Zanjoe Marudo appreciates Robin Padilla’s gentlemanly care for Bea Alonzo on the set

"Nakakatuwa na inaalagaan si Bea kasi ang pangit naman kung ang mababalitaan mo ay pinababayaan siya. Malakas ang chemistry nila. Actualy maganda ang tandem nila," says Zanjoe Marudo on Robin Padilla as a perfect gentleman to his leading ladies.


Wala pa namang direktang inaamin sina Zanjoe Marudo at Be Alonzo sa tunay na estado ng kanilang realasyon, pero aminado ang dalawa na humuhugot sila ng inspirasyon sa bawat isa.

Nakikita silang magkasama sa ilang lakaran. Balita rin na kahit daw sa paggu-golf ni Zanjoe ay sumasama si Bea.

When PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Zanjoe last Sunday, July 3, sa pictorial niya for the movie Wedding Tayo, Wedding Hindi sa Dolphy Theater, kinumusta namin sa kanya ang espesyal na namamagitan sa kanila ng aktres.

"Oo, nandun pa rin kami sa proseso. And ako naman, gaya ng sinabi ko dati, yung intention ko, at yung masaya ako kung nasa’n man kami ngayon. Maligaya ako.

"Kung anuman ang nagagawa naming mga bagay, sana mas mag-grow pa kung saan man papunta. Hindi ko naman minamadali," sabi ng hunky actor.

Masasabi na ba niyang exclusively dating sila ni Bea?

"Gaya ng sinabi niya dati, mahirap magsalita," sagot ni Zanjoe.

"Basta ang comment ko, I’m there. Siya naman, on the way na yata siya, baka na-traffic lang!" biro pa niya.

Isa raw sa bonding moments nina Zanjoe at Bea ay ang pagalalaro ng golf.

"Nag-e-enjoy naman siya, I think nagustuhan naman niya. Siguro kasi lagi rin niyang naririnig sa akin.

"Yung mga lakad ko kasi, kung hindi trabaho, naglalaro lang talaga ako ng golf kaya siguro naging interesado siyang matuto.

"Sa ngayon kasi, ang dami niyang gustong matutunan. May boxing siya, may rumba, saka golf.

"Yung golf, isa yun sa mga time na nakikita ko siya, nakakasama."

GUNS AND ROSES. Kapareha ni Bea sa teleseryeng Guns and Roses ang action star na si Robin Padilla, kilalang-kilala na magaling mag-alaga ng leading ladies.

Hindi ba siya nakakaramdam ng kaba na baka mapalapit ang loob ni Bea kay Binoe sa mga ginagawa nitong pag-aasikaso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatuwa na inaalagaan si Bea kasi ang pangit naman kung ang mababalitaan mo ay pinababayaan siya.

"Malakas ang chemistry nila. Actualy, maganda ang tandem nila.

"Saka yun naman talaga ang role ng bawat loveteam, di ba? Yun ang pinakaunang-unang titingnan ng tao, o di kaya ng management, kung may chemistry ba ang ang dalawang artista para pagsamahin."

Aminado si Zanjoe na may mga pagkakataon na nakakapanood siya ng Guns and Roses at napansin niya nga na ibang-ibang Bea ang nakikita sa nasabing serye.

"Actually, ang napansin ko lang, sa mga nakita kong episodes, ito yung role niya na medyo palaban siya [Bea].

"Hindi ito katulad sa mga iba niyang characters na parang kawawa, laging umiiyak."

Open ba si Zanjoe to work with Bea unlike other couples na ayaw magkasama sa isang project kasi umiiwas daw mahalo ang personal sa private lives nila?

"Oo naman," sambit niya.

"Siyempre, gusto kong makatrabaho si Bea dahil isa siya sa pinakamahusay na artista sa generation niya. Siyempre, malaking karangalan sa akin na maka-partner siya.

"Pero siyempre, depende pa rin sa project at sa role. Ayoko naman yung para lang masabi na nakatrabaho ko siya.

"Pagdating naman kasi sa trabaho, labas namin yun sa kung saan man.

"Kung magkakaroon kami ng project, depende pa rin yun sa istorya at sa proyekto."

TONI GONZAGA. Kapareha ni Zanjoe sa Wedding Tayo, Wedding Hindi ng Star Cinema si Toni Gonzaga, na nakasama rin niya before sa You Got Me.

Ayon kay Zanjoe, mas kumportable na siyang makatrabaho ngayon ang TV host-actress.

"Ang dali, ang gaan! Pagdating sa comedy, grabe ang timing nung dalawa nating bida [Toni and Eugene Domingo] dahil ang importante naman sa comedy ay timing.

"Siguro sila yung may pinakamagandang timing sa comedy kaya ang dali naming natapos yung mga eksena.

"Kahit na ako na artista na kasali, natatawa sa bawat eksena namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas kumportable na. Mas magaan na.

"Kasi dati, first movie ko yun [You Got Me], e, kaya nangangapa pa ako. First time kong makakita ng camera na pampelikula.

"Sa movie kasi, isang eksena, ginagawa nang paulit-ulit. Hindi katulad sa TV na isahan lang.

"So, mas naiintindihan ko na. Saka mas magaan.

"Ang sarap katrabaho ni Toni lalo na sa ganyang genre.

"Mas kapa na namin ang bawat isa dahil mas kilala na namin ang isa’t isa kasi nagkatrabaho na kami. So, bawat eksena, isang beses lang naming ginagawa.

"Iba talaga ang timing ni Toni sa comedy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN