Isabelle Daza never dreamed of becoming a beauty queen like mom Gloria Diaz

"Hindi ko yun naging pangarap or priority. For now, happy naman ako sa GMA [network], sa trabaho ko, gusto ko ipag-focus muna, and madami naman na magaganda at matatalino na girls out there who can win the crown, I believe," says Isabelle Daza.


Noon lamang Abril ay pumirma ng thre-year exclusive contract sa GMA-7 si Isabelle Daza, ang anak ng 1969 Miss Universe na si Gloria Diaz.

Nabanggit noon ni Isabelle na isang game show ang kanyang magiging first project sa GMA-7, kung saan makakasama niya ang Pound-for-Pound King na si Manny Pacquiao. (CLICK HERE for related article.)

At sa July 16 ay magsisimula na ang kanyang show with Manny na Manny Many Prizes. Magiging co-host siya dito kasama sina Rhian Ramos, Paolo Contis, Onyok Velsco, at Gladys Guevarra.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press si Isabelle noong July 5 sa press launch ng kanilang show sa Studio 6 ng GMA Network Center.

Ayon kay Isabelle, magkahalong excitement at takot ang nararamdaman niya sa ngayon.

"Kasi yung pressure sa pagiging host, nandiyan din, dapat masaya, dapat full of energy, dapat mabilis.

"Pero excited kasi yung cast, parang magkabarkada na kami, kami nila Rhian, sila Congressman Manny Pacquiao, si Paolo nakakatawa, si Onyok.

"Sobrang masaya silang kasama, tapos palagi lang kaming kumakanta, kumakain, naglolokohan.

"So hopefully itong show namin, itong project namin, mapapasaya namin ang mga tao."

Napapanood din si Isabelle sa musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.

WORKING WITH MANNY PACQUIAO. Dalawang beses nang nakatrabaho ni Isabelle ang Pambansang Kamao bago ang Manny Many Prizes. Ang una ay sa commercial para sa isang beer, at ang isa naman ay nang mag-guest siya sa sitcom na Show Me Da Manny.

Pero ngayon na mas madalas na silang magkasama, kumusta naman katrabaho si Manny?

"For me it’s an honor to work with Manny Pacquiao," wika niya.

"Kahit nasa abroad ako, kilalang-kilala siya. Nung nasa London ako, tinatanong nila, ’Where are you from?’ Tapos sabi ko Philippines, si Manny Pacquiao ang pinakaunang tinatanong nila.

"So, siyempre he’s an icon of our generation, and it’s an honor for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit pa niya, hindi raw intimidating makasama si Manny dahil simple lang daw ito at hindi mayabang.

"Hindi siya mayabang, napakasimpleng tao lang.

"And I think that’s also the reason why magki-click kami,

"Kasi, for him ha, walang bida or anything [sa show]."

At kung meron man daw siyang nalaman tungkol kay Congressman Pacquiao, yun daw ang pagiging "generous" nito.

"Manny is very, very generous," nakangiting sabi ng Kapuso talent.

Paliwanag niya, "Hind yun alam ng mga publiko kasi siyempre nag-boxing, puro boxing matches lang.

"Of course, pag congressman ka, hindi mo naman mapapakita yung nabigay mo na.

"So, itong show, kakaiba siya dahil galing sa bulsa ni Manny [ang ibang premyo], and siyempre from GMA Network.

"Pero si Manny talaga magbubuhos ng mga prizes, no one’s gonna go home here na walang prize, parang ganun."

ON CAREER. Bago pa lang sa industriyang ito si Isabelle, kaya naman daw sa ngayon, ang focus niya ay mapagbuti ang kanyang pagho-host.

"Gusto kong galingan yung pagho-hosting, pagiging kumportable sa harap ng camera, and maybe eventually after ng maraming workshops, acting na rin."

Naging popular noong 1974 ang pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa, na pinagbidahan ng ina ni Isabelle na si Gloria Diaz.

May pagka-sexy ang film na ito, na ayon kay Isabelle, ay hindi daw inasahan ng kanyang mommy.

"Kasi nung time na yun, hindi naman alam ng mom ko na, kinukuwento niya sa akin, hindi niya alam na ganun pala yung mangyayari!" natatawang kuwento ni Isabelle.

Paano kung gawan ng remake ang pelikulang ito at siya ang paganapin sa role noon ng kanyang ina?

"Well, marunong naman ako mangabayo. One of my sports is equestrian," pagbubunyag niya.

"Siguro kung papa-remake, hindi masyadong sexy.

"Funny dahil pareho yung name [ko] sa character sa Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa— Isabelle yun, Isabelle din pangalan ko. Tingnan natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakagawa na noong 1996 ng remake ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa, kung saan si Ruffa Gutierrez ang gumanap na bida.

Natagalan bago tuluyang pumasok si Isabelle sa showbiz. Ito daw ay dahil gusto niyang makapagtapos muna ng pag-aaral.

Graduate si Isabelle ng Early Childhood Education sa De La Salle University. At bago tuluyang pumasok sa industriya, ay isang taon siyang nagturo ng mga pre-school.

Bukod pa doon ay nag-aral siya ng Spanish sa Madrid, Spain bago tuluyan nakausap ng GMA-7.

Ngayong artista na siya, tatalikuran na ba niya ang pagtuturo?

"Hindi naman," mabilis na sagot ni Isabelle.

"Kasi tingin ko naman madami din akong matutulungan [sa show].

"What I really want naman is to help and teach [people]. In my spare time din I still do it, like even [with] my nephews ganun."

BEAUTY PAGEANTS. Dahil nga sa anak siya ng isang dating beauty queen, hindi mawawala ang tanong kung may balak ba siyang sundan ang yapak ng kanyang mommy.

Kapansin-pansin kasi ang magandang pangangatawan ni Isabelle. Bukod sa slim ito, matangkad din naman siya’t Pilipinang-Pilipina ang dating dahil sa morenang balat nito.

"Beauty pageants, madaming nagtatanong niyan!" natatawa niyang sagot.

"Ang hirap ng beauty pageants, e.

"Laging sinasabi ng mommy ko, maliit ang bahay namin, isang korona tama na."

Dagdag pa niya, kahit noon pa, never din daw niyang pinangarap na maging beauty queen.

"Hindi ko yun naging pangarap or priority.

"For now, happy naman ako sa GMA [network], sa trabaho ko, gusto ko ipag-focus muna.

"And madami naman na magaganda at matatalino na girls out there who can win the crown, I believe," nakangiting pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN