PEP EXCLUSIVE. Daniel Padilla amazed by increased number of bashers during election season

May 10, 2016
<p>Daniel Padilla says that the campaign season had been a stressful one, but he doesn't regret anything. He says, "Naging eye-opener 'tong pulitika sa akin kaya malaki rin ang pasasalamat ko. Nakilala ko yung mga taong hindi talaga ako iiwan at nakilala

“Kahapon pa lang napatawad ko na. Kahapon pa lang, pagkatapos kong bumoto, parang, 'Okay, next na.'”

Ito ang mensahe ng Teen King na si Daniel Padilla sa mga bumatikos sa kanila ni Kathryn Bernardo dahil sa kanilang “ballot selfies.”

Matatandaang kahapon, May 9, mismong araw ng eleksyon, ay inulan ng batikos sina Daniel at Kathryn dahil sa kumalat nilang larawan habang hawak-hawak ang kani-kanilang balota sa loob ng voting precinct.

Tinuligsa ng netizens ang dalawang Kapamilya stars dahil nilabag diumano ng mga ito ang Comelec ruling na bawal kunan ang election ballot o magsuot ng campaign paraphernalia sa loob ng polling precinct.

Read: Daniel Padilla, Kathryn Bernardo under fire for allegedly breaching ballot secrecy

Maliban dito ay nabatikos din nang husto ang KathNiel dahil sa pangangampanya nila para sa Liberal Party standard-bearer na si Mar Roxas.

Pahayag ni Daniel, “Naging eye-opener 'tong pulitika sa akin kaya malaki rin ang pasasalamat ko.

Continue reading below ↓

“Nakilala ko yung mga taong hindi talaga ako iiwan at nakilala ko yung mga taong tatalikuran ako.

“Dito na-test ko lahat, grabe, at saka naging bukas din ang mga tao sa akin.

Patuloy niya, “Actually, hindi ako sa pulitika na-stress. Sa tao ako na-stress, e.

“Hindi ko sila naiintindihan kung anong nangyari.

“Parang biglang hindi na laban sa presidente yung nangyari, e, at pulitiko. Parang laban na sa tao sa tao.

“Nakakalungkot yun, di ba?

“Kasi, para sa akin, the best thing is unity talaga.

“Lahat tayo... isa lang dapat ang ipinaglalaban ng lahat ng tao, hindi puwedeng marami tayong ipinaglalaban. Walang mangyayari dun.

“And hindi ako nagsasabi na dapat suportahan ang presidente ko, ang ipinaglalaban ko is yung bansa ko.

“Yun lang, gusto ko lang talaga maging malinis.

“Kasi, para sa bansa natin 'to kaya ko pinanindigan 'tong desisyon ko.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel sa pictorial niya na ginanap ngayong Martes, May 10.

Continue reading below ↓

CAMPAIGN EXPERIENCE. Sinabi rin ng 21-year-old Kapamilya actor na labis siyang nadismaya sa reaksiyon na natanggap niya kaugnay ng kanyang pagtulong sa kampanya ni Roxas.

Saad niya, “Para sa bansang Pilipinas.

“Ibang usapan ang showbiz at ibang usapan ang pulitika.

“Pero problema sa mga tao, pinagsama-sama nila.

“At saka nakakatuwa, kasi hindi ako nagbabasa ng Twitter. Ever since naman, never ako nag-tweet, e.

“Ikinukuwento na lang ng mga kaibigan ko na bina-bash na daw ako.”

Ayon pa kay Daniel, “Magpasalamat na lang tayo, after ilang years, magiging history 'to at nandun ang pangalan natin sa nangyaring yun.”

Dahil sa naranasan niya sa pagkampanya, naisip ba niyang sumabak din sa pulitika balang-araw?

“Naku, hindi ko kaya!” mabilis niyang sagot.

“Masyado akong tao para sa pulitika.

“Yun ang maipagmamalaki ko dun sa buong buwan ng pulitika at eleksyon, never akong may sinabing masama para kaninong tao and, yet, ako yung sobrang na-bash.

Continue reading below ↓

“Talo ko pa ata sila Mar at Duterte sa mga bash sa akin, e.

“Dapat nga, kung ganito rin pala, tumakbo na lang.

“Pero yun nga, okay lang.”

RESPECTING THE VOTERS’ DECISION. Bilang first-time voter ay masasabi ni Daniel na ibang klase ang eleksyon dito sa Pilipinas.

“Pero grabe din yung eleksyon natin, ibang-iba sa lahat.

“So, iba talaga yung mga tao ngayon.

“So, para sa akin, after naman ng eleksyon... ngayon nga nanalo na ang dapat manalo, tanggap natin yun, walang samaan ng loob dahil ginawa naman nating lahat.”

Ganunpaman ay nirerespeto raw ni Daniel ang ibinoto ng mas nakararami.

“Pinanindigan natin yung sinusuportahan natin at ipinaglaban natin, pero ang gusto ng tao, si Mayor Digong [Rodrigo Duterte].

“So, okay yun, wala tayong magagawa.

“Ang ano ko na lang, sana hindi mawala ang tiwala namin sa mga binoto namin.

“At sa lahat ng binoto namin, sana huwag nilang sirain ang tiwala at gawin ang lahat ng pangako nila.

Continue reading below ↓

“Kasi, kaya nga sila ibinoto, dahil sa mga ipinangako nila.

“Kasi kung hindi nila ginawa ay may kapalit rin.

“Lagi namang ganun, e.”

Read Next
Read More Stories About
Daniel Padilla
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Daniel Padilla says that the campaign season had been a stressful one, but he doesn't regret anything. He says, "Naging eye-opener 'tong pulitika sa akin kaya malaki rin ang pasasalamat ko. Nakilala ko yung mga taong hindi talaga ako iiwan at nakilala
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results