ni Coco na may boyfriend si Maja, gaya rin ng napapabalita at hindi siya yun.

"Pero hindi na akong puwedeng magbanggit. Bilang lalake, hindi po maganda na sa akin pa manggagaling ang tungkol do’n!" natatawang sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng kanyang popularity, nananatili ang maayos at simpleng lifestyle ni Coco. He still lives in the same area within Metro Manila kasama ang pinakamamahal niyang lola na nagpalaki sa kanya.

"Tulad pa rin ng dati. Kasama ko pa rin ang lola ko.

"Masaya naman po dito, tahimik lang," sabi pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN