First-time dad Paulo Avelino talks about his son Ethan Akio

"Actually, ’yon na lang ’yong life ko ngayon, e—it’s me, my work, my baby, my family," says Paulo Avelino.


Last year, nagkaroon ng magandang blessing sa buhay ng young Kapuso actor na si Paulo Avelino—ang kanyang anak na si Ethan Akio. (CLICK HERE to view related article)

Si Ethan ay anak ni Paulo sa kanyang girlfriend na si LJ Reyes.

Kumusta na ang kanyang anak?

"Ayun, very healthy," sagot ni Paulo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng E! Entertainment Television noong July 5 sa The Establishment sa The Fort, Taguig City.

Dagdag pa niya, "Actually, when I have nothing to do, I give my time to him."

Sinubukang itanong ng PEP kung kanino nakatira ngayon ang anak, ngunit umiwas ang young actor.

"’Wag na lang ’yon. Basta ’yon na ’yon!" natatawang sabi ni Paulo.

"So, pag may free time ako... Actually, ’yon na lang ’yong life ko ngayon, e—it’s me, my work, my baby, my family."

Sinubukan din ng PEP na kunan ng pahayag si Paulo tungkol sa estado ng relasyon niya ngayon with LJ. Pero ayaw rin niyang magbigay ng komento tungkol dito.

"No comment. I don’t want to give any details," aniya.

Maganda naman ang naging takbo ng relasyon ng dalawa nang isilang ni LJ ang kanilang anak, kaya nagtaka kami kung bakit ayaw pag-usapan ni Paulo ang relasyon nila.

WHAT’S NEW?. Huling napanood si Paulo sa afternoon soap ng GMA-7 na Alakdana, kung saan gumanap siya bilang isa sa leading men ni Louise delos Reyes. At sa ngayon ay pahinga muna siya.

Pero ano ba ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon maliban sa pagbibigay niya ng kanyang oras sa anak?

"Actually, there’s nothing new. It’s still the same old stuff like there are series of things coming up.

"There are new projects, but hindi pa sure.

"I’m sure pa lang ’yong Metro Manila Film Fest this year. We haven’t started shooting yet, pero it’s with Regal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, guestings-guestings. You’ll see me in Bubble Gang actually now," saad ni Paulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN