Rhian Ramos denies getting back with Mo Twister, but has forgiven him since he apologized

"Kasi alam mo yung pinanggalingan din namin, five years... Hindi lang kami friends, e, best friends talaga, e. Alam mo yung lahat ng nangyayari sa akin, alam niya. Lahat ng nangyayari sa kanya, alam ko. Alam ko kung sino yung gusto niyang i-date o yung dine-date niya dati. So, hindi yun madali para sa akin na kalimutan ng ganun lang," says Rhian Ramos about Mo Twister.


Pinabulaanan ni Rhian Ramos ang balitang nagkaayos at nagkabalikan na sila ni Mo Twister.

"Hindi rin. Sino ba ang nagsabi nun?" paglilinaw ng young actress.

"May nag-tweet nga sa akin nun, e. Hindi, maling-mali yun.

"Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi nun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa presscon ng Manny Many Prizes sa Studio 6 ng GMA Network Center kagabi, July 5.

Pero patuloy pa ba ang communication nila?

"Hindi," sagot niya.

"Pero, di ba, before kasi nung tinanong ako kung nakakausap ko pa ba siya, sabi ko kinausap ko siya nung inayos namin ang gusot?

"Yun lang. Yun na yun."

Ibig sabihin, never na siyang makikipag-usap ulit kay Mo?

"Pero I’m not naman... hindi ako nagtatanim ng grudge sa tao. Hindi ko naman sinasabi na I’ll never gonna talk to [him], di ba?

"I’m just saying na kung sino man ang nagbalita nun na patuloy yung communication namin, hindi yun accurate."

Ibig sabihin, nagkaayos na sila talaga ni Mo?

"Kung anuman yung concerns ko, na-address. Pero as of anything na personal, hindi ko na mapag-uusapan yun," sagot ni Rhian.

Ayon kay Mo sa naunang interview ng PEP, ang tanging nakausap lang daw niya ay ang abugadong kinuha ni Rhian na si Atty. Lorna Kapunan. Totoo ba ito? (CLICK HERE to read related story.)

"Oo, tama naman yung sinabi niya. Totoo naman yun," pagkumpirma ni Rhian.

ON GETTING A LAWYER. Nilinaw rin ni Rhian na personal na desisyon niya ang pagkuha ng abugado. Wala raw kinalaman ang GMA management dito.

"Minsan nga nababasa ko na binigyan ako ng lawyer ng GMA. Sobrang hindi. Walang kinalaman ang GMA.

"Ako yun, desisyon ko yun, kinuha ko," sabi niya.

So, para saan yung lawyer?

Paliwanag ni Rhian, "Pakiramdam ko lang na may na-violate na right ko at that time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa start pa lang nung nagkausap kami ng lawyer, talagang nag-decide kami huwag nating dalhin sa court.

"May mga paraan naman na hindi kailangang gawin yun."

Bakit si Atty. Kapunan ang kinuha niya?

"Family friend. At saka kilala na niya [Mo] siya [Atty. Kapunan].

"Friends na rin sila. So, at least may mutual ground.

"Kasi wala naman akong balak kumuha ng tao para i-threaten ka lang, di ba?"

THE TWEETS. Ano ang naging reaksiyon niya sa mga "meaningful tweets" o sinasabing "good night tweets" ni Mo noon?

"I got really angry about that," sabi niya.

"Hello, bakit sa tingin mo kumuha pa ako [ng lawyer]!

"At saka yung connotation kasi ng nabasa ko, mali, e. Iniisip ko rin kung totoo ba o hindi.

"Pero para sa akin, tapos na yun. Kasi ayos na, e, okay na."

Bumalik na rin daw sa pagtu-tweet si Rhian.

"Nagtu-tweet na ako. Siguro one month na ako nagtu-tweet ulit."

Ayaw namang sagutin ni Rhian ang tanong ng press kung na-block na ba niya si Mo sa Twitter account niya.

Pero matapos ang saglit na pamimilit ay sumagot din ang aktres.

"O, sige na nga. Pero naiintindihan n’yo naman kung bakit, di ba?" sabi niya.

ALSO GOING TO A THERAPIST. Ano ang comment ni Rhian na kumukonsulta sa isang therapist ngayon si Mo?

"Wala. I think that’s a great thing. That’s really good.

"Kasi everyone naman has something they might want to talk about.

"Sa ibang bansa kasi, like sa States, pag pinag-usapan yung therapy, it’s a normal thing.

"Minsan kasi may mga bagay na ayaw mong pag-usapan with your friends kasi masyadong heavy.

"So, pupunta ka sa isang professional na at least sigurado ka sa advice na ibibigay niya."

Maging si Rhian ay umaming nagpupunta rin siya sa therapist ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’ve been going to one. Matagal na," sabi niya.

Gaano kadalas siya nagpupunta sa therapist?

"Regular weekly," sagot niya.

"Pero hindi ako pumupunta ng therapist dahil kailangan kong humingi ng advice tungkol sa nangyari. Hindi dahil doon. May ibang bagay pa."

FAMILY SUPPORT. Paano siya sinuportahan ng family niya sa nangyari sa kanila ni Mo? Totoo bang pumunta ng Pilipinas ang daddy niya mula sa Thailand?

"Yeah, he came here," pagkumpirma ni Rhian.

"Yung daddy ko kasi nakakapunta lang siya dito pagka may business trip.

"Nung pumunta siya rito, first time niyang nakita yung mukha ko na ganun, e.

"Hindi ko puwedeng sabihin kung paano niya dinescribe kasi swear word yun.

"Pero kaya siya bumalik, he was like... Nung nakabalik siya sa Thailand, iniisip niya lang daw lagi na gusto niya ako i-hug, so kaya siya bumalik. Di ba, touching?"

MOVING ON. Malaking tulong daw ang trabaho niya para maka-move on si Rhian sa bad experience niya.

Bukod sa Manny Many Prizes, napapanood din siya sa In The Limelight, gabi-gabi sa GMA News TV Channel 11. Busy din siya sa paggawa ng movies na Panday 2 at The Road.

Kailan naman siya gagawa ulit ng teleserye?

"Negotiating pa, e, mahirap," sambit niya.

"At saka marami kaming artista, hindi naman puwedeng every quarter kasali ako sa soap.

"Actually, kung magkaka-soap pa ako, hindi ko alam kung paano ko pa gagawin yun sa schedule ko.

"Hindi ba ako made-dead na lang?" biro ni Rhian.

Naka-move on na ba siya totally?

"Ako kasi, kahit anong problema pa yung i-present sa akin, hindi ako sa problema nagpo-focus, e.

"Parang I let it take care of itself. And then I do positive things for myself and for my life."

Kinalimutan na ba niya ang friendship nila ni Mo?

"I don’t know. Kasi alam mo yung pinanggalingan din namin, five years... Hindi lang kami friends, e, best friends talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo yung lahat ng nangyayari sa akin, alam niya. Lahat ng nangyayari sa kanya, alam ko.

"Alam ko kung sino yung gusto niyang i-date o yung dine-date niya dati.

"So, hindi yun madali para sa akin na kalimutan ng ganun lang.

"Pero siyempre, may mga bagay din na masasakit na hindi mo rin makakalimutan.

"So, hindi ko alam... hindi ko masasagot, sorry."

Nag-attempt bang suyuin siya ulit ni Mo at humingi ng second chance pagkatapos itong kausapin ng lawyer niya?

"Well, I can tell you this much—he apologized," sabi ni Rhian.

"I don’t wanna go into it again. Pero I’d like to assume na when people apologize, they’re really sorry. That’s enough for me."

Matagal ding nag-isip ng isasagot si Rhian nang tanungin ng PEP kung napatawad na ba niya si Mo?

"Hmmm... sure. Yeah, it’s in the past naman, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN