Jason Abalos says past is past with Melissa Ricks

"Tingin ko kasi wala na kaming dapat pag-usapan pa. Parang okay na naman kami. Okay na ang lahat, natapos na siya nang maayos. Siguro, kumbaga tapos na ang ganung yugto ng buhay ko. Pakiramdam ko lang wala na, tapos na. Magkaibigan naman kami ngayon. Nagkikita, nagkakasalubong," says Jason Abalos about Melissa Ricks.


Hindi man masasabing top leading man si Jason Abalos, pero hindi naman puwedeng balewalain ang kanyang talent bilang mahusay na aktor. Alam ito ng kanyang home network na ABS-CBN kaya hindi siya nawawalan ng projects.

Kasama si Jason sa cast ng teleseryeng Reputasyon bilang katrayanggulo sa tambalang Rayver Cruz at Cristine Reyes.

Sa pictorial ng cast ng Reputasyon last Sunday, July 3, ay ibinahagi ni Jason sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang role sa nasabing series.

Masaya rin daw siya dahil katrabaho niya uli si Cristine after their first team-up sa Eva Fonda.

"Masaya ako. Kasi parang ako, yung mga nakakatrabaho ko nung una, nami-miss ko rin sila. Parang, ’Kailan ko kaya makakatrabaho ulit ang mga ito?’

"Like si Cristine. Kaya nung nabigyan ako ng pagkakataon to work with her again, natuwa ako.

"Ibang-iba si Cristine ngayon. Iba siya, sobrang galing niya ngayon.

"Kumbaga, dito sa Reputasyon, ang ipanlalaban niya ay yung acting niya kasi ang galing niya."

Dagdag pa niya, "Ako dito si Boyet, ako yung nagbibigay ng ngiti sa pamilya na nagkakagulo. Naghahabol para makuha nila yung tamang reputasyon para sa kanila."

Hindi ba siya nailang sa mga eksena nila ni Cristine kasi alam naman ng lahat na boyfriend ng aktres si Rayver?

"Hindi naman," sagot ni Jason.

"Kasi alam naman ng lahat na nagtatrabaho lang kami. So, yung mga isyu ng mga ganyan na tungkol sa lovelife, sa kanila na lang yun."

PAST IS PAST. Na-link si Jason before kay Melissa Ricks at nabalita pang muntik-muntikan na raw sila magpang-abot ni Jake Cuenca sa isang bar sa isang probinsiya dahil sa young actress.

Ngayong wala na sina Jake at Melissa, may balak ba siyang diskartehan uli ang dalaga?

"Actually, yung sinasabi nilang nangyaring gulo, hindi naman talaga siya gulo," paglilinaw ng binata.

"So, parang hindi naman siya ganun kalaki. Napalaki lang siya. Kaya ayokong magsalita dati kasi ayoko talagang lumaki yung issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, okay na kami ni Jake. Si Mel minsan, nakakasalubong ko din, pero wala na. Wala na talaga kaming communication.

"Tingin ko kasi, wala na kaming dapat pag-usapan pa. Parang okay na naman kami. Okay na ang lahat, natapos na siya nang maayos.

"Siguro, kumbaga, tapos na ang ganung yugto ng buhay ko. Pakiramdam ko lang, wala na, tapos na.

"Magkaibigan naman kami ngayon. Nagkikita, nagkakasalubong."

JUST FRIENDS. Minsan ding na-link si Jason kay Kim Chiu. Pero ayon sa young actor, wala talagang anumang namagitan na higit pa sa pagiging magbarkada sa kanila.

"Masaya ako sa friendship namin. Magkakaibigan kami. Ayaw namin ng parang kahit na anong kumplikasyon.

"Kung ano ang makakapagpasaya kay Kim, dun kami. Mahirap na samahan ng mga ganun.

"Paminsan-minsan, nakakasama ko sila. Sila Maja [Salvador, kaibigan ni Kim], pero bihira lang.

"Sobrang busy nila and ako din naman, may mga ginagawa ako. Madami din akong inaasikaso.

"Nakalimutan ko na nga yung mga tawanan namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN