Gov. Vilma Santos says son Luis Manzano is "emotional" when it comes to love

"Thank you for letting me grow. Hindi mo ako kinu-kuwan sa tama o mali... I know na sa 30 years ko sa mundo, I’m not a sinner, and at the same time, I’m not a saint. Pero siguro, hindi kita makakausap nang ganito if I’m not on the right path, at dahil sa inyo ni Daddy yun... I love you very much... Ilang years mo sinabi yun, now, ako ang magsasabi—’I love you, Mommy!’" says Luiz Manzano to his mom, Bata


Noong Martes, July 5, ay panauhin si Luis Manzano, kasama si Billy Crawford, sa bagong morning show ni Kris Aquino sa ABS-CBN na Kris TV.

Ito ay upang i-promote ang Season 3 ng Pilipinas Got Talent ng Kapamilya network na magsisimula na ngayong weekend. Sina Luis at Billy ang hosts ng programa, samantalang si Kris naman ang isa sa mga hurado.

Sa live na interview ni Kris sa dalawa, naging mas interesante ang topic kay Luis. Kabilang na rito ang tunay na "status" na namamagitan sa kanila ni Jennylyn Mercado, na homegrown talent ng GMA-7.

Sa bandang unahan ng panayam, napaamin ni Kris si Luis na si Jennylyn ang babaeng "nagpapangiti sa umaga at gabi" ng panganay na anak nina Edu Manzano at Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

"Parang magaang ang aura mo today?" pansin ni Kris kay Luis, na natawa lang.

"So, kayo, i-label natin ha, dating [ba kayo ni Jennylyn]?"

"Yes!" pag-amin ni Luis on live television.

Tinanong ni Kris si Luis kung exclusively dating ba si Luis and Jennylyn.

"Hindi pa namin napapag-usapan na... O, walang... Pero kumbaga, medyo it’s given na rin, nando’n na yun."

Napa-"Oh my gosh si Kris. Sa girls daw kasi, mahirap malaman, as in nakakahiyang magtanong ang girl sa guy na "Are we dating?"

Sagot ni Luis, "Siguro, some people like to talk about it, some people like to verbalize [it].

"Minsan kasi, there’s understanding na rin naman talaga na yun na ’yon, exclusivity...

"Siguro, mas kailangan pang pag-usapan kung kayo na o hindi.

"Pero kumbaga, yung in terms of exact phase na you’re exclusively dating, entertaining others, or may exclusivity, puwede mong sabihin... Kung minsan, puwede mo ring maramdaman na lang."

PHONE-PATCH INTERVIEW FROM GOV. VI. Hanggang sa pumasok na sa ere ang live phone-patch interview ng show kay Governor Vilma Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanong ni Kris kay Ate Vi, sa kabisihan raw nito habang pinapalaki ang anak na si Luis, paano niya na-manage na maging close sa isa’t isa?

Open nga raw kasi ang communication ng mag-ina, ayon pa kay Kris.

"Alam mo, nung time na pinanganak ko si Luis, medyo doon ako nagkaroon ng financial problems," simula ni Vilma.

"Talagang in two months time, after giving birth, nagtrabaho na ako.

"But again, thank God, I was able to recover. Nakabawi rin naman ako sa anak ko.

"Kasi, later on, doon ko nakita ang importansiya ng anak. Doon ko nalaman na hindi ako puwedeng mabuhay nang wala ang mga anak ko.

"So, since then, alam nila na sila ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Alam ni Luis ’yan.

"Kaya nga ang tawag niya sa akin, ’Kulit Momskie,’ e.

"Kasi, every day, hindi dadaaan ang araw na hindi ko malalaman at least kung nasaan siya, kung safe siya, kung ano ang ginagawa niya, kung me trabaho o wala. Yun lang.

"Basta alam kong safe lang siya, happy na ako."

May "ibinisto" si Luis tungkol sa kanyang mom, kung bakit niya ito tinatawag na "Kulit Momskie."

Ani Luis, "May idadagdag lang ako diyan... Eto isang example kung bakit ’Kulit Momski’ ang tawag ko sa kanya...

"Di ba, there are times na hindi natin hawak ang mga cell phones natin, like when we’re working o kung di kaya, tulog tayo?

"Pag di na ako nakasagot sa text ni Mommy ng siguro mga three times, tatawag na ’yan sa mga kaibigan ko, hahanapin na ako!

"Tapos, may mga text si Mommy na, ’Anak, what are you doing?’ E, kung minsan, di nga ako nakakasagot...

"Magte-text uli ’yan, ’Anak, please answer me naman...’ Gano’n si Mommy sa akin!" tawa ni Luis.

PERSONAL ADVICE. At this point, marahil ay nais na ring samantalahin ni Kris ang nasa phone line pa ring si Vilma, kung kaya’t humingi ito ng "personal advice" tungkol sa sarili niya bilang ina naman ni Bimby, ang anak nila ng basketbolistang si James Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Kris, "Ate Vi, hihingi lang ako ng advice. Kasi, dito sa stage ng buhay ni Bimby o ni Baby James, alam mo yung hiwalay na kami ng tatay niya, pero how did you manage to maintain a good relation kayo ni Edu [Manzano, Luis’ dad]?

"Kasi, mga kapatid ko, parating sinasabi sa akin, ’Ang magbe-benefit diyan, anak n’yo, e. So, mag-effort naman kayong maging magkaibigan.’

"Ikaw? Kasi, di ba, marami pa rin namang trials pag bago pa lang kayong separated?"

Sagot ni Vilma, "Yeah, Kris, you know, the only thing... It’s not even an advice, it’s more of sharing...

"You know, Kris, the most important thing sa eksperensiya ko with Luis, at siguro, kaming dalawa ni Edu, just be truthful, and don’t underestimate children, kasi naiintindihan nila ’yan.

"By being truthful, dapat yung sinasabi natin sa kanila, e, dapat pareho sa nakikita nila. So, I guess...

"Kinausap nga noon si Luis ni Edu tungkol sa sitwasyon naming dalawa. Kung bakit kailangan naming hindi magkasama...

"But I guess, nakikita niyang he is very special to us. At habang lumalaki siya, nararamdaman ni Luis yun na siya ang pinakaimportante para sa amin, when it comes to caring, priority, education...

"So, I think, naging malaking plus factor kay Luis na kahit na papaano, e, lumaki siya nang ganyan, na he accepted what life is."

Reaction ni Luis, "Siguro, gusto ko ring idagdag na even if my mom and dad chose to go separate ways, ni isang second sa buhay ko, hindi ko naramdaman na hindi nila ako mahal.

"Kahit na naghiwalay sila, alam ko kung gaano ako kaimportante sa kanila. At para sa akin, bilang isang anak, e, sapat na sapat na yun.

"Kumpleto na ang buhay ko sa pagmamahal nila, kahit na magkahiwalay sila ng landas."

GOV. VI ON JENNYLYN. Lastly, hiningan ni Kris ng reaction ang Star for All Seasons tungkol kay Jennylyn Mercado, na sinasabing espesyal na babae sa buhay ngayon ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa kuwento ni Luis kay Kris, na-meet na umano ng mommy nito si Jen at naging maganda naman daw ang naging conversation nila.

Natawa muna si Vilma, "Basta ang alam ko, si Luis ngayon ay malaki na. He’s mature enough to decide for himself.

"May sarili nang isip ’yan, e, may sarili na ’yang desisyon kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya.

"Si Mommy ay nandito lang to guide lagi, like, ’Anak, enough muna.’ Or ’Anak, ganito lang ’yan. Relax. Pray. Enjoy life, kasi, hindi mo na babalikan ’yan.’

"But then again, when it comes to his lovelife, lagi kong sinasabi, napaka-emosyonal talaga ng anak kong ’yan, si Lucky. Napaka-emosyonal niyan pagdating sa lovelife.

"And for that, I understand him. But the most important thing is, ’wag lang siyang mang-iisa o mang-aapak ng tao.

"But when it comes to lovelife, who are we to judge him, di ba?

"Ang importante lang sa kanya ay to be a gentleman. He has his own life to live."

Handa na ba siyang maging lola?

"Why not?" natatawang sagot ni Ate Vi.

Bago natapos ang phone patch interview na yun kay Vilma, humirit si Luis, "Bago ang lahat, Momskie, I wanna say thank you...

"Tulad ng sinabi ni Billy kanina, thank you for letting me grow. Hindi mo ako kinu-kuwan sa tama o mali...

"I know na sa 30 years ko sa mundo, I’m not a sinner, and at the same time, I’m not a saint.

"Pero siguro, hindi kita makakausap nang ganito if I’m not on the right path, at dahil sa inyo ni Daddy yun... I love you very much...

"Ilang years mo sinabi yun, now, ako ang magsasabi—’I love you, Mommy!’"

"I love you so much, anak!" sagot naman ni Vilma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN